" noon yun"
" Ayoko na Sevi. To the nth level pala kabaliwan ng babaeng 'yun sa'yo. Akala ko kaya nating paalisin siya ng ganun ka dali. Pero..aabot pa yata yun sa pagpatay sa'kin. Baka next time, may bigla nalang kumidnap sa'kin na mga armado at ipasalvage ako ng di oras."
Tahimik lang akong napangalumbaba dito sa terrace ng villa ni auntie. Tanaw ko mula 'rito ang buong Camp Makiling.
Ilang araw na ang nakalipas mula ng mangyari 'yun.
Hindi ko alam kung umalis na nga ba siya dahil simula nang araw na 'yun, hindi ko na ulit siya nakita.
Pero kanina nang e check ko ang guest list, ni wala pang records na nag-check out siya.
Hmm..baka nagkukulong lang 'yun sa kwarto niya at nagpapalit ng balat. Ahas pa naman 'yun.
" Pasensya ka na Bridgette. Pati tuloy ikaw nadamay sa problema ko."
Sa totoo lang ako na yung nahihiya kay Bridgette dahil sa ginawa ng Harriet na 'yun.
Pati kay tita ay sobrang nahihiya 'rin ako. Ako na ang humingi ng despensa dahil sa nagawa ng babaeng 'yun. Dahil obvious naman na hindi 'yun marunong humingi ng tawad.
Ang sama niya talaga. Sobrang sama.
" Bumalik ka nalang sa inyo. Isama mo na 'rin 'yang asawa mo. Ano ka ba.. kahit saang lupalop ka pa yata magtago.. hindi ka pa'rin lulubayan 'nun".
Sumimangot ako. I feel so helpless thinking that maybe she's right.
Siguro babalik nalang ako sa'min at isasama ang babaeng yun. Baka ano na namang magawang kahibangan 'nun dito. Super nakakahiya na kay auntie.
Baka sa susunod hindi na ako muli nitong tanggapin sa resort dahil sa perwisyong nangyari sa kanila dahil sa ginawa ng babaeng 'yun kay Bridgette.
Dapat peaceful ang resort na 'to pero simula nung dumating ang babaeng 'yun dito, nagkagulo nalang bigla.
Hayst. Sumpa ko na siguro 'to.
Hindi na siguro ako makakatakas sa kanya. Dapat tanggapin ko nalang ang kapalaran.
Parang maglulupasay ako sa iyak.
It's so frustrating. May mga tao talagang ganun ka insensitive. Akala nila okay lang na manira ng buhay ng ibang tao.
Not thinking the effect of it to the person they'd done wrong.
Ang Harriet Santibañez na 'yun ay sumpa talaga sa buhay ko!
" What do you think? Di ba, dapat bumalik ka nalang sa inyo?"
Matamlay akong napatango kay Bridgette.
Haay. Mamimiss ko talaga ang buong Camp Makiling pati na ang mga tao rito. Si auntie, si Bridgette at ang mga kasamahan sa trabaho.
Pero naisip ko, hindi habang buhay andito ako.
I am just seeking a quick refuge in this place. So sad that it is now time to go back into reality.
" Sevi.. bakit hindi mo nalang tanggapin na may asawa ka na. Ayaw mo 'nun, hindi na madidisapoint sa'yo tatay mo. Saka.. try mo 'ring maging lalaki. Malay mo, hindi ka pala nakatadhana maging bakla habang buhay."
Parang nawala bigla ang pagkatamlay ko mula sa narinig kay Bridgette. Napalitan yung nararamdaman ko ng sobrang pagka-inis.
" Are you shipping me with that woman?!"
Natawa siya at nagkibit balikat.
" Why not? Sa tingin ko bagay naman kayo."
Sumimangot ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/280581815-288-k371130.jpg)
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
RomanceHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...