Thirty Nine

1.8K 66 0
                                    

"Risk. Sabihin mo kung anong mangyayari kung hihintayin natin sila Fade." tanong ni Pipe kay Risk.
"Wala. Maliban na lang kung pumunta tayo agad sa tarangkahan."
"Kung ganon. Saan tayo pupunta para hindi tayo magkaroon ng encounter?" tanong naman ni Kill.
"May subterranean malapit sa tarangkahan. Pwede tayo doon." sabi ni Airy habang nagmamasid.
"Airy. Hindi nga tayo pwede sa tarangkahan. Lalong-lalo na sa subterranean na yon." sagot ni Risk.
"Pwede tayong maging invisible para di nila tayo makita."
"Airy."
"Tama na Risk. Ako ang masusunod dito. Doon tayo. Pipe, pakiusap tulungan mo kaming magtago gamit ng magos mo. Wala na tayong oras para pumunta lung saan-saan." sabi ni Airy at dumiretso na sila sa subterranean.
Tinawagan ni Pipe ang kambal at sinabing doon sila naghihintay. Nakabalot ang lahat sa invisible ball na ginawa ni Pipe.
Habang naghihintay, nilapitan ni Risk si Airy.
"Airy." sabi ni Risk pero hindi siya pinansin ni Airy. "Airy pakiusap. Kausapin mo ko."
"Magsalita ka na." sabi ni Airy.
"Airy. Ayokong maging magkaaway tayo. Patawad kung nadala ako ng pag-aalala sa inyo pero tama ka. Kailangan nga natin silang iligtas dahil yun ang nakatakda. Pakiusap, Airy. H'wag mong tatawagin si Wood." pakiusap ni Risk.
"Airy. H'wag mo siyang pakinggan." sabi ng isang boses pero pilit hindi pinapansin ni Airy iyon.
"Risk. Maniwala ka sanang kaya kong baguhin ang hinaharap. Kaya natin 'to."
"Sana nga."
"Risk. May naririnig ka bang nagsasalita?" tanong ni Airy na nakapukaw sa atensyon ng lahat.
"Anong ibig mong sabihin? Wala akong naririnig."
"May kumakausap talaga sa'k-" sabi ni Airy pero pinigilan siyang magsalita ni Risk at tinuro ang labas ng subterranean. Isang matandang babae/ermitanya ang naglalakad patungo sa direksyon nila.
"Atras." pabulong na sinabi ni Airy dahil nasa unahan siya, banda sa may lagusan.
Umatras sila at pumasok ang matandang babae/ermitanya.
"Hindi na dapat kayo pumasok dito." sabi nito habang nakatingin kay Airy na hindi naman niya talaga sigurado kung saan siya nakatingin.
"Pano niya nalaman na nandito tayo?" tanong ni Bloom sa kanyang isip habang patuloy pa rin ang pag-atras nila sa kadiliman ng subterranean.
"Wala na kayong oras para magtago pa. Kumilos na kayo." dagdag niya pa.
"Kayo? Paano niya nalamang madami tayo?" tanong din ni Pipe sa kanyang isip.
"Shh. Parang pamilyar siya sa'kin." sabi ni Airy at tumigil na sila sa pag-atras para obserbahan niya ang mukha ng matandang babae/ermitanya.
"Hay naku. Kailangan ko pa bang magpakita sa inyo?" sabi niya at tumigil na rin siya sa paglalakad at pinagpag lang ang damit niya.
* flutter *
"Tita Pen?" tanong ni Airy sa sarili niya.
"Finally. Huh? Nasaan ba kayo?" sabi ni Pen.
Si Pen ay may itim pa rin na buhok at kalahati nito, mula bewang hanggang talampakan ay brown, at nakatirintas na. Nakasuot siya ng armor suit at nasa gilid niya ang espada niya.
"Woah." sabi ni Pipe at bumigay bigla ang invisible ball at nakita na sila ni Pen.
Napatingin siya kay Airy at diretso ang tingin sa buhok nito.
"Huh?! Anong nangyari sa buhok mo? Nagsusuklay ka ba?" sabi niya habang kinikilatis ang buhok niya.
Bukod kasi sa pagiging isa sa fairy warrior, pinagkakaabalahan ni Pen ang buhok ng iba.
"Ako lang kasi ang nag-ayos n'yan." sabi ni Airy.
"Eh? Halika, ayusin natin ang buhok mo habang nagkwekwentuhan tayo." pag-aaya ni Pen at pinaupo niya 'to sa lapag.
"Akala ko po ba wala na tayong oras?" tanong ni Bloom.
"Hinihintay n'yo pa ang kambal, hindi ba?" tanong niya at sinuklay niya na ang buhok ni Airy.
"Pen. Nasaan na po si papa Roger?" sabi Airy habang sinisimulan na ni Pen ang kanyang paggugupit.
Hindi naman ito sinagot ni Pen ng diretso sa halip : "Makinig kang mabuti at intindihin ang mga sasabihin ko." sabi niya at napunta lahat ng atensyon sa kanya. "Sa palagay ko, may dalawang resulta ang pagkamatay ng isang tao dito sa Fairy Land. Una, kapag usok ang resulta ng pagkamatay niya, ibig sabihin, isa lang siyang ilusyon. Pangalawa, kapag nawala siya kasabay ng hangin, ibig sabihin, napupunta siya sa Elysium. Ang lugar kung saan nabubuhay ang mga taong muli."
"Kailanman... hindi na babalik?" mahinang tanong ni Pipe sa sarili niya.
"Oo. Pero sa sitwasyong ito, lahat ng mga namatay, kasama si S-Song. Sigurado akong nasa paligid lang sila. Hindi rin ako sigurado kung buhay pa si Roger." sabi ni Pen.
"Pati si mama?" tanong naman ni Airy.
"Pati ang mama mo." sabi ni Pen habang tinatapos ang pagsusuklay sa buhok ni Airy.
"Pero sabi n'yo naman nasa paligid lang sila."
"Mas mabuti ng sigurado." sabi ni Pen at itinago na niya ang suklay niya.
"Pen, sa tingin mo ba magiging maayos na ang lahat?" tanong ni Airy.
"Ililigtas mo kami, kaya masasabi kong oo." sabi ni Pen at umupo siya sa tabi ni Airy.
"Pano kung di ko magawa? Paano kung pumalpak ako?" sabi ni Airy.
"Airy. Nakapasan man sa'yo ang responsibilidad na 'to. H'wag mong isiping nag-iisa ka. Nandito sila. Tutulungan ka nila." sabi ni Pen sabay turo sa lahat. Maya-mayapa ay tumayo na siya. "Paano? Aalis na ako." sabi niya.
Napatayo rin naman si Airy. "Huh? Bakit? Hindi mo ba kami tutulungan?"
"Airy. Sa ngayon, hindi mo kailangan ng tulong ko. Tsaka humahanap ako ng solusyon para sa mga magos ng fairy warriors. Kung paano natin malalampasan ang paghahanap sa mga tao ng di nabubulag. Paalam." sabi ni Pen at lumabas na sa subterranean at muli niyang pinagpag ang damit niya at bumalik na siya sa pagiging ermitanya.
"Airy." tawag naman sa kanya ni Pipe.
Napalingon naman si Airy sa kanya.
"May gusto lang akong tanungin sa'yo." sabi ni Pipe.
"Sabihin mo na." sabi ni Airy.
"Nung p-" sabi ni Pipe pero naputol dahil kay Data.
"Tignan n'yo yun." sabi ni Data sabay turo sa langit.
May namumuong ulap sa gitna ng palasyo at subterranean kung nasaan sina Airy. Isang imahe ng mga pamilyar na tao. Nakahilera. Nakataklob ang mga ulo at sa tabi nila ay may isang bestia na handa ng kainin ang mga ulo nila.
"Mama." parehas na sigaw ni Risk at Bloom.
"Wolf." sabi naman ni Data.
"Papa." sabi ni Airy dahil nakita nya ang stepdad niya.
"Pen!" sigaw nilang lahat.
"Paano nangyaring nand'yan siya?" tanong ni Bloom.
"Guys." tawag naman ni Drown habang tumatakbo papasok ng subterranean.
"Gusto ni Fright na lumabas tayo. Pwes gawin natin." sabi ni Airy at kinuha na niya ang mga gamit niya at lumabas na.
"Teka sandali." pagpigil naman sa kanya ni Drown pero hinawi lang ni Airy ang kamay ni Drown bago siya lumabas.
Agad namang sumunod ang iba sa kanya. Tumayo sila sa harap ng tarangkahan.
"FRIGHT!!!!" sigaw ni Airy at nakuha niya ang atensyon ni Queen Fright mula sa malayo.
"Tatalunin ka namin! Hinding-hindi mo makukuha ang Fairy Land." sigaw ni Pipe. Tumingin saglit sa kanya si Airy at ngumiti.
"Charge!" sigaw ni Airy at lumabas mula sa likod nila ang libo-libong bestia. Ito ay gawa ng dalawang illusionist.

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon