"Huh?"
"Magmadali na lang tayo. Nauubusan na tayo ng oras." sabi ni Airy habang tumatakbo.
"Hindi natin maaabot ang dulong city kung tatakbo lang tayo." sabi ni Jak.
"May suggestion ka ba?" tanong ni Airy.
Kinuha ni Jak kat Airy yung mga seeds niya.
Pokshh!
Bigla na lang nagkaroon ng malalaking sanga at kinuha sila.
"Wow. Ano 'to?"
"Madali tayong makakarating sa kabila." sabi ni Jak.
* * *
"Aaaahhh!" sigaw nila Airy at Drown.
Boogsh!
"Ganyan ba talaga yan? Ibinabagsak ka?" tanong ni Airy habang hinahaplos ang braso niya dahil yun ang unang bumagsak.
"Sorry. Ayaw niya sa inyo." sabi ni Jak at nakatayo.
"Magaling."
"So. May resbak pa pala sila." sabi ni Just mula sa makapal na hamog.
Umatras naman sila Airy ng konti at humanda na sa pag-atake.
"Akala ko ba bestia? Bakit tao?"
"Airy. Kamusta? Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong ni Just at nasa tabi niya si Echo.
"Teka. Tiga-mundo ka ba namin? Ah hindi. Kaibigan? Hindi. Kaaway? Oo. Uhm... saan ba kita nakita?" sabi ni Airy at iniisip niya talagang mabuti kung saan niya nakita si Just.
ROOOOOAAAAARRR!!!
"Woah. Ang atat mo naman. Hinuhulaan ko pa nga eh." sabi ni Airy habang nakatingala sa bestiang kaharap niya.
"Naaalala mo na ba?" sabi nung bestia at napansin ni Airy ang scar nito sa kaliwang mata.
"Ah! Ikaw yung nakalaban ni Pipe sa mundo namin. Hindi ka naman nagsasabi." sabi ni Airy at ihahanda na niya yung palaso niya para tumira nung naunang umatake si Just.
Hahampasin na sana niya si Airy nung humarang si Drown sa harap niya.
"Airy." tawag ni Drown kay Airy.
"Huh?" sabi ni Airy at hinawakan niya ang kanang kamay ni Drown at iginilid siya.
Mabilis na tumira si Airy.
Fwook!
Fwook!
Head shot ang dalawang martial at agad silang naglaho na parang usok. Mabilis ang mga pangyayari.
"Wow. Pambihira yon ah. Paano mo ginawa yon?" sabi ni Jak na punong-puno ng paghanga.
"Drown. Bakit ka naman humarang?" naiinis na tanong ni Airy.
"Kasi..."
"Kung sakaling hindi tumama sa kanila yung tira ko, malamang tayo ang namatay."
"Kasi..."
"Sa susunod, h'wag ka ng humarang para hindi ka na mapahamak. Nakakasagabal ka rin kasi." sabi ni Airy.
"Ganon ba?" sabi naman ni Drown at blangko lang ang makikita sa mukha niya.
"Ehem. Sa tingin ko, kaya pumunta si Drown at humarang sa harap mo kasi akala niya wala ka ng magagawa at tatanggapin mo na lang ang ibabatong atake sa'yo. Humarang siya para maprotektahan ka, para hindi ka masaktan. Prinotektahan ka niya kasi mahal ka niya. Hihihi." mabilis at walang hingahan na sinabi ni Jak.
"Huh?" sabi ni Airy.
"Wala yon Airy. Tama ka, simula nung gumising ako hanggang ngayon, mabagal at sagabal lang talaga ako." sabi ni Drown. Hindi siya nasasaktan sa sinasabi niya dahil alam niyang totoo naman.
"Mali ako, hindi ko dapat sinabi sa 'yo ang mga bagay na iyon. Pasensya na. Hindi ko sinasadya yon. Pasensya na talaga." sabi ni Airy.
"Ayos lang talaga." sabi ni Drown.
"Hay naku. Hindi pa kasi aminin. Nabubulok na sa loob." sabi ni Jak.
Bigla naman siyang kinwelyuhan ni Airy. "Ano bang sinasabi mo? Linawin mo nga." naiinis na sinabi ni Airy.
Tumingin din ng masama kay Jak si Drown mula sa likod ni Airy. "Ahahaha. Wala yon. Biro lang yon." sagot ni Jak at binitawan na siya ni Airy.
"Hi. Airy." sabi ng isang boses at napalingon ang lahat.
"Eh? Parang nakita na kita kung saan." sabi ni Airy habang inaalala niya kung sino ang kaharap niya.
"Si Fynn yan." sagot ni Jak.
"Ahhh. Yung may gusto kay Tita Stairs." sabi ni Airy pagkatapos niyang maalala na nakita niya na si Finn sa past niya. "Teka. Bakit ka nga pala nandito?"
"Wala naman." sabi ni Fynn at tumingin siya kay Jak na noo'y masama ang tingin sa kanya. "Hmm? Jak. Bakit ganyan ka makatingin?"
"Wala naman." sabi ni Jak at nag-iba na siya ng tingin. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya nagtitiwala sa lalakeng yon.
"Hey. Ngiti naman d'yan oh." sabi ni Fynn.
"Teka. Paano ka pala nakarating dito? Hindi ko naramdaman na may umaakyat sa puno." sabi ni Jak.
"Kanina pa ako nakaakyat dito bago mo pa bawiin kay Airy yung seeds mo." sabi ni Fynn. "Paano? Aalis na ko. Marami pa akong aasikasuhin eh." sabi ni Fynn.
"Paalam." paalam ni Airy.
Nagpaalam si Fynn habang iwinawagayway ang librong hawak niya sa kaliwang kamay. Oo, hawak ni Fynn ang Magic Fairy Book at hindi ito napansin ni Airy na nawala mismo sa kamay niya at napalitan ng telang may nakasulat na "nasa akin ang libro mga tanga."
"EEEEEEEHHHHHH?!!!!!" sigaw ni Airy ng mabasa niya ang sulat ni Fynn.
"Naisahan niya kayo." sabi ni Jak habang nakadungaw naman sa edge ng kinatatayuan nila at hinahanap si Fynn sa kalawakan ng langit.
"Wala na siya." sabi ni Drown.
"Kailangan nating ipaalam kina Pipe 'to." sabi ni Airy. Kahit na nagagalit siya sa ginawa ni Fynn ay kailangan niya pa ring i-maintain ang kanyang pagiging warrior.
"Tutulungan kayo ng hangin kung tatawagin n'yo lang ito." sabi ni Jak tanda ng suporta niya sa kanilang pag-alis.
"Naiintindihan namin." sabi ni Airy at tumayo na rin siya sa edge kasama ni Drown.
"Hanggang sa muling pagkikita." sabi ni Jak at sumaludo siya sa kanila.
Tumango lang naman ang dalawa.
"Hangin sa himpapawid, kami'y iyong tulungan. Kagaya ng ibong malayang lumilipad. Kami'y bigyan din ng pakpak upang makalipad." sabi ni Airy sa isip niya. "Huh? Saan galing yung sinabi ko?"
Maya-maya pa ay namuo ang ulap sa likuran ni Airy at Drown at naging solidong pakpak ito. Pero dahil isa siyang tagapagtanggol ng mga fairies kaya pakpak ng fairies ang ibinigay sa kanya ganon din naman ang kay Drown. Katulad din ng mga fairies, mabilis din ang pagaspas ng mga pakpak nila.
"Woohoo." sigaw ni Airy sa tuwa.
"Aaaaaahhhhh!" sigaw naman ni Drown sa sobrang takot na baka bigla na lang siyang bumulagta sa lupa.
Woooooshhhh!!!
Ssshhhhbooooghs!
Lumapag sila sa kanilang paa kagaya ng kina Pipe. Kasabay ng paglanding nila ay ang paglaho ng ulap na pakpak nila.
"Airy! Drown!" sigaw ni Bloom habang natulala naman sa gulat sina Pipe, Data at Kill.
Una namang napansin ni Airy si Risk na binabantayan ni Kill. "Nagde-dream travel din ba siya?"
"Hindi. Biglaan na lang siyang nahimatay at parati niyang tinatawag ang pangalan mo. Pwede bang sagutin mo siya para magising sya?" sabi ni Kill at bakas sa mukha niya na nag-aalala siya para kay Risk.
Tumango lang sya at lumapit kay Risk.
"Risk."
"Risk." tawag niya ulit pero walang nangyari.
"Risk." tawag niya ulit. Nakailang ulit pa siya sa pagtawag hanggang sa nagising na siya.
"Risk!" sigaw niya.
* GASP *
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasíaSi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...