"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Airy kay Jak.
"Nandito na." sagot naman ni Jak at itinuro niya ang libro na medyo may kalayuan sa kanila.
"Tara na." sabi ni Airy at aapak na sana sila sa guhit nung pinatigil sila ni Jak.
"Teka lang." sabi niya. Tumigil naman agad sila Airy. "Kailangan n'yong mabuksan ang tarangkahan papunta sa libro mula dito."
"Huh? Nababaliw ka na ba? Walang tarangkahan yan ah. Paano ko naman yon gagawin?"
"Manood kayo." sabi ni Jak at kumuha siya ng maliit na kapiraso ng sanga na nakakalat sa paligid at ibinato sa direksyon ng libro.
Tok!
Wiiiiziing!
Matapos niyang ibato ang maliit na kapiraso ng bato ay biglang lumabas ang isang napakalaking tarangkahan pero agad din itong nawala.
"Wow. Ano yon?" tanong ni Drown.
"Teka. Paano ko naman bubuksan yon?" tanong naman ni Airy at bakas sa mukha niya na namangha rin siya sa nakita niya.
Tinuro naman ni Jak ang likod ni Airy. "May weapon ka. Alam kong magaling ka d'yan at matatamaan mo agad ang target mo." sabi ni Jak.
"At ano ang target ko?" tanong ni Airy.
"Yung lock."
"Yung lock? Nasaan ba yung lock?"
"Malamang nakakabit sa tarangkahan. May nakita ka na bang lumilipad na lock?" tanong naman ni Jak.
"Eh paano kung nakasabit lang yung lock sa tarangahan? Edi hindi nakakabit yon." sagot ni Airy.
"Tama na yan. Mukhang nagbabangayan na kayo eh. Gawin na lang natin 'to." sabi ni Drown at gumitna na lang siya sa dalawa.
"Sige na. Gawin na lang natin 'to." sabi ni Airy at humugot na siya ng palaso niya.
"Magaling. *sigh*" sabi ni Drown.
Nagfocus si Airy sa target niya kahit di niya alam kung nasaan.
*inhale*
*exhale*
*inhale*
*exhale*
Panandaliang pumikit si Airy tapos binuksan niya ulit yung mga mata niya at pinakawalan ang unang palaso.
Fwoook!
Wiiziing!
Sumablay siya.
"Pffffhahahahha.!" malakas na hagalpak ni Jak. "Naturingan kang Fairy Warrior pero hindi mo natamaan yung target mo." pang-aasar pa niya kay Airy.
Agad namang uminit ang ulo ni Airy. Humugot siya ng isa pang palaso at itinutok ito kay Jak. "Kung ikaw kaya ang tamaan ko. Panigurado sapul ka." sabi ni Airy sa sobrang inis.
"Woah woah. Airy, hindi magandang itutok mo yan sa kanya. Lalo tayong matatagalan kung maiinis ka lang sa kanya." sabi naman ni Drown habang nagtatago si Jak sa likod niya.
"Hoy bata. Ayusin mo yang pananalita mo, mas matanda ako sa'yo. Kung ayaw mong masaktan, magtago ka d'yan at manahimik. Naiintindihan mo?" sabi ni Airy pero walang sagot si Jak.
*inhale*
*exhale*
*inhale*
*exhale*
Muling ginawa ni Airy ang ginawa niya kanina. Pumikit siya at agad iminulat ang mga mata niya. Agad siyang nagpakawala ng palaso.
Fwook!
Wiiziing!
Muli siyang sumablay pero ngayon, nakita na niya ang target niya.
Fwook!
Pok!
Che-kek.
*Grumbles*
"Yon!" sabi ni Airy dahil agad na bumukas ang tarangkahan patungo sa libro.
Pumunta sila sa pwesto nung libro at nakasulat sa cover nito ay ang mga salitang 'Magic Fairy Book'. Kinilatis naman nila ang buong paligid ng libro pati ang parte kung saan ito nakalagay—sa may altar.
"Airy. May nakita ako." sabi ni Drown pagkatapos niyang makita sa harap ng maliit na altar.
"'Behold of the thunder'?" basa ni Airy. "Ayos. Ano konek non sa libro?" sabi ni Airy.
Nag-isip si Drown sandali at biglang sumagi sa isip niya na baka kapag kinuha ng isang tao ang libro ay tatamaan ito ng kidlat. Kaya hindi siya nagdalawang isip na kunin agad ito bago pa makuha ni Airy.
"Teka." sabi ni Jak pero nakuha na ito ni Drown.
"Haha. Wala namang nangy-"
*Grumble*
*thunder strike*
Buti na lang ay may sapat siyang oras para makagawa ng illusion at doon tumama ang kidlat at nakalayo siya sa ginawa niyang illusion at pumunta sa likod ni Airy.
"Ano ba yang ginagawa mo Drown? Pwede naman nating gawan ng paraan yun. Bakit kailangang kunin mo agad. Ayan natamaan ka tuloy nung kidlat." sermon ni Airy sa illusion ni Drown at kinuha niya ang libro sa umuusok na illusion ni Drown.
"Sa totoo lang kinabahan din ako. Kung ako yan, baka namatay na ako." sabi ni Drown.
Nagulat naman si Airy at Jak nung nagsalita si Drown mula sa likod ni Airy nilingon nila si Drown at nagpabalik-balik ang tingin nila sa dalawang Drown na nakatayo sa harapan nila.
"Oh? Parang nakakita kayo ng multo." sabi ni Drown.
"Ahahahah. Naisahan mo ako don Drown ah. Akala ko ikaw yung natamaan." sabi ni Airy habang hinahampas ang balikat ni Drown habang tumatawa.
"Talaga. Hoo. Nag-improve na talaga ako." sabi ni Drown.
Lumapit naman si Jak sa illusion ni Drown at inihipan 'to. Naglaho na lang ito na parang usok.
"Wow. Ang galing non." sabi ni Jak.
"Ahaha. Hindi naman." sabi ni Drown habang hinahagod ang batok niya.
"Tama na yan. Kailangan na nating hanapin si Fright. Bago pa mahuli ang lahat." sabi ni Airy at binuksan na niya ang libro.
Binuksan niya ito sa pahina kung saan makikita ang mapa. Nakita niya ang buong Fairy Land. Nakita niya ang mga dinaanan nila, mga nakausap nila, mga detalye ng buong Fairy Land. Nakita niya rin ang pangalan niya sa mismong pwesto kung nasaan sila ngayon. Nakita rin nilang kasama na ng iba sila Data at Pipe.
"Huh? Akala ko ba tinatalo nila yung bestia sa kabilang side? Bakit kasama na sila nila Bloom?" tanong ni Airy pero walang sumagot.
Kinilatis pa nila ang buong mapa para hanapin ang pangalan ni Queen Fright pero hindi nila mahanap yon. Mas malaki pala ang Fairy Land kaysa sa inaakala nila. Hinanap niya rin ang pangalan ng stepdad niya at wala siyang nakita.
"Imposible, dapat nandito pa yung pangalan niya. Bakit wala akong makita?" sabi niya pero walang may kayang sumagot sa tanong ni Airy dahil ibig sabihin lang non ay hindi na nag-eexist ang taong yon pero hindi naman nagdamdam si Airy dahil makakasagabal lang yon sa misyon nila.
Bigo rin silang mahanap ang pangalan ni Queen Fright kaya tinignan na lang nila ang listahan ng mga Fairy Rings. Hinanap nila ang Fairy Ring na hawak ni Queen Fright.
'Fairy Ring name : Sand
Form/Magos : hourglass/sands
Rank : Major-8th
Owner : Martial Fright
Exact location : Sitting in a throne with Martial Fright in it
"'in it'? Nasa loob si Fright? o kasama? Ano? Di ko gets. Tama ba yung sentence n'yan?" pagrereklamo ni Airy.
"Imposibleng magkamali ang librong ito dahil ibinuhos ni Ether ang lahat ng magos at lakas niya para mabuo ang librong ito." sabi ni Jak.
"Sige. Tignan natin yung akin." sabi ni Airy.
Kasunod lang ng hourglass ang kanya.
'Fairy Ring name : Wood
Form/Magos : wooden bow and arrow/sharp shooting
Rank : Major-9th
Owner : Fairy Warrior Airy
Exact location : cloud city, south most part together with its owner and two other friends.'
"Wow." sabi nalang ni Drown.
"Hindi ko maintindihan. Para saan yung rank? May major pa." sabi ni Airy.
"Baka kasi may minor?" sabi ni Jak at inilipat niya ang pahina ng libro sa parte na nakalagay minor Fairy Rings.
'Fairy Ring name : Feather
Form/Magos : feather/wings
Rank : minor-1st
Owner : none
Exact location : city of flying house, in a cave near a water falls.'
"Wow." sabi ni Airy. In-scan pa nila ang libro at lahat din ng minor ay may rank.
"Airy. Naririnig mo ba ko?" sabi ng isang boses sa isip ni Airy.
"Huh?"
"Si Pipe 'to."
"Bakit nga pala kasama n'yo na sila Bloom. Anong nangyari?" tanong ni Airy.
"May dumating lang kasi at kinailangan nila ng tulong. Paano mo pala nalaman eh sasabihin ko palang?"
"Hawak na namin yung libro. Nakita namin."
"Paano n'yo nakuha eh hindi pa namin natalo yung mga bestia?"
"Ano?!" napasigaw si Airy sa narinig niya. Napatingin naman sila Drown sa kanya.
"Teka. Paano n'yo nakuha yung libro?"
"Mamaya na tayo magkwentuhan. Hahanapin namin yung bestiang yon."
"Pabayaan mo na sila."
"Bakit? Kailangan nating matalo yon para mabawasan ang problema natin." sabi ni Airy at nagsimula na silang maglakad.
"Airy. H'wag na. Mapapahamak ka lang."
"Walang pipigil sa'kin. Subukan lang nila."
"Airy. Saan ka pupunta?" tanong ni Drown habang hinahabol nila si Airy.
"May tatapusin lang tayo." sabi ni Airy.
"Huh?"
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...