Ordinaryong tao lang si Airy(Eyri) at yan ang pagkaintindi niya. 18 years old na siya at second year college.
"Morning Ma." bati niya sa kanyang ina pagbaba niya sa kwarto.
"Morning. Kumain ka na ha." sabi ng mama niya habang nag-aayos ng mga gamit niya pang-opisina.
Tumingin si Airy sa may bintana at tinignan ang mga truck na may mga gamit sa loob.
"Ma. Sinong lilipat d'yan sa kabila?" tanong niya habang kumakain ng sandwich.
"Mamaya na tayo mag-usap. Malalate ako. Bilisan mo na rin d'yan. Isarado mo lahat ha." bilin ng mama niya at nagmamadali siyang sumakay sa kotse nila at umalis.
* * *
Pumasok na si Airy sa school nila. Wala pang professor kaya nagdaldalan muna sila ng mga kaibigan niya.
"Oh my Gee. Ang ganda nung bagong palabas ngayon sa cinema ah. Napanood n'yo ba?" tanong ni Shaina
"Oo. Ang ganda nung mga kanta. Pero mas favorite ko yung nauna doon." sabi naman ni Josephine.
Nag-uusap sila tungkol sa mga fairytales.
"Hay naku. Fairytale na naman? Di pa ba kayo nagsasawa d'yan? Ang lalaki n'yo na ah." sabat ni Airy.
"Hay naku. Umeksena ka na naman. Airy pwede bang kahit minsan. Maniwala ka naman sa fairytales?" tanong ni Shaina
"Oo nga. Hindi yung lagi ka na lang seryoso sa buhay." wika naman ni Josephine.
"There is no such things as fairytales and faries don't exist." pagsisimula ng argumento ni Airy.
"Hah? H'wag mong sabihin yan." sabi ni Josephine.
"At bakit naman hindi?"
"Dahil totoo sila."
"I don't believe in things that I can't see."
"Hindi mo man sila makita, nag-eexist pa din sila." pakikisawsaw ni Shaina.
"Bakit nakita n'yo na ba yang mga yan? Para kabaliwan n'yo?"
"Hindi." sabay na sinabi ni Shaina at Josephine.
"Then they don't exist. Simple."
Nagpatuloy ang pagtatalo nila at hindi napansin na dumating na pala ang professor nila.
"Sabi ni batang laging lumilipad naniniwala siya sa fairies pero hindi ibig sabihin non nag-eexist sila." paliwanag ni Airy.
"Pero totoo ang fairies." sabi ni Josephine.
"Yeah. Sa TV? Sa CD? Sa internet? Oh please. Pambata lang yon."
"Oh yeah? Pero marami ding naniniwala sa magic. Tama?" pabalang na sinabi ni Shaina.
"Okay, napunta na tayo sa magic. Saan ang susunod?" tanong nung professor sa isip niya habang nakikinig sa tatlo.
"Magic? Kalokohan lang yan ng mga pekeng magikero. Mabilis lang yung kamay nila."
"Magic ang ginamit sa damit ni Ella." pagdagdag ni Josephine
"Cartoons lang yon."
"Merong magic flower na nagpagaling kay Finn."
"Bulaklak lang yon at pinaganda lang nung animator yon."
"Okay. That's enough. Ubos na ang oras natin dahil sa debateng yan." sabi nung professor.
* * *
Dumaan lang nang mabilis ang oras. Nasa canteen sila Airy nang may dumaang lalake.
"Oh my gosh. Ang gwapo non ha." sabi ni Josephine.
"Oo nga. Pwede siyang royal guard tapos binabantayan niya pala yung prinsesa." pag-iimagine ni Shaina.
"Or naatasan siyang i-train ang bagong warrior ng kingdom nila. My golly wow. Papalapit na siya dito." kinikilig na sinabi ni Josephine.
Inirapan lang ni Airy ang mga kaibigan niya at kumain na lang siya. "Fairytale na naman? Nakakainis. Hindi yan totoo. Isang bangungot. Kinokontrol lang ang utak mo ng mga bagay na hindi nakikita ng mata mo. Tinatakot ka para makuha ang gusto nila. Wait. Yun nga ba? o panaginip ko lang ulit yon?" sabi niya sa kanyang isip.
Nilingon niya yung lalakeng sinasabi nila Shaina at nakatitig sa kanya ito. Lumapit ang lalakeng yon sa kanila at saka tumapat sa kanya. "Hi. Ako pala si Pipe. Ikaw si?" sabi niya at akmang makikipagshake hands siya kay Airy.
Si Pipe ay isang matangkad na lalake, may brown na buhok at nakababa, ang bangs ay tinatago ang kilay, hazel brown ang kulay ng kanyang mga mata, cute ngumiti, maganda ang mga kamay, makinis ang mukha, nakasuot ng jeans at polo na tinatago sa loob ng three-fourths na jacket.
"A-Airy." nauutal niyang sinabi at nakipagshake hands siya. "Oh my. Gwapo nga. Pero hindi ko paniniwalaang pwede siyang mag-exist sa fairytale. Psh. That's unbelievable." sabi na naman niya sa isip niya.
"Ahahahahaha." malakas na tawa ni Pipe.
"Ba-bakit? May nakakatawa ba?" tanong ni Airy habang nakatulala lang ang dalawa niya kaibigan.
"Hindi ka naniniwala sa fairytales? Well, magkaiba pala tayo ng pananaw. They do exist. Believe me mas gugustuhin mong maniwala na lang kaysa bangungutin ka pa ulit."
"Paano?" tanong ni Airy
"Uhm. Sorry. Di ko sadyang marinig ang debate sa room n'yo kanina. Ngayon ko lang din napagtanto na ikaw pala yung kanina."
"Then sa susunod. H'wag kang tatawa basta-basta." galit na sinabi ni Airy at tumayo na sa kinauupuan niya.
"Teka. Saan ka pupunta?" tanong ni Josephine.
"May klase pa ako. Mamaya na lang."
* * *
Hindi pa natatapos ang araw at naglalakad na si Airy sa may pathwalk pauwi nung makita niya ang isang naka-redhood na tao ang sumusunod sa kanya.
"Okay, kalma ka lang Airy. Di yan magnanawak. Di pa lumulubog ang araw."
"Psst." sitsit nito sa kanya.
Binilisan niya ang paglalakad at safe naman siyang nakauwi sa bahay nila.
"Airy anak. Ang aga mo ngayon?" tanong ng mama niya habang nakaupo sa dulo ng balcony nila.
"Tatlong subject lang po ako ngayon." sagot niya at nagmano siya pagkatapos. "Bakit po pala nandito kayo?"
"Naramdaman ko kasi ang papa mo. Nanghihina na ang life force niya."
"Ma. Matagal nang wala si papa."
"No, hawak siya ni Fright."
"Ma. Ano ba yang sinasabi nyo? Namatay si papa dahil sa car accident."
"Airy. Fairy Warrior ang angkan ko. Naiintindihan mo ba ako?" sabi ng kanyang ina.
"Sa tingin ko kailangan n'yong magpahingang mabuti. Pagod lang kayo sa trabaho."
"Makinig ka Airy. 18 ka na at kailangan mong bumalik sa Fairy Land."
"Bakit naman ako babalik dun?"
"Si Stairs, hanapin mo siya pagdating mo don. Sasabihin niya sa'yo lahat ng gusto mong malaman."
"Ma. Guni-guni n'yo lang yan. Aakyat na ako." sabi niya at humalik siya sa pisngi ng mama niya at saka umakyat sa kwarto niya.
Humiga siya sa kanyang kama at nabahala sa sinabi ng kanyang mama.
"Posible ba talagang may fairytale? May happy ending? Hindi. Hindi 'to tama. Walang ganon at hindi sila nag-eexist."
Meow. Meow.
Tumingin si Airy sa may bintana at nakita niya ang isang hindi ordinaryong pusa.
"Wala namang gantong pusa sa Pilipinas ah. At kung meron man. Sa ibang lupalop pa yon." agad niyang pinapasok ang pusa sa loob ng kwarto niya dahil nag simula na ring umulan.
Nilagay niya sa kama ang pusa at dumapa naman siya para obserbahan ito. Tinititigan niya lang ito nung bigla itong nagsalita.
"Kailangan ka ng kaharian ngayon. Ikaw lang ang tanging pag-asa namin. Airy." sabi ng boses na nanggagaling sa pusa. Isang boses ng lalake.
"Sino ka? Bakit parang narinig kitang nagsalita?"
"Nagsalita talaga ako. Ako si Pi-Pipus. Ang alaga ng prinsepe ng Fairy Land."
"Ayokong makinig sa'yo dahil hindi kayo nag-eexist." sabi niya at tinakpan niya ang tenga niya.
"Gusto mong makita pa ang tatay mo hindi ba?"
"Blah blah blah. Wala akong naririnig."
"Pag-isipan mong mabuti. Ikaw na lang ang natitirang Fairy Warrior. Hindi na pwedeng bumalik ang mama mo dahil kilala siya ni Fright. Pero ikaw, kailangan mong tanggapin na isa ka sa amin." sabi nung boses at bumaba na ng kama.
"Never akong makikinig sa isang tulad mo." pagmamatigas ni Airy at itinapon niya ang pusa sa bintana sa abot ng kanyang makakaya.
* * *
Three days later habang naglalakad siya ay nakita na naman niya ang taong may hood na pula.
"Psst. Delikado d'yan. H'wag kang liliko." babala nung nakahood. Doon niya lang din nalaman na babae pala ang nasa likod ng hood na yon pero syempre di niya pinansin yon.
Lumiko pa din siya sa intersection.
*GASP*
"Sabi kasing h'wag kang liliko." galit na sinabi niya kay Airy.
Sa harap nila ay may malaking asong may pakpak. Patusok ang mga pakpak nito at matatalas ang ngipin. Bestia ang tawag sa kanila sa Fairy Land.
"Nahanap din kita sa wakas. Isa sa huling Fairy Warrior." sabi nung boses kagaya nung boses kagabi dun sa pusa pinagkaiba lang nila ay parang paos ang kaharap niya ngayon.
"Mawalang-galang lang. Hindi ako Fairy...uhm...warrior? Ordinaryong bata lang ako." sabi ni Airy habang nagtatago sa likod nung babae.
"Hindi ka niya papakinggan dahil ang function nila ay pumatay lang ng Fairy Warrior." sabi nung babae sa harap niya at saka nagtanggal ng hood.
"Aba. Long time no see. Blue." sabi nung Bestia sa babaeng nasa harap ni Airy.
Si Blue ay may asul at mahaba ang buhok, mala-dagat ang kulay ng mata, mas matanda siya ng dalawang taon kay Airy, may pulang kapa na may hood, may scarf na nagiging espada, nakasuot ng pulang blouse at tokong.
"Tumabi ka lang d'yan. Hay naku. Kung kailan kailangan ko yung prinsepeng yon tsaka naman siya wala." sabi ni Blue.
Naguguluhan si Airy kung totoo ba ang nakikita niya ngayon o hindi. Totoo nga ba ang Happy ending o wala naman talagang ganon?
FAIRY LAND - place where fairies live. A place where fairytales exist
BESTIA - another term for beast
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...