After 3 days...
Naibalik na ang lahat sa dati at nakapagpahinga na si Airy pero ngayon, kailangan na nilang magpaalam sa isa't-isa.
Nasa lagusan si Airy ngayon kasama ng lahat ng nakilala niya.
"Talaga bang hindi ka na mapipigilan anak?" tanong ni Geo.
"Pa. Pasensya na po pero madami rin naghihintay sa'kin sa kabila."
"Airy." tawag sa kanya ni Drown. "Gusto mo bang samahan kita?"
"H'wag na. Kaya ko na 'to. Paalam na sa inyong lahat. Maraming salamat." sabi ni Airy at bago siya umalis ay binigyan siya ng isang mahigpit na yakap at halik ni Drown na ikinagulat niya.
"Alalahanin mo ako." sabi niya at itinulak niya si Airy palabas ng lagusan.
Lumabas si Airy sa gubat malapit sa bahay nila pero paghakbang niya ay biglang nagliwanag ang paligid at napunta sa ibang lugar si Airy.
"Airy. Ang dakilang Fairy Warrior. Binabati kita sa inyong tagumpay. Pero isang panganib ang iyong binuksan."
"Huh? Hindi kita maintindihan at hindi rin kita kilala."
"Ako si Ether. At ako ang nagkulong sa mga fairy ring ngunit nilabag mo ang isang kautusan tungkol sa kanila."
"Katulad ng anong kautusan?"
"Hindi mo maaaring gamitin ang fairy ring laban sa kapwa niya fairy ring."
"Alam ko ang dapat kong gawin at kinailangan kong gawin yon."
"Dahil sa iyong ginawa. Sila ay nakawala sa aking spell. At ngayon, inaatasan kita sa bago mong misyon. Kailangan mo silang patayin at ibalik sa spirit world, sa mundong kanilang pinanggalingan."
"Pero paano ko gagawin yon?"
"Pag-isipan mong mabuti."
* * *
Naglalakad palang palayo ang lahat ng biglang magpakitang muli si Airy. Napalingon ang lahat sa kanya.
"Eh?" tanong ni Airy sa sarili niya.
"Ehhhhhh???!!!"
Natapos man ang misyon ni Airy na ibalik ang happy ending ng Fairy Land pero ito'y panandalian lamang. Kailan kaya makakamit ng Fairy Land ang totoong happy ending? Well, dapat n'yong abangan.
- The End -Thanks for supporting me. Comments and suggestions are my pleasures.
For those readers na ngayon pa lang makakabasa nito. Please read the spin off -> THE LAST DROP OF MAGIC. Thank you. ^.^v
* * *
(03/19/21)
"Powerless: The Return of the Antagonist" you all can read it in Dreame.
The story is about OF COURSE our very own antagonists Echo and Just.
If you finished reading Airy's stories… please care to read Echo's story too!!
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...