Twenty Six

2.1K 82 0
                                    

"Stairs. Sino siya?" tanong ni Geo kay Stairs.
Si Geo ay may itim na buhok at sa dulo ay brown. Caramel ang kulay ng mata, mas matangkad kay Stairs, matipuno, gwapo.
Naglakbay si Airy sa alaala ni Geo bago pa man ang kasalukuyan.
Si Stairs ang matalik na kaibigan ni Geo. Magkaiba sila ng assigned kingdom pero mas madalas si Stairs sa East Fairy Land kahit na leader siya ng South. Si Geo naman ang leader sa East.
Si Stairs ay may itim ang buhok at sa dulo nito ay may brown, nakatirintas ang buhok niya sa dalawang bahagi. Malapit sa pagiging red ang mata niya, maganda, medyo may kaitiman na parang amazona. Payat.
Kumakain sila dahil panalo na naman ang laban nila mula sa mga piratang gustong sakupin ang kaharian ng Silangan.
"Hm? Ah. Anak yan ni chief Music. Hindi ko siya kilala eh. Sa Hilaga kasi sila laging naka-assigned." sabi ni Stairs habang ngumunguya. "Sarap talaga ng mga handaan ng Silangang kaharian. Di ka ba kakain?" tanong ni Stairs pero hindi siya pinakinggan ni Geo.
Nung mga panahong yon ay magkaiba ang kanilang assigned kingdom kaya hindi kilala ni Geo ang babaeng yon.
"Hi. Ako nga pala si Geo." pagpapakilala niya dito.
"Ako si-" sabi nung babae pero naudlot dahil may tumawag doon sa babae.
"Leader. Kailangan na raw po natin bumalik sa Hilaga. Marami pa raw po kayong irereport sa mama n'yo ay este sa chief Warrior." pormal na sinabi nung isang babae.
"Ganun ba? Sige. Susunod na ko doon Pen." sabi nung babae. Humarap naman siya agad kay Geo. "Paano? Mauna na ko?" sabi niya at tumalikod na siya.
Si Pen naman ang leader sa West. Si Pen ay may itim din na buhok na may brown sa dulo nito. Nakatali ang itaas na bahagi ng buhok niya at ang iba ay nakalugay. Orange naman ang kulay ng mata niya. Medyo may kaliitan din ang tangkad niya.
"Teka-"
"Song. Yun ang pangalan ko." sabi ni Song at umalis na.
Si Song ay may itim at brown sa ibabang bahagi ng buhok niya. Nakalugay lang siya. Kulay brown din ang mata niya kagaya ng kay Airy at sa mama niyang si Music. Kasing tangkad naman niya si Geo.
Mula sa araw na yon ay namangha na si Geo kay Song sa husay nito sa lahat ng bagay. Palagi niyang sinusundan si Song kahit saan man siya magpunta. Pero isang beses ay pumunta siya sa mismong city ng mga Fairy Warrior at pinagmasdan lang si Song habang nag-eensayo sa training ground.
"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong nung nasa likod niya.
Lumingon siya at nakita niya ang isa sa mga boss ng Fairy Warriors at nataon pang mama ni Song ang kaharap niya. "Ahahaha. Wala po. Napadaan lang."
"Geo. 21 years old. Leader ng East Fairy Land. Ano ngang ginagawa mo dito?" naiinis na sinabi ni Music.
"Ahahahaha. Napadaan lang po talaga ako dito. Aalis na po ako."
"Hindi ba sinabi ko sa inyo na bawal pumunta ang mga leader dito kapag hindi ko pinapatawag."
"O-opo." sagot ni Geo at may kamot pa ng ulo. "Heh. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan. Mabait naman siya eh." sabi ni Geo sa isip niya.
"Ma. Ano yan? Ako ang nagpatawag sa kanya." sabi ni Song.
"Song?" sabi naman ni Geo. Nagulat kasi siya na sinalo siya ni Song.
"Bakit? May problema ba kung pinapagalitan ko siya?"
"Oo Ma. Pinatawag ko siya dito. May sasabihin kasi ako sa kanya." sabi ni Song.
Tinitigan lang naman ni Music si Geo. "Nakaligtas ka ngayon Geo." sabi ni Music at napalunok na lang si Geo.
Pagkatapos umalis ng mama ni Song ay nagkausap din sila. "Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ni Song.
"Huh? Uhm. Sige, aalis na ko." sabi ni Geo at tumalikod na siya.
"Kung gusto mo ko, ligawan mo ko. H'wag kang matakot kay mama. Ganon lang talaga yon."
"Huh? Ang bilis niya masyado. Hindi pa ako umaamin, gusto na niya agad na ligawan ko siya." sabi ni Geo sa sarili niya.
Lumipas ang panahon. Mapayapa ang lahat. Naging mag-asawa si Geo at Song at doon na nabuo si Airy. Pero kahit ganon hindi pa rin tanggap ni Music si Geo dahil sa isang bagay.
Nakatira na si Geo kasama ng mag-ina niya sa mismong city ng mga Fairy Warrior. Isang gabi, papunta siya sa bahay ng mama ni Song para dalhin ang mga prutas sa kanya dahil may sakit si Music ngayon. Kakatok na sana siya nung may nagbukas ng pinto. Agad siyang nagtago sa gilid ng bahay nila Music at pinakinggan ang usapan nung babae at ni Music.
"Basta mag-ingat kayo lagi Music. Sa daraan na mga taon. Maghahari si Prinsesa Fright. Kokontrolin niya ang lahat ng Fairy Warrior. Pag nangyari yon, makokontrol ni Prinsesa Fright si Geo."
"Tch. Bakit ang batang yon?" naiinis na sinabi ni Music habang nakasaklob sa kanya ang kumot.
"Malakas siya at gagamitin siya ni Prinsesa Fright para sa mga plano niya. Hangga't magkasama sila ni Song, delikado si Airy. Si Airy lang ang magiging pag-asa ng buong Fairy Land."
Bigla namang lumabas si Geo sa kanyang pinagtataguan at nagulat si Music at ang kausap niya.
"Magpagaling po kayo." huling bilin ni Geo kay Music at umalis na siya.
Bumalik siya sa bahay nila at naabutan niyang tulog na ang mag-ina niya. "Airy. Anak. Aalis na ko. Baka hindi na tayo magkita. Mahal kita. Alam kong saglit palang tayong nagkakasama pero kailangan ko na talagang umalis." bulong niya kay Airy. Pumunta naman siya kay Song na mahimbing ang tulog. "Song. Mahal na mahal kita. Sana hindi mo makalimutan yon. Habang buhay kong pagsisisihan ang gagawin kong ito. Paalam." bulong niya rin kay Song habang umiiyak. Hinalikan niya sa noo si Song at umalis na.
* * *
Napadpad siya sa city ng mga ermitanyo at doon na siya na nanirahan. Minsan pang napadpad si Stairs doon at nakita siya.
"Geo. Anong ginagawa mo dito? Bakit bigla ka na lang nawala?" tanong ni Stairs nung makita niya si Geo na tumutulong sa gawain ng mga ermitanyo.
Nagulat naman si Geo sa muling pagkikita nila. "Wala ka bang kasama?"
"Wala. Bakit?" sabi niya at bigla na lang siyang hinatak ni Geo at dinala niya 'to sa chalet niya.
"Stairs. Ayokong malaman nilang buhay ako. Dalhin mo 'tong espada ko sa kanila at sabihin mong patay na ko. Please. Nakikiusap ako sa'yo."
"Pero paano kung kailanganin ka namin?"
"Darating ako. Wala nang oras. Umalis ka na." sabi ni Geo.
"Bakit?"
"Ahahaha. Ayaw nila ng amasona." pagbibiro niya. Ang totoo ay sa dahilan na baka magkaroon ng lamat ang pagtatago niya kay Queen Fright.
"Geo. Mag-ingat ka ha." sabi ni Stairs at umalis na siya habang umiiyak. Ayaw niya kasing mawalan ng kaibigan.
"Salamat."
* * *
Anim na taon ang lumipas at marami na ang nagbago. Nakahanap na si Song ng bagong minamahal at si Roger yon, isang lalakeng naninirahan sa ordinaryong mundo. Ibinigay din ang Magic Fairy Book kay Geo ng mga ermitanyo. At naganap na rin ang mga plano ni Queen Fright na sakupin ang buong Fairy Land.
"Geo. Kailangan ka nila." sabi nung pinakamatandang ermitanyo sa kanya.
"Pero paano kayo?" sabi niya.
"Kaya na namin 'to. Mas kailangan ka ng totoo mong pamilya." sabi nung isa pa at sinugod na sila ng mga bestia.
"Babalik po ako." sabi ni Geo at umalis na.
Pumunta siya sa city ng mga Warrior sa may Hilaga. Nagkakagulo at puro nagpapatayan ng sariling angkan.
"Geo!" sigaw ni Stairs sa kanya. Agad naman lumapit si Geo sa kanya at tinulungan siyang magligtas ng mga tao.
"Nasaan ang ibang Fairy Warrior?" tanong ni Geo.
"Nakontrol na sila ni Fright. Pati ang chief..." sabi ni Stairs pero hindi na niya maituloy ang sasabihin niya.
"Anong nangyari?" tanong ni Geo at patuloy pa rin sila sa paglaban sa mga bestia.
"Stairs. Tumulong ka dit-" sigaw ni Song at nakita niya si Geo. "Anong ginagawa mo dito? Diba patay ka na?" tanong ni Song na medyo naiinis.
"Song. May dahilan kung bakit nawala na lang ako na parang bula." sabi ni Geo.
"Guys. Hindi ito ang oras para mag-usap tayo tungkol sa reunion. Basta may dahilan si Geo at kailangan na nating iligtas ang lahat." sabi naman ni Pen.
Nagsama-sama ang apat na itinuturing na pinakamalakas na Fairy Warrior sa buong Fairy Land. Patuloy ang lahat hanggan sa may tumawag sa pangalan ni Song.
"Song! Si Airy! Kailangan ka niya!" sigaw ng batang Pipe. Bumaba mula sa bubong si Song at sa kung saan naman lumabas sila Geo.
"Mahal na prinsepe. Delikado dito." sabi ni Song habang nilalabanan ang mga bestia na lumalapit sa kanila.
"Song. Hindi mo ba ako narinig? Si Airy. Nag-aagaw buhay si Airy ngayon." humahagulgol pa rin si Pipe. Agad din namang pumalibot sila Geo at nakita niya rin si Music na nakahandusay sa harapan ng bahay nila Song.
Agad pumunta ang lahat kay Airy at iniligtas siya. Papaalis na sila Song nung magsalita si Geo.
"Song. H'wag mong pababayaan si Airy ha." bilin ni Geo bago sila umalis. "Mahal ko kayo kahit huli na." malungkot na sinabi niya sa kanyang isip.
"Hindi mo na kailangang sabihin yan. Kaya ko siyang alagaan." sabi ni Song.
To be Continued...

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon