Nakaakyat na sa itaas sila Airy. Tahimik, maraming ulap, may isang malaking bahay, at mga sanga ng halaman ang nakikita nila ngayon. Sa likod ng makakapal na ulap na mga yon ay maraming tao, halos walang ulap na dumadampi sa syudad na yon, maraming tao na nagtatago kay Queen Fright, mga nagkakagulo. Maraming nagulat sa kanilang pagdating.
"Anong kailangan n'yo dito?" tanong ni Jak.
"Jak. Teenager. No magos. No skills. Magic seeds ang weapon niya." sabi ni Data habang ine-examine niya ang buong paligid niya.
"Anong lugar 'to? Talaga bang nandito yung librong hinahanap natin?" tanong naman ni Airy habang nasa tabi naman niya si Drown. Kahit na naturuan na siya ng mga technique ay hindi niya pa rin kayang lumaban.
"Sabi ng mga elf nandito daw. Edi hanapin natin." sabi naman ni Pipe at hindi nila pinapansin si Jak.
"Mawalang galang lang po. Kinakausap ko po kayo." sabi ni Jak pero walang pumapansin sa kanya.
"Saan ba tayo magsisimula? Masyadong malaki ang lugar na 'to. Mahihirapan tayo." sabi ni Airy.
"Kung ganon. Maghiwalay na lang tayo. Ako at si Data na lang ang magkasama. Kayo na lang ang magsama ni Drown." sabi ni Pipe.
"Sige. Dito na lang tayo magkita ulit." sabi ni Airy at naghiwalay ba sila. Bago pa man sila maglakad ay sumigaw si Jak.
"Sabi ko... anong kailangan n'yo... RI...TO!" sigaw ni Jak at napansin siya nila Airy at lumapit sa kanya.
"Data. Bakit hindi mo sinabi sa'min na may kaibigan pala tayo dito?" tanong ni Airy habang kinikilatis niya si Jak.
"Sinabi ko. Hindi n'yo ba ako narinig?" sabi naman ni Data.
"Ah. Ano bang ginagawa n'yo dito?" tanong ni Jak.
"Alam mo ba kung nasaan yung libro?"
"Libro?"
"Oo. Magic Fairy Book?" sabi naman ni Pipe.
Natulala na lang si Jak sa narinig niya. Nagkatinginan naman sila Airy at Pipe.
"Anong alam mo sa librong yon?"
"Hehe. Libro? Wala akong alam na librong ganon ang pangalan."
"*sigh* Please, kailangan namin ang tulong mo." sabi ni Airy sa batang yon.
Tumingin siya (Jak) kay Pipe at hindi niya alam na naririnig pala ni Pipe ang mga sinasabi niya sa kanyang isip. "Paano ko ba sasabihin sa kanila na nasa magkabilang dulo ang hinanahanap nila. Ang halimaw at ang libro. Hehe. Hindi n'yo pala marinig ang sinasabi ko..."
"Nakuha ko na. Nasaan ang libro? Nasa kanan o nasa kaliwang direksyon?" tanong ni Pipe at nanlaki ang mga mata ni Jak.
"Paano mo nalaman?"
"Sagutin mo na lang."
"Nasa kanan. Lahat ng nasa kanan ay mabuti kabaliktaran naman sa kaliwa." sabi ni Jak pero ngayon nag-aalangan sila.
"Airy. Sa libro na kayo. Kami na ang bahala sa kalaban."
"Sigurado ba kayo?"
"Mag-ingat kayo." sabi ni Pipe at tuluyan na silang naghiwalay ng landas.
Kasama nina Airy at Drown si Jak at binabaybay nila ang syudad.
"So. Ano ba talagang kailangan n'yo dito?" tanong ni Jack.
"Hindi mo ba narinig? Kailangan namin yung libro." sabi naman ni Airy.
"Pero bakit?"
"Kasi uhm..." sabi ni Airy at siniko siya ni Drown para saluhin siya.
"Basta. Dalhin mo na kami don kung ayaw mong masaktan." sabi ni Drown at tinitigan lang siya ni Airy. Kumibit balikat lang naman siya.
"Ganon ba? Kayo muna ang masasaktan." sabi ni Jak at humarap siya kina Airy.
Mabilis naman siyang sinugod ni Airy at ipinulupot niya ang kamay niya sa leeg ni Jak. "Hindi sinasadya ni Drown na takutin ka pero wala na kaming oras para d'yan." sabi ni Airy. Binitawan niya si Jak nung naramdaman niyang kumalma na 'to.
"Magpahinga muna kayo ngayong gabi. Hindi naman nila agad yon makikita."
"Paano kami makakasigurado na wala kang gagawing masama sa'min?"
Ibinigay ni Jak ang seeds niya kay Airy. "Yan lang ang meron ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang ibigay sa inyo yan."
"Ano bang meron dito?"
"Yan ang humahawak sa buong syudad na 'to. Kung wala yan, babagsak ito."
Pumasok sila sa isang bahay. Maliit siya sa labas pero napakalawak ng loob. Dinala ni Jak sila Airy sa isang kwarto.
"Yan lang ang meron ako. Hati na lang kayo." sabi ni Jak pagkatapos niyang buksan ang kwarto.
"Salamat. *sigh*" sabi ni Drown at pumasok na sila sa loob.
Inilapag ni Airy ang weapon niya sa gilid at umupo sa kama.
"Drown. Ayos ka lang ba?" tanong ni Airy at napatingin naman sa kanya si Drown matapos maisara ang pinto.
"Siguro." sabi ni Drown at umupo rin siya sa kabilang dulo ng kama.
"Bakit?"
"Wala na kasi si Fade. Nasanay ako na kasama ko siya lagi. Hindi ko alam na mangyayari 'to sa buong kaharian. Sa buong Fairy Land."
"Nandito naman ako. Ituring mo kong kapatid." sabi ni Airy at sumandal siya sa pader habang nakaupo sa kama.
"Hindi pwede."
"Huh? Bakit?"
"Kasi... uhm... ano kasi... basta." sabi na lang ni Drown dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Airy na simula pa noon ay may gusto na talaga siya dito.
Tumingin si Drown kay Airy at nagkatitigan sila. Lumapit si Airy sa pwesto ni Drown at tinitigan siyang mabuti.
"Ba... bakit? May problema ba?" kinakabahang tanong ni Drown.
"Napansin kong hindi ka pa pala nagpapagupit simula nung magising ka. Ayos lang ba sa'yo yan?" sabi ni Airy at hinawi niya ang buhok ni Drown na humaharang sa mukha niya.
Hinawakan ni Drown ang kamay ni Airy at nagkatitigan na naman sila.
"Ayos lang sa'kin yan." sagot ni Drown.
"Ang baduy. Gugupitan kita."
"Ayoko." sagot ni Drown.
"Dali na. Tanggalin mo na yang tali. Tara na." sabi ni Airy at naghahabulan sila sa loob ng kwarto.
"Ayoko nga sabi." sabi pa ni Drown.
Agad namang kinuha ni Airy ang wooden bow-and-arrow niya at nagpakawala ng tira.
Fwokk!
Tumama naman ito sa pader sa gilid ni Drown.
"Magpapagupit ka o matatamaan ka?" tanong ni Airy sa kanya.
"*gulp* Ma-magpapagupit na." sabi ni Drown.
"Mabuti. Umupo ka dito." sabi ni Airy at pinaupo niya ito sa isang bakanteng upuan na nasa kwarto.
Naglabas si Airy ng gunting na galing pa sa mundo nila Josephine o sa dating mundong ginagalawan niya.
"Ano yan?" tanong ni Drown.
"Hoy. H'wag kang ignorante. May ganito dito noh." sabi ni Airy at nagsimula na siyang maggupit.
Matapos lang ng ilang minuto ay tapos na si Airy at natulala siya sa kanyang nakita.
"Bakit? Panget ba ko?" tanong ni Drown habang inaayos niya ang buhok niya.
"Oh my. Di ko alam na magaling pala akong maggupit. Ang gwapo mo na." sabi ni Airy habang pinapagpagan niya si Drown dahil sa mga nagupit na buhok na nasa balikat niya pa.
"Gustuhin na ba?" tanong ni Drown at nagpapapogi face siya kay Airy.
"Pffffhahahahahaha. Syempre naman." sagot ni Airy habang humahalakhak.
"Bakit ka tumatawa?"
"Nakakatawa ka kasi eh." sabi ni Airy habang kinokontrol niya ang tawa niya.
"Ganon ba? Edi tumawa ka pa d'yan hangga't gusto mo." sabi ni Drown at tumigil na si Airy.
"Ang sungit mo naman. Parehas kayo ni Fade. Kambal nga talaga kayo." sabi ni Airy at tuluyan na nga siyang kumalma kakatawa.
"Matulog na tayo. Mahaba pa ang araw natin bukas." sabi ni Drown at humiga na siya sa kama.
Magkatabi silang matulog ni Airy sa kama dahil ayaw nilang tumigil sa pagtatalo kung sino mahihiga rito.
Malapit na sila sa kaharian at malapit na rin ang oras na itinakda. Makahabol pa kaya sila o hindi na?
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...