"Bloom!" "Fade!" sabay na sigaw ni Data at Pipe at idinapa nila sila Bloom.
Nakita naman nilang marami ng capybara na nasa barko. Tumayo na agad sila at narinig ang mga seafarer na natataranta na at paulit-ulit na ang sinasabi.
"Kapitan. Nasira na ng mga capybara ang ilalim ng barko." sabi nung isang seafarer sa tabi ni Airy.
"Alam ko. H'wag kayong paulit-ulit. Kumalma kayo." naiinis na sabi nung kapitan nila.
"Kami na ang bahala sa baba at kayo na dito sa taas." sabi ni Airy sa kapitan ng mga seafarers pero hindi sila naniniwala.
"Baliw ka ba? Isa ka lang hamak na peasant. Wala kang magagawa." sabi nito kay Airy at hinawakan niya si Airy sa kwelyo. Peasant kasi ang ibinigay sa kanya ni Salt.
Fwok.
Tumira si Airy sa gilid niya at tinamaan ang isang capybara at naglaho na parang usok.
"Hahayaan n'yo ba kaming tumulong o gusto mong tuluyan ng masira ang barko n'yo?"
"Tch. Hindi ko alam kung paano kayo napunta sa barko ko pero kung tutulong kayo... sige."
"Heh. Papayag ka naman pala, pinatagal mo pa." sabi ni Airy at tumalikod na sa kapitan ng barko. "Pipe tara na." sabi ni Airy at sumunod silang lahat.
Kanya-kanya na silang pwesto sa baba ng barko. Mas marami ang capybara sa baba kaysa sa itaas ng barko. Laking pasasalamat naman ni Airy na wala pang namamatay sa mga seafarers sa baba.
"Data. Dalhin mo sa ligtas na lugar yang prairie wagon natin." utos ni Pipe kay Data. Sinunod naman ito kaagad ni Data.
Pinapana ni Airy ang mga capybara sa malayong distansya.
Si Fade naman sa hindi kalayuan ay gumawa rin ng sariling illusion ng dalawang malaking bestia na itinatapon palabas ang mga capybara.
Si Pipe naman ay nilalabanan ang capybara sa pamamagitan ng kanyang dalawang espada at ginigilitan niya ito sa leeg.
Si Bloom naman ay inilabas ang saber. Manipis man ito pero nakakasakit. Nag-eenjoy siya kapag nailalabas niya ang husay sa paghawak ng saber niya.
Si Data naman ay mano-manong pinaghahampas sa pader ang mga sumasalubong sa kanyang capybara.
Lahat ng yon ay nawawala na parang usok.
"Delikado na kayo rito mga seafarer. Kailangan n'yo na rin sabihan ang mga nasa deck na magtago muna sa Captain's Room. Safe kayo don." utos ni Airy. Sumunod naman agad ang mga yon at umakyat na.
"Airy anong gagawin natin?" tanong ni Fade habang patuloy siya sa kanyang ginagawa.
"Bloom magpalipad ka ng mga bagay na matutulis sa paligid natin." utos ni Airy.
"Masusunod." sabi ni Bloom at ginawa agad niya yon.
"Fade. Data. Tulungan n'yo ako sa paglaban sa mga capybara sa malayo. Fade. Gamitin mo ang illusions mo at Data, gamitin mo ang mga bagay na pwedeng itapon." utos ni Airy at ginawa agad nila ang sinabi niAiry.
"Teka. Anong gagawin ko?" tanong ni Pipe habang nasa gitna siya ng lahat.
"Sikapin mong magconcentrate para maging invisible tayo sa kanila. Hindi nila tayo titigilan hangga't alam nilang nandito tayo."
"Naiintindihan ko." sabi ni Pipe at nagconcentrate na siya.
"Lahat ng mga matitirang seafarer, magsagwan kayo at ilayo ang barko sa lugar na ito." Utos pa ni Airy.
Nagconcentrate si Pipe at lumabas sa paligid niya ang makulay na magos.
"Para sa kaligtasan ng lahat. Come forth, my magos." sabi ni Pipe sa isip niya at lumakas ang magos na nakapalibot sa kanya.
Kasabay ng unti-unting pagiging invisible ng buong barko ay ang unti-unti ring pagkonti ng capybara.
Nang matapos ang lahat ay naging kampante na ang seafarers. Nakalayo na sila sa mga capybara at nagpatuloy sa paglalayag.
"Ayos. Ang galing ng plano ko. Ahaha." natutuwang sabi ni Airy.
"Hmm? Airy. Saan mo ba nakuha yung planong yon?" tanong ni Data habang inaayos ng mga sinira ng capybara.
"Ewan. Naisip ko lang." sabi ni Airy.
Maya-maya pa ay bumaba ang mga seafarers para makita ang nangyaribsa baba. Napatingin naman ang lahat sa kanila. Isang disaster ang nangyari. Maraming nasira pero madali lang itong inayos ni Data.
"Paanong..." hindi makapagsalita ang kapitan ng barko.
"Pasesnsya na kung kailangan pang umabot sa ganito ang lahat." sabi ni Pipe na halatang nanghihina.
Napaluha naman ang kapitan ng barko at napaluhod. "Sa tagal-tagal ko ng naglalayag. Ngayon ko lang naranasan na walang nawala sa mga tauhan ko. Maraming salamat. Hindi ko alam kung paano n'yo ginawa yon. Maraming salamat talaga."
"Akala ko di na kayo magpapasalamat."
"Utang ko sa inyo ang buhay ng mga seafarers na nandito ngayon." sabi niya at tumayo na siya. "Kung may gusto kayong ipagawa sa'kin gagawin ko kaagad."
Nagtinginan silang lahat at nagdesisyon si Airy na magtanong. "Alagad ka ba ni Fright?" tanong niya.
"Si Queen Fright? Kinuha niya ang lahat sa'kin. Pati ang pagiging matapang ko sa labanan. Hindi. At kailanman hindi kami kakampi sa kanya."
"Sino ka ba?" tanong ni Airy dito."
"Prinsepe Fare. Isa sa mga prinsepe ng Fairy Land."
"Wow. Prinsepe Fare, as in asawa ni Aria?" tanong naman ni Fade. "Hindi kita nakilala ha." sabi niya pa.
"Binago ako ng panahon. Parang napakatagal na ang labing-dalawang araw sa amin."
"Kung ganon. Pwede nating sabihin kung sino tayo." sabi ni Bloom.
"Ha? Hindi ko maintindihan." sabi ni Prinsepe Fare.
"Ako si Airy. Ang huling Fairy Warrior." sabi ni Airy at lumabas ang tunay na siya.
"Ako si Data. Ang nagbibigay ng impormasyon sa kanila."
"Ako si Fade. Ang illusionist."
"Ako si Bloom. Ang isa sa mga prinsesa ng Kanluran."
"Ako si Pipe. Ang nag-iisang prinsepe ng Hilaga."
"Kami ang Fairy Land Savers." sabi ni Airy habang nakataas ang kamay niya na nakaturo sa kanang bahagi.
"Uhm. Para saan yon?" tanong ng isang seafarer habang neutral ang expression.
"Wala lang. Naisip ko lang. Nagpakilala kasi kami isa-isa. Parang yung napapanood ko sa mga palabas." paliwanag ni Airy habang kinakamot ang ulo.
"Ang baduy." pabulong na sabi nung seafarer.
"Kung ganon. Kinagagalak namin kayong makilala." sabi ni Prnsepe Fare at yumuko ang lahat saglit.
"H'wag na kayong maging pormal. Sa ngayon, isa kaming simpleng tao na kagaya n'yo." sabi ni Pipe.
"Saan nga pala kayo pupunta?"
"Ibaba mo kami sa Cursed City." sagot ni Pipe.
"Bakit kayo pupunta doon?"
"Dahil nandoon ang kailangan namin." sagot ni Fade.
"Sige. Ibababa namin kayo doon. Sa dulo ng islang yon na nakatapat sa Hilaga ay may lalabas na tulay. Lalabas lang yon kapag bilog ang buwan."
"Naiintindihan ko." sabi ni Pipe.
* * *
Matapos ang gulong idinulot ng mga illusion ni Drown ay sa wakas, nakarating na sila Airy sa Cursed City. Kung saan, matagal nang natutulog sa dilim si Drown.
SABER - a calvary sword with a curved blade, thick back and a guard.
- a light fencing or dueling sword.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...