"EEEEEEEEEHHHHHHH????!!!!" sigaw nung babae pagkatapos niyang makita ang grupo nila Airy.
"Huh? Siya si Risk. Kaka-nineteen niya lang last week. Nakikita niya ang posibleng mangyari sa hinaharap siya at kaya niyang tumagos sa mga bagay pwera lang sa kinatatayuan niya. Weapon niya ang alaga niya. Isa siyang Futurist at Maid sa kaharian." sabi ni Data.
Si Risk ay may lilac na buhok at nakapusod ito. Meron din siyang full bangs. Light violet naman ang kulay ng mata niya. Nakasuot siya ng damit ng mga maid. At medyo may pagkamaliit kaya napagkakamalang bata.
"Aware ako sa inyo pero hindi ko alam na kilala niya (Data) ako." sabi ni Risk na medyo takot lumapit.
"Belated Happy birthday, Risk." sabi ni Airy.
"Waaa. Ngayon na lang ulit ako nakarinig ng ganyan. Salamat." sabi niya kay Airy habang hinahaplos yung alaga niyang coati na si Season.
"Tara. Sumakay ka na. Wala na tayong oras." sabi ni Pipe.
"Teka. Hindi n'yo man lang muna ako kikilatisin? Galing ako sa palasyo at alagad ni Queen Fright ang mama ko."
"Mama mo yon. Hindi ikaw." sabi naman ni Bloom.
"Sumakay ka na. H'wag ka ng matanong." sabi naman ni Pipe at iniakyat na niya si Risk sa prairie wagon.
Napansin naman ni Risk yung kabayo na may scar sa kanang mata nito. "Huh? Anong ginagawa mo d'yan kuya Kill?" tanong ni Risk sa kabayo bago siya pumasok sa loob pero hindi siya sinagot at nagpatuloy lang ang paglalakad nung kabayo.
"Kill? Yun ba yung pangalan ng kabayo?" tanong ni Airy.
"Hindi siya kabayo. Tao rin si kuya Kill." sabi ni Risk at sinigawan niya yung kabayo.
"KU-YA KILL! SA-BI KO A-NONG GI-NA-GA-WA MO D'YAN?!" dahan-dahan at malakas niyang sigaw na halos mabingi na si Airy.
Bigla namang nagliwanag yung kabayo at naging tao na kulay moss green ang buhok niya. Pati ang mga diguise nila Airy ay natanggal na rin.
"Nakakabingi ka Risk. Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ni Kill.
Si Kill ay may moss green na buhok. Yellow green ang mata niya. Nakasuot ng balabal na nakatakip sa bibig niya. Malapit ang height niya kina Pipe.
"Kill. 20 years old. Duplus ang kaya niyang gawin at voice changing. Bihasa siya sa espada at archery kagaya ni Airy. Pero wala siyang weapon ngayon. Isa siyang Martial (Royal Guard) at anak ni Queen Fright." sabi ni Data.
Hawak niya ang lubid na pinangtali sa kanya at bumagsak ang prairie wagon nila.
"Huh? Wala na tayong kabayo?!" sabi ni Airy at napatayo siya sa inuupuan niya.
"Tch. Yan pa ang una mong inisip? Halos hindi na nga ako makahinga dahil nasasakal na ako." sabi ni Kill at umakyat siya sa prairie wagon. Lumayo ang lahat sa kanya nung maalala nilang anak siya ni Queen Fright. "Hoy. Hindi ako katulad ng mama ko. Papasok ba ako dito kung kaaway ako?" sabi niya at umupo siya sa sahid.
"Oo nga naman. Alam n'yo ba ang history ni kuya Kill?" tanong ni Risk sa kanila.
"Hindi at wala kaming paki." sabi ni Data.
"Tch. Tumigil na nga kayo. Umalis na lang tayo. Nagsasayang tayo ng oras dito." sabi ni Kill.
"Paano ka pala napunta dito?" tanong ni Bloom.
"Nag-disguise rin ako. Tch. Pinagtripan ako nung Salt na yon." naiinis na sabi ni Kill.
*Flash back*
"Instead na gawin kitang Martial, gagawi kitang kabayo. Di ka pa kasi nila nakikita eh."
"Nagbibiro ka diba? Ayoko."
"No choice. Kailangan mo silang samahan. Babalik kayong lahat sa totoo n'yong anyo kapag may nagbanggit sa pangalan mo ng tatlong beses. I'm sure na makikilala ka niya agad." sabi ni Salt at naging kabayo na si Kill.
*end of flashback*
"Tch. Yung babaeng yon talaga." bulong niya sa sarili niya.
Bigla naman naalala ni Pipe ang scar niya sa mukha. "Kill. Isuot mo nga yang balabal mo." utos niya at sinunod agad yon ni Kill.
"Bakit? Anong meron?"
"Ikaw yon. Ikaw yung nagkokontrol sa mga cougar?"
"Baliw ka ba? Sinabi ni Data na duplus at voice changing lang ang kaya ko. Hindi ko kayang magposses ng mga cougar. Isa pa. Simula palang nung pumasok kayo ni Airy dito, kasama n'yo na ko. At nakita ko rin yung sinasabi mo at hindi ako yon." sabi niya.
"Huh? Uy. Wala nga tayong kabayo. Anong gagawin natin? Nganga?" sabi ni Airy.
Napatingin naman sa kanya ang lahat at kumibit-balikat na lang siya. Bumalik laat sa kanilang mga kanya-kanyang usapan at lumapit naman si Risk kay Airy.
"Si Season na lang ang gamitin mo. Useful siya." sabi ni Risk at ibinigay niya kay Airy ang alaga niyang coati.
"Ano namang kaya niyang gawin?" tanong ni Airy.
"Kaya niyang matukoy kung ano ang kailangan mo." sabi ni Risk at inamoy ni Season si Airy at nagpalit ng anyo bilang kabayo.
"Ahh. Ang gaan naman niya."
"Nakadepende rin kasi siya sa kayang buhatin ng humahawak sa kanya."
"Huh? Ibig sabihin, ganito kagaan si Drown? Binubuhat ko kasi siya eh." sabi ni Airy at napatingin si Drown sa kanya.
"Sige. Alis na tayo." sabi ni Risk at inayos na si Season sa pwesto ng kabayo.
* * *
Dinalhan ni Drown si Airy ng pagkain non sa labas at nag-usap sila.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Airy at nagpalit sila ng ginagawa. Si Airy kumakain habang nag-mamaneho naman si Drown.
"Sa totoo lang hindi ko alam."
"Bakit naman?"
"Hindi ko alam kung paano ako makakaligtas sa gulong ito. Hindi ko kayang protektahan ang sarili ko." pag-amin ni Drown.
"Hm? Ako. Ako ang magpoprotekta sa'yo. Bilin ni Fade yon sa'kin." at patuloy pa rin siyang kumakain.
"Pinatay ko siya pero buhay pa rin ako. Nabubuhay na lang ako para pagdusahan ang ginawa ko kay Fade."
"Hindi mo kasalanan yon. Siya ang nagsakripisyo para lubayan ka ni Fright."
"Sorry Airy. Hindi ko alam na hahantong ang Fairy Land sa ganitong sitwasyon. Edi sana hindi ako dumepende sa lakas ni Fade noon. Sana hindi ako mahina ngayon."
"Hindi ka mahina. Sadyang hindi mo pa nahahanap ang husay mo sa paggamit ng ax. Kaya kitang protektahan habang hindi ka pa sanay." sabi ni Airy at nagkatitigan silang dalawa.
Sa loob naman ay nag-uusap ang lahat ng susunod nilang hakbang. Magkatabi si Bloom at Risk non at katapat naman nila si Pipe. Sa kanan na gilid ni Pipe ay si Data habang sa kabila si Kill.
"Paano natin matatalo ang mama mo?" tanong ni Bloom.
"Hindi ko alam. Kung alam ko kung saan siya nagtatago edi sana pinatay ko na siya."
"Pero bakit ka nga pala napabilang sa'min?" tanong naman ni Data.
"Ewan ko rin. Teka, bakit ako lang ang kinikilatis n'yo? Si Risk din, bago lang dito."
"May alam ka bang paraan para mahanap natin si Fright?" mahinhin na tanong ni Bloom.
"Wala." sabi ni Kill.
Nakapikit naman si Data at nag-iisip. Baka sakaling may makatulong sa kanila. Bigla na lang niya naisip yung matandang ermitanyo na tumutulong sa lahat ng kailangan ng FairyLand.
"Kailangan na lang nating hanapin ang matandang ermitanyo." sabi ni Data.
* * *
Habang nag-uusap sila ay sa labas naman ay may naramdaman si Airy na isang pamilyar na magos. May kinalaman kaya 'to sa sinasabi ni Data na ermitanyo?
COATI - a tropical mammal related to the raccoon but with a longer body and tail and a long flexible snout.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
خيال (فانتازيا)Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...