Eight

4K 132 0
                                    

Sa pagpapatuloy ng kwento.
Lumabas ang isang dambuhalang bestia sa ibabaw nila.
"Sa wakas. Nakita rin kita, Blue. At... may bonus pa. Sinama mo ang Fairy Warrior dito."
"At sa wakas. Nakuha ko na rin ang scarf ko."
"Yan ba ang pinagmamalaki mo?"
"Bakit? May dapat pa ba akong ipagmalaki bukod sa scarf ko?"
"Sige. Hatiin mo ako at—"
SLASH!
Nagkawatak-watak ang katawan ng bestia pagkatapos siyang hatiin ni Blue.
"Blue. Bakit mo ginawa yon?" tanong ni Airy at humarap sa kanya si Blue.
"Bakit naman hindi? Tapos na siya."
"Lalo mo lang pinalala." sabi ni Pipe at itinuro niya ang nasa likod ni Blue.
Muling nabubuo ang bestia ngunit nahahati ito sa lima. Nataranta ang lahat at tinignan ng masama si Blue.
"Okay. Alam kong kasalanan ko. Pero nandito na 'to. Airy. Ikaw na ang tumapos nito. Tutal napatay mo naman yung bestia sa mundo n'yo hindi ba?" sabi ni Blue at ipinapasa niya kay Airy ang espada niya.
"Blue. H'wag mong ipasa kay Airy. Hindi niya pa kaya." sabi ni Pipe habang hawak niya sa braso si Airy.
"Pipe. Kaya ko na. Hahanapin ko na lang yung weak point niya." pagpupumilit ni Airy.
"Hindi. Hindi mo pa kaya. Lima sila at ganon din tayo." sabi ni Pipe.
"Sandali. Lalaban din ako?" tanong naman ni Fade. "Paano?" pahabol niya pa habang pinapakita ang lubid sa kamay niya.
"Ako na ang bahala sa'yo." sagot ni Data.
"So? Ano na ang plano?" tanong ni Blue.
"Walang plano. Humanda na kayo." sabi ni Pipe at humanda na sila.
"Isa ka nga talagang hangal Blue. Hindi mo naisip na maaari akong maging lima." sabay-sabay na sinabi ng bestia gamit ang iba't ibang boses.
"Sabihin mo lang ang mga gusto mong sabihin." sagot ni Blue at isa-isa na silang sinugod ng mga bestia.
Sinubukan ni Airy na hanapin ang kahinaan ng mga bestia habang nakikipaglaban din at nagawa niya ito nang hindi na kailangang pumikit.
Nagslow motion ang lahat. Nakita niya ang mga weak point na tinataglay ng bawat isa sa kanila. Ang puso. Nababalot ng dilaw na magos ang kanya. Asul naman kay Blue. Makulay ang kay Pipe. Asul din ang pumapalibot sa bakal na puso ni Data. Nang magfocus si Airy kay Fade ay puno ito ng usok na kulay kahel. Isang malaking palaisipan kay Airy ang bagay na yon.
Nahanap na rin niya agad ang weak point ng kalaban nila.
Tinira niya agad ang palaso niya sa kanang mata ng bestia na kaharap niya at naglaho agad ito.
"Pipe, sa buntot." sabi ni Airy. Agad itong pinutol ni Pipe at dinurog ang pulang hiyas gamit ang likod ng espada niya.
"Blue, sa lalamunan." at hinati ni Blue ang ulo nito at inapakan ang pulang hiyas na galing sa lalamunan nito.
"Napakadali." pagmamayabang ni Blue.
"Data, kanan at kaliwang binti sa likod." sabi ni Airy habang pinapanood nila si Data.
"Masusunod." sabi ni Data at sabay na umatake ang bestia sa kanya.
Lumapit sa kanila ni Fade ang mga bestia at hinawakan lang ni Data ang kanang likod na binti sa kanyang kanan at kaliwa naman sa kabila.
Nang makuha niya ang pulang hiyas ng mga bestia dinurog niya ito sa kanyang mga palad.
"Pipe. Ayos na. Natalo na naman natin sila." sabi ni Airy at medyo nanghihina na siya.
"Maraming salamat sa magos. Napapakinabangan pala yan." sabat ni Blue at ibinalik na niya ang espada niya sa pagiging scarf at isinabit niya ito sa kanyang leeg.
"Thank you." sabi ni Pipe at bigla na lang napakapit sa braso niya si Airy.
"Airy. Ayos ka lang?" tanong ni Blue.
"Naubusan siya ng magos. Gagamutin ko na lang siya." sabi ni Data.
"H'wag." sabi ni Pipe habang nakahawak pa rin si Airy sa kanya. "Gagamitin mo lang yan kung kinakailangan at kung malala."
"Ayos lang ako." sagot ni Airy.
"Pwede na ba tayong umalis dito?" tanong ni Blue at isinuot na niya ang pulang hood niya. "Madali nilang maramdaman ang magos natin sa gubat."
Nagsuot na rin ng hood ang lahat.
Hawak ni Data ang mga kamay ni Fade para hindi mahalata ng mga tao na isa siyang bihag pero mukhang iba ang ibig sabihin nito kay Fade.
"Sumakay ka sa likod ko." sabi naman ni Pipe kay Airy at ginawa naman ito ni Airy.
Nag-uusap sa kabilang banda sila Blue at Fade.
"So. Ikaw pala, Fade." sabi ni Blue habang nasa gitna nila si Data.
"Huh? Sino ka naman?"
"Ako si Blue. Sinubukan kong iligtas si Aria pero sa sobrang obesses mo sa kanya ay ikinulong n'yo siya sa subterannean at isa pa ikaw ang may gawa nito sa hood ko."
"Eh ano ngayon?"
"At isa pa, muntikan mo na rin akong lunurin. Buti na lang nakatakas ako."
"Drown?" tanong ni Fade sa sarili niya at napatigil din siya.
"Pinapahanap mo nga ako kasi hindi pa tapos ang laban natin."
"Blue, hindi ako yon." seryosong sinabi ni Fade.
"Ikaw yon. Yun nga lang iba ang boses mo."
"Si Queen Fright yon. Ginamit na naman niya ang mukha ko."
"Na naman?"
"Oo. Bakit may paki ka?"
"Eh kung sabihin mo na bago kita tanggalan ng baga?" sabi ni Blue at itinutok niya ang esada niya sa lalamunan ni Fade.
"Oo na. Hindi magaling na tao si Queen Fright pero kaya niyang manggaya." paliwanag ni Fade at nakinig naman sila Airy agad. Nakatayo lang sila sa pwesto nila.
"Hindi ba illusion din ang tawag don?" tanong ni Airy habang nakasaykay pa rin sa likod ni Pipe.
"Hindi. Tawag dun ay duplus o double sabi nga nila sa mundo n'yo." sagot naman ni Data sa tanong ni Airy.
"Tama. At para matalo mo siya, kailangan mo siyang hanapin." sabi ni Fade.
"Saan naman namin siya makikita?"
"Ewan ko. Sa lahat ng oras nagpapalit siya. Pwede siyang maging ako, o ikaw..." sabay tingin kay Blue. "...o kaya ang kapatid ko. Marahil isa siya sa taong malapit sa'yo" sabi niya sabay tingin kay Airy. "...o kaya ang step-dad mo.
"Kilala mo ang ama ko?"
"Oo naman. Una kong nakita sa palasyo si mr. Roger."
"Sabihin mo. Buhay ba siya?"
"Sa totoo lang. Hindi lahat ng tao na galing sa mundo ng ordinaryo ay nabubuhay sa loob ng labing-dalawang(12) araw. Malakas pa naman siya ngayon."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang labing-dalawang ay katumbas ng labing-dalawang taon sa mundo n'yo." paliwanag ni Data.
"Ang sinasabi n'yo, labing-dalawang araw pa lang nung mawala ako?"
"Oo. Pero sa paglaki mo Tumatanda rin kami. Mabagal ang araw sa FairyLand mula nung umalis kayo." sabi naman ni Pipe.
"Masyado nang mahaba ang labing-dalawang araw sa kanya. Kung kinokontrol pa siya ni Queen Fright, maswerte pa siya. Kung hindi naman, baka hindi na siya umabot."
"Blue, nandito ka na pala." sabi nung lalake sa harap nila at napatingin naman sila.
Sino nga ba ang lalakeng iyon? At ano nga ba ang magiging kapalaran niya?
DUPLUS - ibang tawag sa double

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon