Twelve

3.4K 112 4
                                    

Pagkatapos nilang labanan ang mga cougar ay dumiretso sila sa taguan ni Dynn. Naabutan pa nila Pipe sa labas ng taguan ni Dynn sina Data. Nakatago sila sa kanilang prairie wagon.
"Mus! Nasaan ka? Bakit naman di mo pinapasok ang mga bisita?" tanong ni Dynn habang hinahanap niya si Mus sa mga garapong pwede nitong taguan. Si Mus ay isang maliit na daga.
"*Squeek* *squeek*" sabi naman ni Mus paglabas niya sa tumpok ng mga gulay.
"Bakit ka naman natatakot sa kanila?" tanong ni Dynn na parang naiintindihan siya ni Mus.
"Hindi kami pumasok dahil sinabi ko." sabat ni Data.
"*Squeek*"
"Huh? Takot ka sa kanya?" tanong ni Dynn.
"*Squeek*" sabi ni Mus habang pailing-iling. "*Squeek*" sabi niya pa habang tinuturo ang isang tumpok ng gulay na ngayo'y tira-tira na lang.
"Ah. Okay. Naintindihan ko." sabi ni Dynn at humarap na siya kina Data. "Sabi niya, masyado siyang busy para papasukin kayo."
Inilapag nila Data si Airy sa higaan ni Dynn.
"Siya ba ang Fairy Warrior?" natutuwang tanong ni Dynn.
"Oo." sagot ni Pipe habang nasa tabi siya ni Airy.
"Talaga lang ha? Last time na nakakita ako ng mga Fairy Warrior ay sa coronation day ni Queen Fright. Controlled."
"Oo. Palihim na tumakas ang pamilya ni Airy, ang personal guard ng royal family. Nalaman ito ni Fright kaya naman nagpalit siya bilang mama ni Airy at kinuha sa mundo nila ang step dad ni Airy..."
"At dinala dito tama ba?"
"Oo."
"Inaasahan ba niya na makikita niya pa ang step dad niya?" seryosong tanong ni Dynn.
"Anong sinasabi mo d'yan?" tanong ni Blue.
"Oo." sagot ni Pipe.
"Pipe. Alam mo namang hindi magtatagal ang mga ordinaryo dito. Makapasok man sila dito, saglit lang silang mabubuhay. Kung hindi taon, baka buwan o kaya araw o kaya naman oras. Imposibleng buhay pa ngayon yon."
"Pero yun lang ang tanging paraan para makumbinsi ko siyang sumama."
"Pipe, mahal na Prinsepe. Karapatan niyang malaman ang totoo. Kailangan n'yong sabihin yon dahil magiging kahinaan niya yon at hahanapin yon ni Queen Fright para lang matupad ang plano niya sa Fairy Land."
Tumayo si Pipe sa kinauupuan niya. "Naiintindihan ko. Sasabihin ko sa kanya ito pero hindi pa ngayon." sabi niya at lumabas muna si Pipe at pumunta sa prairie wagon.
"Pipe. Ayos ka lang ba?" tanong ni Blue. Pumasok din siya sa loob ng prairie wagon at umupo sa tapat ni Pipe.
"Oo. Bigla ko lang naisip si Airy. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?"
"Malamang natutulog. Duh."
Tinignan lang ni Pipe si Red ng masama. "Seryoso?"
"Biro lang. Syempre walang nakakaalam. Ni hindi ko nga rin alam kung bakit napakalakas ng magos niya. Hindi ba siya marunong magtago non?"
"Hindi pa siya marunong. Kailangan natin siyang sanayin."
"H'wag mo na akong idamay d'yan. Hanggang dito na lang ako. Kakailanganin nila Nico ng tulong ko para sa mga cougar. Baka sumugod sila ulit. Delikado na. Lalo na't may kumukontrol pala sa mga yon."
"Sige. Pinapangako kong ibabalik ko sa'yo ang mga dapat ay sa'yo."
"Salamat. Pero mas gusto ko sanang ikaw na ang mamuno sa Fairy Land pagkatapos ng gulong ito."
"Heh. Sino pa bang susunod? Ako na lang din naman ang natitira sa angkan namin."
"Oo nga naman."
*Grumbled*
Napatingin sa labas ang lahat ng tauhan—pwera si Airy kasi tulog siya—at nakita ang langit na may hugis mukha at ito'y nagsalita.
"Ha ha ha ha ha! Nagtatago kayo sa akin? Akala n'yo ba hindi ko alam kung nasaan kayo? Heh. Pagsapit ng ikatlong bilog na buwan, ako na ang magiging makapangyarihan sa lahat. Humanda na kayo. Muhahahahahah. *cough* *cough* Tubig nga. Nasamid ako.*slurp* *gulp* Muhahahaha. Humanda ka Pipe. Mahal kong pamangkin." sabi nung ulap at bumalik na sa dati ang lahat.
Nakatingin pa rin si Pipe sa langit. Nag-iisip. "Ah. Ngayon ang unang bilog na buwan. Ibig sabihin may dalawa nablang na natitira."
"Pipe. Nakikinig ka ba? Kailangan n'yo ng umalis." sabi ni Dynn. Napatingin naman sa kanila si Pipe at pumasok na sila sa loob ng taguan ni Dynn. Nakita niya si Data na kumikislap ang mga joints niya sa itaas na bahaging katawan niya.
"Data. Anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Fade habang nakahawak sa kanya si Data.
"Hao evr iqp jsv yat jwr qpd gan stri gshw uwg auw gavay wow hah wyq" sabi ni Data at agad itong tumigil. "Nahirapan akong malaman ang ibang impormasyon tungkol kay Queen Fright."
"May nakuha ka ba?" tanong ni Pipe at bumaba siya sa sasakyan.
"Si Queen Fright. Isa sa kanyang magos ay pagpapalit ng anyo ng tauhang gusto niya." na paliwanag ni Data.
"May makakatalo ba sa kanya?"
"Meron. Matatalo siya ni Airy gamit ang weapon niya."
"Imposible yon. Kung ordinaryo lang yon, wala siyang laban kay Fright." sabi ni Blue.
"Meron. Matatalo lang ang isang invader kung Fairy Ring ang gagamiting pantalo sa kanya." dagdag niya pa.
"Fairy Ring ang hawak ni Airy?"
Bigla na lang may sumabat kanilang usapan. Isang babae na nakablack hood. Mula sa kanilang likod. "Matagal na panahon na ang lumipas ng mabuwag ang Fairy Ring. Isa ay napunta kay Queen Cheer. Sa mama mo Pipe. At ang iba ay nawawala pa rin hanggang ngayon. Binigay ng reyna ang Fairy Ring sa mama ni Airy at pinili naman nito si Airy kaya naging wooden bow-and-arrow ang Fairy Ring." sabi nito at tinanggal niya ang kanyang hood.
"Bloom?" tanong ni Pipe.
"Kamusta? Mahal na prinsepe." sabi ni Bloom at nag-bow siya, tanda ng paggalang.
Si Bloom ay may pink na buhok, kulot ang dulo ng buhok niya, kasing-edad ni Pipe, nakabihis na parang maharlika. Kasing tangkad ni Airy at violet ang mata.
"Bloom Care. Twenty two years old. Kaya niyang kontrolin ang mga bagay. Magaling sa espada. May isang espada. Prinsesa sa Kanluran at kaibigan ni—"
"Tama na. Okay na yon." sabi ni Bloom pagkatapos niyang putulin ang pagsasalita ni Data.
"Ikinagagalak po namin kayong makilala." sabay-sabay na sinabi ng lahat.
"Ahahaha. Hindi n'yo na kailangan maging pormal. Tawagin n'yo na lang akong Bloom. Mas gusto ko yon."
"Bloom. Bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Pipe.
"Para tulungan kayo. Pati ang Kanluran naaapektuhan sa nangyayari sa Hilaga. Yun kasi ang sentro kaya lahat naapektuhan na. Pipe. Nasaan si Airy? Kailangan niyang labanan si Fright."
"Natutulog siya."
"Ano?! Natutulog siya sa ginta ng kaguluhan?"
"Isa sa magos niya yun."
"At hindi pa siya gumigising? Kailangan na niyang gumising. Gisingin n'yo na!" utos ni Bloom at niyugyog nila Data si Airy.
"Hoy! Itigil n'yo yan!" utos naman ni Pipe.
Bigla na lang umulan sa labas ng taguan.
"Umalis na lang kayo pagkatapos ng ulan. Delikado sa daan." sabi ni Dynn at sumunod naman sila.
Matapos ang ilang araw ay nagsimula na silang maglakbay. Sino nga ba ang kanilang susunod na makikita? Kalaban kaya o kakampi?

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon