" ngiti "
It was never 'hate at first sight' when I met her.
Hindi naman ako 'yung tipo ng tao na gusto may kaaway sa buhay.
Na kung saan may isang taong kinaiinisan.
Ayoko ng ganun.
Kaya nga gumagawa ako ng mga content videos sa YouTube kasi gusto ko good vibes lang palagi. Lahat masaya.
Gusto kong masaya ako at ang mga tao sa paligid ko.
Di ba sobrang gaan ng buhay kapag palaging ganun?
Kaya naman.. nung makilala ko siya. Hindi ako galit sa kanya. Hindi ko siya kayang e-hate.
" HOY BAKLA KA NG TAON! BAKIT NGAYON KA LANG?! UMUUSOK NA ANG ILONG NI DAKILA SA GALIT! KANINA KA PA NIYA HINAHANAP!"
Papungas-pungas kong binaba ang mga dalang gamit sa queen size bed ng kwartong ito mula sa hotel na siyang pagdadausan ng isang engrandeng kasal.
Nataranta ako bigla sa sinigaw ni Tibs.
Hinanap ko kaagad si Dakila at tinanggap na ang kapalaran mula sa sandamakmak niyang sermon sa'kin pero nakahinga ako ng maluwag nang marealize na wala siya 'rito.
Baka nasa reception hall na o di kaya nauna na sa simbahan.
Napabuga ako ng konting hangin saka nilapitan si Thirdy.
" Meron pa bang bridesmaid na me-make upan? " Busangot ang mukha ni Thirdy nang mapatingin sa'kin.
" Ewan! Walo sila at pito na ang namake-upan namin! PITO Sevirino! PITO na! Dumating ka pa!" Umirap siya sa'kin at napangiwi naman ako.
" Yung maid of honor, tapos na ba? " Masama akong tiningnan ni Tibs. Ako kasi 'yung nakatuka sa maid of honor.
" Si Pabby na ang nagmake-up sa kanya! " Napa-oh ako.
Mabuti at kahit papano nakaya ni Pabby. Sa kanya kasi naka-assign ang bride.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Medyo tinubuan na ako ng hiya para sa mga kasamahan.
Late kasi akong nagising dahil nakipag-collab videos pa ako kagabi sa ilang youtuber. Hindi pa sila sikat katulad ko. Pero umaasa kaming one day magiging number 1 youtuber din kami sa daigdig.
Ang sana na collab lang ay nauwi sa pagbabar kaya hayun napainom ako ng di oras.
Kanina pa tumatawag sa'kin si Daki. Alam kong napaka-big deal nitong raket sa kanya.
Balita related daw sa mga Santibañez yung bride kaya medyo pressure siya.
" Oh andiyan ka na pala Sevirino..mabuti at dumating ka na. Sana hindi nalang. Di ba?"
Napangiwi ako at hinarap ang nagsalita.
Nakita ko ang walang emosyon na mga tingin sa'kin ni Daki. Parang anumang oras kaya niya akong sakalin sa mga titig.
Hilaw akong napangiti kay Daki saka nag-peace sign.
" Sorry talaga Daki..hindi na mauulit." Pinagsalikop ko ang mga kamay sa aktong parang dinadasalan siya.
" Talagang hindi na mauulit! Dahil tanggal ka na sa team!"
Napaawang ang labi ko sa gulat.
Ayssh. Ang Dakilang 'to masyadong mainitin ang ulo.
" Hanggang ngayon wala ka pa'ring disiplina sa sarili! Ilang beses na muntik pumalpak ang team dahil sa'yo--
" Kuya .. aga-aga ang init na agad ng ulo?"
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
RomanceHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...