" Mali "
" Mr. Santibañez... parang awa niyo na. Pakawalan niyo na po si Harriet."
Tumitig lang yung ama ni Harriet sa'kin. I'm kneeling. Begging him to grant my request.
Nagpalipat-lipat ang mga tingin ko sa kanila ni Mrs. Santibañez.
Her stare towards me is cold.
Binalaan na ako ni Dakila na huwag na huwag talagang gawin to. Pero hindi ko na matiis na walang gawin. Lalo at alam kong sila ang may gusto sa naging engagement bigla ni Harriet dun sa Clarence Almario na yun.
Bridgette wanted to take legal action. Pero ayoko ng gulo. Kung maaaring madaan sa pakiusap, gagawin ko.
Sobrang dami na talagang nangyayari sa'kin nitong huli. Mula sa sunod-sunod na kasong kinakaharap dahil bigla rin akong sinampahan ng kaso nung ibang pinagkakautangan ko tapos heto pa.. manghihingi na naman ako ng tulong kay Bridgette.
Patong-patong na yung naging utang ko sa kanya. Para maabswelto sa lahat ng kasong kinakaharap ay binayaran niya lahat ng utang ko.
As in lahat..maski isang sintimo wala siyang tinira. She paid it all without asking anything in return.
Kaya naman kung pwede kong idaan sa pakiusap ito..idadaan ko nalang. Hoping na madaan pa sa pakiusap ang lahat.
But I guess..Daki is right.
Sobrang mali na nakiusap pa ako sa kanila dahil kahit anupaman ang gawin ko ay hinding hindi sila papayag sa nais kong mangyari.
" Why don't you give our daughter a favor Sevi. Hindi mo ba nakikita..sobrang layo ng agwat niyo sa buhay. Anong maipapakain mo sa kanya, ha?! Saka.. tingnan mo nga ang sarili mo. Isipin mo nga kung nababagay ka ba talaga sa anak ko." Tama na naman si Dakila. Kung masama ang papa nila. Sobrang sakit naman magsalita ng mama ni Harriet.
" Kung ikukumpara ka kay Clarence.. ni kuko mo hindi kayang pumantay sa kanya. Kung meron man akong sobrang pinagsisihan sa buhay na 'to iyon ay ang pagbigyan ko si Harriet sa gusto na magpakasal sa'yo. Just look at you now.. sa lahat ng aspeto..hindi mo kayang ibigay ang deserve ng anak ko. Hindi mo deserve si Harriet."
" Ewan ko kung anong nakain ng anak namin kung bakit ganun ka nalang niya kagusto."
Napayuko lamang ako at tinanggap lahat ng masasakit na salita nila sa'kin.
" Kung mahal mo talaga ang anak namin..ikaw na mismo ang lalayo sa kanya. Kahit ano pa ang sabihin mo..hindi talaga kayo bagay dalawa."
" Ang mayaman ay para lang sa mayaman...at ang katulad mo na mahirap..para lang din sa mahirap. Harriet deserve better than this. You're a downgrade for her. You're not worth it at all."
Ang mga masasakit na salitang yun ang tumatak talaga sa puso't isipan ko. Hanggang ngayon..hindi ko pa'rin yun makalimutan.
When they told me that Harriet is suffering from cancer. .parang biglang gumuho ang mundo ko.
I know and they know what's that mean.
That if ever there was a chance of curing her condition.. I will do everything to have that.
Pero alam namin pareho na ang paraan lang ng problemang yun ay ang hayaan siyang mawala sa'kin ng tuluyan.
If I will not do what her parents wanted me to do.. Harriet won't have the cure that she needed on that time.
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
RomanceHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...