Niyakap ni Pipe si Airy kahit di siya sigurado sa kanyang ginagawa. Tinabunan din nilang lahat si Airy dahil napakalakas talaga ng kanyang magos.
"Ayaw talagang humina." bulong ni Blue.
"Kaya natin 'to." sagot ni Pipe.
Lalo pang lumakas ang magos ni Airy at naramdaman na nga ito ng mga cougar at sigurado na sila sa pinanggagalingan nito.
"AAAAAAHHHH!" sigaw ng isang lalake kasabay ng sigaw ng mga cougar.
Tinignan ito ni Nico at natuwa siya sa kanyang nakita.
"Oh hindi. Ayoko sa kanya." sabi naman ni Blue.
Lumabas na nga si Dynn. "Hey, parang gusto n'yo atang makipaglaro? Tara. Matagal-tagal na rin akong di nakakapaglaro." sabi niya. Nawala na rin ang invisibility ng kanilang sinasakyan. Napatingin sa kanila si Dynn. "Wow. May bisita pala ako. Kung gusto n'yong makaligtas pumunta kayo sa silangan." sabi ni Dynn at nagsimula nang sumugod ang mga cougar.
Sumunod naman sila at nagpaiwan sila Pipe at Blue.
"Sasali rin kami." sabi ni Blue at naging espada na ang scarf niya.
"Data. Bantayan mo na lang sila. Susunod na lang kami." paalala naman ni Pipe kay Data at nilabas naman niya ang dalawang espada niya mula sa likod.
"Wow. Labing-lima laban sa tatlo. Magandang laban 'to." sabi ni Dynn.
Nagsimula na silang atakihin ng mga ito at nagawa pa nilang magkwentuhan.
"Alam n'yo. Labing-dalawang araw nung may huling dumalaw sa'kin dito. Alam n'yo na masyadong matagal ang takbo ng oras dito sa'tin. Buti nga ngayon parang maayos na ulit." sabi ni Dynn habang ginigilitan ng leeg ang cougar na kaharap niya.
"Walang may paki." sigaw naman ni Blue habang parang malapit na siyang lapain nung cougar na kaharap niya pero namanage niya pang masaksak ito sa dibdib.
"Ahaha. Ganyan ka pa rin pala Blue. Walang nagbago."
"Manahimik ka."
"Pwede bang magfocus kayo? Mamaya na ang daldalan." sabat naman ni Pipe.
"Blue. Sino siya? Ngayon lang kami nagkita pero inuutusan niya lang ako." sabi ni Dynn at nagawa niya pang tumigil.
"Si Pipe yan. Ang mahal na prinsepe. Kaya sumunod ka na lang." sabi ni Blue at nilalabanan niya ang mga cougar na kumakalaban sa kanya.
"Ano? Hindi mo sinabi agad." sabi niya at pinagpag niya ang damit niya. "Ikinagagalak ko po kayong makita."
"*grunt* Sumunod ka na lang." sabi ni Pipe habang tinatapos niya ang kaharap niya.
"Masusunod." sabi ni Dynn at itinuloy ang laban nya.
Nagawa nilang tapusin ang mga cougar na ganon na lang kadali. "Hoo. Ang galing n'yo naman lumaban mahal na—"
"Pipe. Yun na lang ang itawag mo sa'kin." sabi ni Pipe habang nagpupunas ng pawis at tilamsik ng mga dugo ng cougar.
"Ah. Pipe. Ang galing mong gumamit ng espada ah. Saan mo natutunan yon?"
"Minana ko lang ang galing na yon sa mga magulang ko."
"Wow. Sana minana ko na lang din yung akin." sabi naman ni Dynn habang naglalakad na sila papunta sa silangan.
"Nasaan si Jazz?" seryosong tanong ni Blue. Tumigil naman sila agad sa paglalakad.
"Bakit? May saysay ba kung malaman mo kung nasaan siya?"
"Sagutin mo na lang."
"Wala. Wala na siya."
"Dynn nasaan na siya?" pag-ulit ni Pipe sa tanong.
"Nung time na pupunta palang ako sa kanya bilang pekeng prinsepe nawala siya. Sinasabi ng iba, kinuha siya ni Jeff at itinago sa'kin at sabi ng iba si Queen Fright ang gumawa nito."
"Oo. Siya nga ang gumawa nito. Siguro naman alam mong wala tayong happy ending?" sabi ni Blue.
"Malamang."
Habang nagkwekwentuhan sila ay bigla na lang dumagundong. Tumingin sila agad sa likod at may nakita silang isang tao. Nakatayo at maraming cougar sa likod niya.
"Akala n'yo ba natalo n'yo na sila? Isang kalokohan." sabi nito. Hindi makita ni Pipe ang mukha nito dahil nakatago ito sa isang mahaba at makapal na balabal. Magkahalo rin ang boses nito na siyang nagpapalito kina Pipe kung babae ba ito o lalake.
"Alagad ka ba ni Fright?" tanong ni Pipe. Tinititigan niya ang mga mata nito at hindi niya talaga malaman ang kasarian nito.
"Iniisip mong kaya mo akong kilalanin gamit ng kapangyarihan mo? Oh well, kilala ko ang grupo n'yo. Alam ko ring di mo kayang gawin ang ginagawa ni Data." sabi nung kaharap nila na ikinagulat ni Pipe.
"Pipe, bakit?" tanong ni Blue.
"Kilala niya tayo." bulong ni Pipe.
"Ano?" tanong ni Blue dahil hindi niya narinig ang sinabi ni Pipe.
"Uulitin ko pa para sa'yo?"
"Sabi ko nga naintindihan ko ang sinabi mo eh."
"Ang dami n'yong satsat. Kanina pa ako nakatira. Ewan ko nalang kung maiilagan nyo." sabi nito at umatake mula sa taas ang mga cougar.
Agad namang kumilos ang tatlo at nilabanan ito isa-isa.
"Pipe. Anak. Minsan ang kalakasan ng isang tao ay ang kanya ring kahinaan. Lagi mong tatandaan yan." sabi ng isang boses—boses ng papa niya—sa kanyang.
"Ano ba ang kahinaan niya?" tanong ni Pipe sa kanyang sarili habang lumalaban.
"Ang lakas nila. Hindi ko inaasahan 'to." sabi ni Blur sa kanyang isip.
"Malakas?" tanong niya at pinalalim niya pa ang kanyang iniisip. "Tama. Kung lumakas ang mga cougar ngayon yun ay dahil sa taong yon. Kung wala siya mahina ang mga 'to. Kung babaliktarin, mahina ang taong ito kung hindi niya kontrolado ang mga cougar." sabi niya sa kanyang isip at napanginti na lang siya sa idea na naisip niya.
"Sige pa. Talunin n'yo sila." sabi nung kalaban nila.
"Talaga? Kaya mo ba talaga kami? o sadyang kinontrol mo sila dahil takot ka sa kanila?" sabi ni Pipe habang hinahati niya ang mga sumasalubong sa kanya na cougar.
"Talaga lang ha. Nakuha mo pang mag-isip ng ganyan. Hindi mo ba naisip na sila ang kalakasan ko?"
"Naisip. Naisip mo rin ba na sila ang kahinaan mo?" tanong pa niya dito habang hindi niya na kayang itago ang tuwa. Madali na lang ding nakakasunod sila Blue sa likod ni Pipe papunta sa kanilang kaaway.
"Hindi n'yo ko kayang talunin." sabi niya. Hindi na masyadong confident yung kaharap nila at tumigil na rin ang mga cougar sa pag-atake.
"Ako ang huling tagapagmana ng trono. Kaya kong talunin ang sinumang kakalaban sa akin." sabi ni Pipe na parang isa na talaga siyang hari.
Napaatras ang kanilang kalaban. "Ahehehe. Biro lang yon Prinsepe. Gusto ko lang makipaglaro sa inyo." sabi nito at may balak pa siyang tumakbo pero nahablot ni Pipe ang balabal nito.
"Huli ka na." sabi ni Pipe at nakita niya ang isang pamilyar na sugat sa kaliwang mata. Lumuwag ang pagkahawak niya dito at nakawala ito.
"Magtutuos tayong muli mahal na Prinsepe." sabi niya at naglaho na lang ito na parang bula.
"Anong nangyari?" tanong ni Bynn. "Hawak mo na. Nakawala pa."
"Pamilyar sa akin yung peklat niya sa kaliwang mata. Parang bago lang."
"Saan mo naman nakita yon?" tanong ni Blue.
"Pag-iisipan ko." sabi niya at lumakad na sila papunta kina Airy.
Ano kaya ang sunod na mangyayari sa kanilang paglalakbay? Maalala kaya ni Pipe kung saan niya huling nakita ang sugat na yon? Kayo? Naaalala n'yo ba ang sugat na yon?
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...