Ten

3.7K 118 0
                                    

Binuhat ni Pipe si Airy dahil tulog na naman ito.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Blue.
"Kay Dynn." sagot naman ni Nico.
"No way. Sa gitna ng city yon at maraming nagbabantay don." pagrereklamo ni Blue.
"Kung gusto n'yong makalabas dito sa city, kailangan mong dumaan sa gitna."
"Pwede namang sa gilid."
Humarap kay Blue si Nico. "Walang ibang daanan kung hindi ang gitna." sabi niya at bigla na lang lumobo ang pisngi ni Nico.
"Talaga? Bakit lumobo yang pisngi mo?" pang-aasar pa ni Blue. Lumulobo ang pisngi ni Nico kapag sinusubukan niyang magsinungaling.
"Oo na. Pwedeng dumaan sa mga gilid..." sabi ni Nico at bumalik na sa dati ang pisngi niya. "...pero mas safe sa gitna."
"Mas mabuti sigurong sa gitna na lang tayo tumuloy." sabi ni Pipe habang walang kahirap-hirap na binubuhat si Airy.
"Pasensya na pala mahal na Prinsepe. Ngayon ko lang po kayo nakilala. Ibang-iba na kasi ang itsura mo."
"Okay lang. Alam ko namang malaki na ang inimprove ng itsura ko. Sabihin mo, ang gwapo diba?"
"Wow. Nagmalaki." sabi ni Blue.
"Hehe. Opo mahal na Prinsepe." sabi ni Nico. Tinitigan nila ang pisngi ni Nico sa dahilang baka nagsisinungaling siya.
"Tignan mo. Ang gwapo ko na talaga ngayon." sagot ni Pipe.
Dumiretso sila sa isang bakanteng lote na may kwadra ng kabayo.
"Teka, anong ginagawa natin dito?" tanong ni Data.
Binuksan naman ni Nici ang isang mahaba at malaking tela. Nung binuksan niya ito ay nakita nila ang isang prairie schooner.
"Mahaba pa kasi ang daan patungo sa gitnang bahagi ng city kaya naisipan kong ibigay sa inyo 'to." sabi niya at kinuha niya ang dalawang kabayo sa gilid at ikinabit sa prairie schooner.
"Luma pero matibay ha." sabi ni Blue habang pinupukpok ang mga kahoy na bahagi nito.
"Kung patuloy mong gagawin yan, baka matuluyan yan." sabi naman ni Pipe.
Inayos na nila ang mga gamit nila sa loob at inihiga naman ni Pipe si Airy sa loob nito.
Binabaybay na nila ang daan ng may nakasalubong silang bestia.
"Shh." sabi ni Pipe at ginawa niyang invisible ang buong prairie schooner.
Malakas ang pang-amoy ng bestia sa gubat at kabaliktaran naman kung nasa city sila.
Tahimik lang ang grupo nila Pipe. Pinapagmasdan lang ang bestia sa kanilang harapan. Umaaligid sa kanila. Paamoy-amoy lang ang bestia hanggang sa nakuntento na ito at umalis na.
"Hoo. Akala ko mahuhuli na tayo." sabi ni Blue.
"Hindi lang yan ang meron sa city namin." sabi ni Nico.
"Talaga? Ano pang meron dito sa inyo?"
"Cougar. Isang uri ng hayop."
"Mas malakas sa bestia?"
"Oo. Sila ang nagmamay-ari ng Wooden city ngayon."
"Seryoso?"
"Oo. Kinukuha nila ang may mga magos at pinapatay ang mga wala."
"Ibig mong sabihin nararamdaman na nila tayo ngayon?"
"Kung naggagala sila ngayon, oo."
"Delikado tayo."
"As long as papunta tayo sa gitna, hindi naman siguro."
"Paano nga pala kayo nakakaligtas?"
"Hindi nila gusto ang amoy ng umaalingasaw na lupa."
"Kaya kayo nasa isang subterranean?"
"Tama."
"Ano nang mangyayari sa city n'yo?"
"Ang city namin ay pansamantala lang sa baba. Habang hindi pa naaayos ang gulong idinulot ni Queen Fright."
"Ginulo na tayo at tinatawag mo pa rin siyang 'Queen'." sabi ni Blue.
"Dahil yun ang nararapat. Isa siya sa royal family. Dapat respetuhin natin siya kahit labag sa ating kalooban."
"Naiintindihan ko."
"Nasakop na niya ang isip ng lahat." sabi ni Pipe habang binabantayan si Airy.
Nakuha naman niya ang atensyon ni Blue. "Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi kabilang sa'min si Fright. Itinuturing siyang step daughter ng lola ko. Ipinaampon siya ng mga magulang niya."
"Hindi ko maintindihan."
"Kung mapapansin n'yo. Tita ko siya at ate siya ni Mama. Desperado ang lola at lolo ko na magkaroon pa ng anak. Para magkaroon sila ng isa, kailangan nilang magbayad ng tao na magdadala nito para sa kanila dahil isa lang talaga ang kaya nilang gawin dahil matanda na sila masyado."
"Kaya masasabing wala siyang koneksyon sa'yo?"
"Oo. Pinangakuan ng lola ko na magkakaroon ng maayos na buhay ang gagawa nito para sa kanila."
"At yun ang mga magulang ni Queen Fright." sabat ni Data.
"Oo. Sa palagay ko nandito pa sila sa Fairy Land pero di ko alam kung nasaan."
"Nasa tuktok sila. Kasama ni Galle." sabi ni Fade habang nakatingin sa labas.
"Sigurado ka ba?"
"Oo. Hindi nagpaaakyat ang puno na yon ng mga kakampi ni Queen Fright kaya alam ko." paliwanag pa ni Fade.
"Anong puno?" tanong ni Pipe.
"Yung malaking puno na matatanaw mo kapag nakalampas ka na sa Hermiy city." sagot ni Fade.
"Paano mo ba nalaman yon?"
"Nagalit si Queen Fright nung malaman niyang mga magulang niya talaga ang nakaharap sa kanya nung coronation day ni Queen Cheer—ang mama ni Pipe. Ipinakulong niya ito at balak bitayin kinabukasan."
"Tapos? Sinuway mo siya at itinakas ang mga magulang niya?" tanong ni Blue.
Tumingin sa kanila si Fade at itinuloy ang kwento. "Oo, nagawa kong pagtaksilan si Queen Fright. Sumama rin ako sa mga magulang niya pero hindi ako tinanggap ng punong yon."
"Gusto mong takasan si Fright?" tanong ni Pipe.
"Gustong-gusto. Kaya lang ito na ang kapalaran ko simula nung naghiwalay kami ng kapatid ko."
"Bakit gusto mo kaming labanan non?" tanong ni Pipe.
"Para kay Queen Fright."
"Tikas mo ha. Buti hindi ka niya tinatakwil." sagot pa ni Blue.
"Dahil nangako ako sa kanya na hindi ko na ulit yon gagawin"
"Sorry ka na lang. Hindi mo na siya makikita." sabi ni Blue.
"Bakit naman?"
"Mag-sstay ka na dito sa Wooden City." pagdeklara niya.
"Hindi. Isasama namin siya." sagot naman ni Data.
"Dito siya."
"Hindi. Isasama namin siya. Pwede namin siyang maging kakampi." sagot naman ni Pipe.
"Tch. Sige na. Dapat hindi ka na lang naging prinsepe."
"Blue. Talaga lang ha."
Tumingin sa kanya si Blue at ngumiti. "Syempre biro lang yon. Nakakabasa pala siya ng isip."
Lumipas na ang kalahating buwan at hindi pa rin sila nakakarating sa kanilang papupuntahan at tulog pa rin si Airy.
"Shh. Nandito sila. Mahal na Prisepe. Maaari mo bang gamitin ulit ang invisibility mo?" pabulong na tanong ni Nico. Napatigil sila dahil sa kanilang nakasalubong. Ginawa naman agad ito ni Pipe nang hindi na nagtatanong pa. "Itago n'yo ang magos n'yo."
Itinago nga nila ang magos nila. Papalapit sa kanila ang isang grupo ng cougar. Nakatitig sa direksyon ni Nico ang mga ito. Hindi nagsasalita ngunit nakakaramdam ang mga 'to.
Patuloy lang ang paggagala ng mga ito sa paligid nila Pipe dahil isang napakalakas na magos ang nararamdaman nila.
Nagtinginan sila Pipe dahil lahat sila ay ginawa naman ang sinabi ni Nico. Hanggang sa naalala nilang baka gumagamit ng magos si Airy. Lumapit sa kanya si Pipe at niyakap si Airy upang kahit papano ay mawala ang malakas na magos.
"Please Airy. Itago mo ang magos mo." ipinagdarasal ni Pipe habang mahigpit na yakap si Airy.
Maitago nga kaya ni Pipe ang magos ni Airy? o lalo pa itong lalakas dahil sa pagtravel ni Airy sa past niya?
COUGAR - a large tawny mammal
PRAIRIE SCHOONER - isang sasakyang panlakbay na ginagamit ng manlalakbay papunta sa malalayong lugar. Tinatawag din yung PRAIRIE WAGON (which is gagamitin ko sa next chapter)

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon