Forty

1.8K 67 1
                                    

"Eto na ang panahon para sa akin" sabi ni Queen Fright habang nakaupo sa trono niya.
Tok! Tok! Tok!
"Queen Fright. Nandito po si General Arg." sabi ng isang servant sa labas ng kwarto sa tapat ng pintuan.
"Sige. Papasukin mo siya." sabi ni Queen Fright.
Pumasok sa loob si Arg dala ang ngiti at magandang balita para kay Queen Fright.
"Bakit ka nandito?" tanong niya kay Arg.
"Mahal na Reyna." pagbati ni Arg na may kasamang pagluhod. Agad naman siyang tumayo. "Patay na po ang tinuturing na tagapagligtas ng Fairy Land."
Kumunot ang noo ni Queen Fright sa kanyang narinig. "Paano?"
"Nasunog ang sinasakyan nila. Nakita ito ng mga mata ko." sabi niya pa.
"Ganon na lang yon kadali?" tanong nya pa.
"Opo. Mahal na Reyna."
Tok! Tok! Tok!
"Queen Fright. Nakahanda na po ang korona n'yo. Nakahanay na rin po ang mga bihag sa labas." sabi ng katulong sa labas.
"Sige. Ipasok mo na ang korona ko." sabi ni Queen Fright.
Gumilid naman si Arg. Sa itaas ni Queen Fright ay may butas kung saan bababa ang sinag ng buwan na siyang magbibigay sa kanya ng mas malakas na kapangyarihan. Tumingala na siya saglit at naramdaman niyang malapit na sa butas ang sinag ng buwan.
"Ngayon na ang takdang panahon." sabi ni Queen Fright habang hawak ng alagad niya ang korona na ilalagay niya sa kanyang ulo.
Maya-maya pa, nasinagan na siya ng konti ng buwan. Isusuot niya na sana ang korona nang biglang...
"FRIGHT!!!!" sigaw ni Airy at napalingon si Queen Fright sa may bintana.
"Tatalunin ka namin! Hinding-hindi mo makukuha ang Fairy Land." sigaw ni Pipe.
"Charge!" sigaw ni Airy at lumabas mula sa likod nila ang libo-libong bestia. Ito ay gawa ng dalawang illusionist.
"Arg. Ano 'to? Akala ko ba namatay na sila?" tanong ni Queen Fright. Muli siyang tumingala at nasa tapat niya na ang buwan.
"Nakita ko po talaga." sagot ni Arg habang nakadungaw sa bintana.
"Hindi ako makakapagsimula kung may humahadlang sa akin." sabi ni Queen Fright sa sarili niya. "Tawagin mo si Ice at papasukin mo dito ulit." utos ni Queen Fright sa servant na nasa harap niya. "Ikaw." tawag niya kay Arg.
Tumingin si Arg sa kanya at ngumiti. Sinakal naman niya ito.
"Hindi mo binantayan ng maigi ang mga bilanggo. Bilang kapalit sa kapalpakan mo..." sabi niya at hinigpitan niya pa lalo ang pagsakal niya. "...mamamatay ka na." sabi ni Queen Fright at hindi na nakapagsalita si Arg. Sinakal lang siya hanggang sa mawalan siya ng hininga. Hinigop ng hourglass ang kaluluwa niya kasama ang kapangyarihan niya. Agad din naman siyang naglaho kasabay ng hangin.
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Ice pagkatapos siyang ipresenta kay Queen Fright. Nakayuko lang naman ito.
"Sabihin mo sa'kin kung ano ang nakikita mo sa mga susunod na oras." sabi niya.
Tumingin sa kanya si Ice ng pailalim. "Isa lang po ang nakikita ko. Matatalo kayo ni Airy at hindi n'yo matatakasan ang tadhana n'yo."
"Paano nabuhay si Fade?" tanong niya pa.
Boogsh!
"Queen! Wala na po ang mga bihag sa ibaba. Mga ilusyon na lamang sila." sabi nung servant na pumasok.
Nagulat naman si Ice at naramdaman ito ni Queen Fright.
"Anong tinatago mo sa akin, Ice?" tanong niya at lumapit siya kay Ice.
"At bakit ko sasabihin ang tinatago ko?" tanong ni Ice.
"Sinungaling. Ano yon?" galit na tanong ni Queen Fright at sinakal na niya si Ice.
"Mas gugustuhin kong patayin n'yo na lang ako kaysa pakinabangan mo ang mga alam ko." matapang na sinabi ni Ice.
"Kung yan ang gusto mo. Bakit hindi natin totohanin?" sabi ni Queen Fright at lalo niya pang hinigpitan ang pagsakal niya kay Ice.
"Pero kung papatayin n'yo ako. Hindi n'yo malalaman ang mga susunod na posibleng mangyari." sabi ni Ice habang nakangiti.
Nag-isip sandali si Queen Fright at binitawan ang pagkakasakal sa kanya.
"Sa bagay. Pero... hindi na kita kailangan." sabi ni Queen Fright kay Ice at binigyan niya ito ng isang malakas na sampal.
PAK!
crak!
Nabali ang buto ni Ice sa may batok at naputol ang litid niya sa leeg na dahilan ng kanyang pagkamatay. Hinigop ng hourglass ang magos niya at nanatili lang doon ang labi ni Ice.
"Sabihin mo sa kawal na si Helium, siya ang mamuno sa pagsugod sa mga hangal na yon. Pakawalan na rin ang mga bestia." utos ni Queen Fright.
"Ma-masusunod po." sabi nung servant at dali-daling umalis.
* GASP *
"Bakit Risk? Anong problema?" tanong ni Kill sa kanya.
Slash!
"Pakiramdam ko. May nangyari kay mama." sagot niya.
Patuloy silang tumatakbo at pinapatay ang lahat ng makasalubong nila.
"Magiging maayos din ang lahat." sabi ni Airy kay Risk.
Malayo pa sila sa mismong pinto ng palasyo nung biglang nagsilabasan ang mga martial at bestia sa gilid ng palasyo.
"Lalo silang dumami." sabi ni Pipe.
Napatigil naman sila pagtakbo kaya na-corner sila.
"Helium?" tanong ni Fade nung makita niya si Helium na namumuno sa army ni Queen Fright.
"Sorry, hindi ko gusto 'to." sabi ni Helium sa isip niya na narinig ni Pipe. Sumenyas si Helium sa mga kawal na sumugod at ginawa nga nila yon.
Patuloy na naglalaban ang mga bestia at bestia na gawa nila Fade. Madali namang kinukuha ni Bloom ang mga gamit nila at itinatapon sa malayo. Maayos namang napapatay ng iba ang mga nakakalapit sa kanial.
"SUGOD!" sigaw ng isang boses sa malayo.
Napalingon sila Airy doon at nakita nilang sumusugod ang mga tiga-Fairy Land. Kasama ng mga nakasama nila sa paglalakbay nila. Nandoon sila Wolf, Blue, Nico, Prinsepe Fare, East, Salt at Stairs, ang mga Elf, si Geo at Pen. Kasama rin nila ang mga ibang nakulong.
"Pa?" tanong ni Airy habang papalapit si Geo sa kanya. Bumalik na kasi ang matipuno nitong pangangatawan at hindi na siya isang ermitanyo. Ganon din naman si Pen.
Nagbreak through naman si Geo sa mga nakaharang na bestia papunta sa anak niyang si Airy.
"Hoo. Napakasarap bumalik sa dating anyo kahit na wala na ang paningin ko." sabi niya ng makalapit siya kay Airy.
"Pa? Paano kayo nakabalik sa dati n'yong anyo at paano nakatakas ang iba mula dun sa hanay ng mga papatayin na?" tanong ni Airy at tuloy lang ang laban.
"Hehe. Wala ka bang tiwala sa papa mo? Syempre tinulungan ko silang makatakas. Wala na tayong oras. Kailangan n'yo nang mapigilan si Fright. Kami na ang bahala dito. Hanapin n'yo na siya." sabi ni Geo habang umaaksyon din.
"Sigurado ba kayo?"
"Sigurado ako. Sige na." sabi niya at nagbreak through din si Airy sa mga bestia at sumunod naman ang mga kasama niya.
* * *
Pumasok si Queen Fright sa kanyang kwarto kasama ng dalawang servant na dalang ang hourglass niya. Sa lapag ng kwarto niya ay nakahandusay si Roger. Sinipa ito ng mahina ni Queen Fright. Pinapakiramdaman niya kung buhay pa ito.
* groan *
"Airy..." tawag ni Roger kay Airy pero sobrang hina na niya.
"Heh. Ang tibay mo talaga."

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon