4: Sevirino Elliot Dimagiba

326 18 2
                                    

" Camp Makiling "

Ang sarap ng buhay.

Ang sarap mabuhay.

Payapa kong pinakikinggan ang lagaslas ng tubig sa batis habang tahimik na ninanamnam ang preskong simoy ng hangin.

Rinig ko ang huni ng mga ibon habang nakapikit ang mga mata. Kahit nakakaantok ang banayad na kumpas ng duyan na hinihigaan ko ngayon, pero hindi ko maiwasang damhim ang kapayapaan ng paligid.

Higit sa hatid na katahimikan ng lugar, mas ramdam ko ang gaan ng buhay ngayon dahil sa wakas..nakalaya na'rin ako sa bruhang 'yun.

I mean..lumayas ako.

As in.. yes. I elope. I escape. I run away from home.

Kasi naman.. hindi ko talaga ma take ang mga nangyayari sa buhay ko 'run sa Brgy. Initlugan!

Heler?! Kung hindi ako mababaliw, ikakamatay ko yata ng maaga kapag nagpatuloy pa 'yung pagsasama namin ng babaeng 'yun.

Haynako! Lakas talaga ng topak niya! Hindi naman pala siya buntis! Akalain mo 'yun? Sobrang obsessed niya talaga sa'kin!

Like? Duhhh..

I'd rather give up my life there than continue on living with that girl!

Wala akong pakialam kung huntingin man ako ng papa niya!

Hmp..sa layo ng lugar na ito sa kabihasnan, imposebleng mahanap nila ako.

Wala yatang nakakaalam sa pamilya at mga kaibigan ko tungkol sa kinalalagakan ko ngayon.

This place is secluded.

The somlemnity and serenity this place brought me is superb!

Mabuti nalang pala may tiyahin akong may-ari ng isang camping resort dito sa malayong bayan ng Sta. Catalina.

Nag-iisang kapatid ng itay si auntie Imie na sa hindi malamang dahilan, bigla nalang lumayo sa pamilya namin at kinulong ang sarili sa napakagandang lugar na ito.

Wala siyang asawa at anak. Dahil gurl, obvious naman kung saan ako nagmana. Bakla 'rin siya.

Ang alam ko 'nun may jowa siyang lalaki. Magkasama nilang tinayo itong camping resort pero sa huli iniwan din.

Imbes na ibenta ang lugar na 'to, ayun ginawa nalang niyang business. Dito niya ginugol ang buong oras hanggang sa ayun, tumanda ng dalaga.

Ewan ko ba sa kanya, masyado niyang inubos ang oras sa lugar na 'to. Lumayo siya sa pamilya at dito na nag-settle down.

Pero in fairness, sarap ngang mag retire sa lugar na 'to. If you really want peace in life, this place is perfect.

Camp Makiling is a camping site for travelers who want to unwind in life. This place is very far from the city. Mga ilang sakay ng motorsiklo pa ang aabutin mo bago makarating dito. Nasa toktok na yata 'to ng bundok.

Dahil sa matarik at makitid na daan, bihira lamang ang masasakyan mong motor. Dapat umarkila ka pa ng motor sa bayan para makarating dito.

Walang signal, perfect sa isang katulad ko na naglayas. Oh di ba? Walang makakakontak sa'kin.

Kung ikaw gusto mo muna mag-detach sa magulong buhay sa siyudad at mag-disconnect, ay nako..pwede ka 'rito!

Maganda naman ang lugar at may limang cabin na pwedeng pag-overnightan ng mga guests.

Pero dahil camping site nga 'to kaya halos lahat sa mga nagchechek-in ay nagdadala ng tent.

Ang laki kasi ng lugar. Ramdam mo talaga ang nature dito. Napakaraming niyog at syempre ang highlight sa lahat, yung batis.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon