*GASP*
"Airy, bakit? May nangyari ba?" tanong ni Bloom.
"Ilang araw akong tulog?" tanong ni Airy. Ngayon, nakapalibot na sa kanya ang lahat.
"Huh? Anong sinasabi mo?" tanong ni Fade.
"Natulog ka kagabi at gumising ka ngayong umaga." sagot naman ni Data.
"Hay. Salamat naman. Akala ko naman mahaba ang tulog ko." sabi ni Airy at naisip niya bigla yung nakita niya kagabi. "Hindi. Hindi dapat ako mag-isip ng ganito. Para sa kapakanan ni Pipe." malungkot niyang iniisip at maya-maya pa ay binlangko na niya ang utak niya. Narinig naman ni Pipe ang sinabi niya kaya lumapit siya rito.
"Anong tinatago mo Airy?" tanong ni Pipe.
"Ah wala. Naalala ko lang yung pinag-uusapan natin kagabi. Yung tungkol kay Drown. Naaalala ko na siya."
"Talaga? Anong relasyon n'yo ng kapatid ko?" tanong naman ni Fade.
"Wala. Hindi naman kami close non eh."
"Talaga? Dahil ba peasant kami at mataas ang ranggo n'yo?" naiinggit na tanong nya pa kay Airy.
"Masyado mong ibinababa ang angkan n'yo. Syempre hindi kasi hindi naman kami masyadong nagkikita non. Natatandaan ko lang na ang ganda ng mata niya."
"Parang yung akin?"
"Hindi ah. Pula yung sa 'yo eh."
"Naalala mo na pala si Drown." sabi ni Pipe.
"Teka. Bakit ba nandito pa tayo? Hanapin na natin si Drown." sabi ni Airy at sumakay na sila sa prairie wagon.
*RAWR*
Sigaw ng isang bestia sa harap nila.
"Sino kayo at anong ginagawa n'yo dito?" tanong nung bestia pero hindi gaya ng iba, nagsasalita siya sa pamamagitan ng bibig. Bumaba naman ang lahat sa prairie wagon.
"Isang bestia." sabi ng lahat maliban kay Data.
"Oo. Isa nga akong ganon pero East ang pangalan ko. Dito na ako nanalagi dahil kay Queen Fright."
"East. Kung natatandaan ko ng tama. Mag-asawa kayo ni Ate Ellie, tama ba?" sabi ni Airy.
"Oo. Ang istoryang yon ay tungkol sa isang Prinsepeng hindi namigay ng tulong doon sa matanda. Dahil doon ay na-cursed siya at kailangan niyang hanapin ang true love niya bago pa man maubos ang oras mula sa hourglass." sabi ni Data.
"Ang dami mong sinabi. Ano bang ginagawa n'yo dito? Pwede naman kayong dumaan sa ruta ng mga Elf." naiiritang sinabi ni East.
"May sadya kami dito. Hinahanap kasi namin si Drown." sabi ni Airy.
"Hhmm. Wala akong matandaan na may napadpad na ganyan dito."
"Matagal na siyang nandito." sabi ni Airy.
"Tama at kamukha ko siya." sabi ni Fade.
"Grrrrr. Anong gingawa n'yan dito? Itinago na kita. Paano ka ba nakakatakas? Alagad ni Queen Fright." sabi ni East at saka pumwesto na parang aatakihin niya si Fade pero humarang si Data sa pagitan nila.
"Tama, nandito nga ang kapatid ko." tanong ni Fade na nakasilip sa braso ni Data.
"Tch. Wala akong tiwala sa'yo. Kung gusto n'yong malaman kung nasaan yung hinahanap n'yo. H'wag n'yo ng isama yan."
"Alam namin ang tungkol kay Drown na umaatake ng tao na kumakampi kay Fright. Pero kakampi na namin si Fade."
"Bahala kayo." sabi ni East at tumingin siya sa prairie wagon. "Sumakay kayong lahat d'yan. Dadalhin ko kayo sa kanya ng mabilis." sabi niya at pumwesto na ang lahat.
*ZOOOOOOOOOOOM*
Mabilis ang takbo ni East kaya narating nila agad ito sa loob ng kalahating oras. Bumaba na ulit ang lahat mula sa prairie wagon at nakita nila si Drown na nasa loob ng kweba at nakakulong sa isang inverted at transparent na vase at lumulutang na nakabaluktot na parang natutulog na sanggol.
"Drown. Nandito na ako. Lumabas ka na d'yan." sabi ni Fade habang lumalapit sa kweba.
"Oy oy oy oy. Hindi ka pwedeng lumapit d'yan." pagbabawal ni East.
"Bakit hindi?"
"Dahil sinabi ko. Ako lang ang pwedeng lumapit dito." sabi niya pa.
"Fade. Hayaan na muna natin siya." sabi naman ni Airy. Napansin niya rin na mahaba ang buhok ni Drown. Mas mahaba pa ito sa buhok ni Fade.
Lumapit si East sa kulungang ginawa niya. Tinanggal ang inverted vase at sinalo si Drown. "Sa ngayon tulog siya pero mag-ingat kayo dahil ano mang oras ay pwede siyang gumising." sabi ni East at ibinigay niya kay Airy si Drown.
"Teka. Bakit sa'kin?" tanong ni Airy habang pagewang-gewang. Tutulong na dapat sila Pipe at Data pero pinigilan sila ni East.
"Paano magiging malakas yan kung tutulungan n'yo?" tanong ni East at hinayaan na nila si Airy.
"Ang damot mo." sabi ni Airy kay East at nabuhat na niya ng maayos si Drown.
"Nararamdaman ko kasing malakas ka. Kailangan mong ilabas yan bago n'yo kaharapin si Queen Fright." sabi ni East.
"Paano mo nalaman na hindi kami alagad ni Fright?" tanong ni Airy.
"Kanina pa tayo nag-uusap at alam kong kayo ang nakatakdang lumaban sa kanya."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Pipe.
"Dalawang galing sa Royal family..." sabi ni East at itinuro si Bloom at Pipe. "...isang Fairy Warrior..." at tinuro niya si Airy. "...isang informant..." at tinuro niya si Data.
"Ano 'to? Kami ba talaga yan?" tanong ni Airy sa utak niya at isang himala na hindi narinig ni Pipe ito.
"...magkapatid na illusionist..." at tinuro niya si Fade at Drown. "...at...huh? Bakit kulang pa kayo ng dalawa?"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Pipe.
"Hindi n'yo pa nakikita ang futurist at isa sa angkan ni Queen Fright."
"Teka. May sasali sa'min na kaangkan ni Fright?" tanong ni Pipe.
"Oo. Kailangan n'yo silang makita bago pa kayo makarating sa palasyo." sabi ni East. "Wala na kayong oras. Dapat n'yong makontrol si Drown bago pa siya makontrol ni Queen Fright."
Sumakay na ang lahat sa prairie wagon. "Hindi mo ba kami sasamahan?" tanong ni Airy pagkatapos niyang ihiga si Drown sa hinihigaan niya kapag natutulog siya.
"Hindi eh. Hanggang dito na lang ako. Kayo na ang bahala sa sarili n'yo. Sinasabi ko sa inyong muli. Mag-ingat kayo kay Drown dahil hindi siya titigil hangga't wala siyang napapatay." babala ni East at umalis na sila.
"Angkan ni Fright ha." pabulong na sabi ni Pipe.
Sino pa nga ba ang makakasama nila sa kanilang laban kay Queen Fright? Sino kaya ang sunod na makakasalubong nila?
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasíaSi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...