Thirty Four

1.9K 71 3
                                    

"Pipe sa likod mo!" sigaw ni Airy habang nakikipaglaban din sa mga sumusugod na bestia sa kanila.
"Airy!" sigaw naman ni Drown at humarang siya sa harap ni Airy at tinanggap ang kalmot ng bestia.
"Wala na kayong magagawa pa. Nandito ako para maghari. Konting panahon na lang at mapapasa'kin na rin ang buong Fairy Land." sabi ni Queen Fright habang nakatayo pa rin siya sa harapan ng trono at nasa tabi niya ang isang malaking hourglass.
"Risk. Mag-concentrate ka." sabi ni Kill sa kanya at nakipaglaban nga siya gamit si Season.
"Wala na ba tayong ibang paraan?" tanong naman ni Fade sa gilid ni Drown.
"Isa lang ang nakikita kong solusyon." sabi naman ni Data at pinoprotektahan niya si Fade sa mga gustong manakit sa kanya.
"Ano yun?" tanong ng lahat maliban kay Risk na noo'y nakikinig lang sa kanila.
"Kailangang tawagin ni Airy ang mismong nagbabantay sa fairy ring na hawak niya."
"Yun na lang ba ang paraan?" tanong ni Airy.
"Yun na lang."
Walang pagdadalawang-isip na ginawa ni Airy ang biglaang pagtawag sa fairy ring.
"Fairy ring, Wood. Tinatawag kita ngayon sa aking harapan. Lumabas ka!" sigaw ni Airy at bigla na lang siyang nawalan ng malay.
"Airy!" sigaw ni Drown at sinalo niya si Airy mula sa pagkakabagsak.
"Airy h'wag!" sigaw ni Risk pero huli na siya dahil nakalaya na si Wood sa pagkakakulong niya sa weapon na yon.
"Sugudin mo na si Fright." utos ni Pipe pero nakaharap sa kanya si Wood.
"Heh. Bakit naman kita susundin? hindi mo ko pagmamay-ari."
"Heh. sugudin mo na sila, Wood." utos naman ni Queen Fright sa kanya.
Medyo nainis naman si Wood dahil sa dami ng nag-uutos sa kanya.
"Tumahimik ka!" sigaw ni Wood at pinana niya si Queen Fright sa dibdib.
"Traydor ka." sabi ni Queen Fright at napaluhod siya.
"Tama ang ginawa mo Wood." sabi naman ni Pipe.
"Hindi ko kayo kailangan." sabi ni Wood. "Ako ang maghahari sa lupaing ito." at hinampas niya ng malakas si Pipe. "... at ako lang."
"Ano bang problema mo? Bakit mo ginawa yon?" tanong naman ni Drown na noo'y nasa tabi ni Airy.
Maya-maya pa ay lumipad si Wood at ipinagaspas ang kanyang mga pakpak at inilayo niya ang lahat kay Airy.
"Hindi ito maari." sabi ni Risk sa kanyang sarili matapos siyang maihampas ng hanging galing kay Wood papunta sa pader at ganon din ang iba.
Nakita niyang gumagapang papunta kay Airy si Drown. Dumudugo ang kanyang tagiliran dahil tumama siya sa bakal malapit sa bintana.
"Hindi kayo kailangan ni Airy." sabi ni Wood at isa-isa niyang pinaulanan ng palaso sila Risk.
Himala namang nailagan ni Risk ang palaso pero natamaan siya ng bahagya sa braso at napahiga sa sahig. Hindi niya mapigilang maskatan dahil nakikita niyang wala nang buhay ang mga kaibigan niya at nasa mahimbing na pagkakatulog si Airy.
"Heh. Oras na para ikaw naman ang mamatay." sabi ni Wood.
*SNAP*
*GASP*
"Anong nangyari dito?" tanong ni Airy.
Isa-isa niyang tinignan ang mga wala nang buhay niyang kaibigan hanggang sa nagpunta siya kay Risk.
"Risk." tawag ni Airy sa kanya nang malaman niyang tumitibok pa ang puso niya.
"Airy. Tumakbo ka na." sabi ni Risk pero hindi siya naririnig ni Airy.
"Risk." tawag niya ulit.
"Risk."
"Risk!" sigaw niya at pinakawalan na ni Wood ang palasong nakalaan para kay Airy.
* GASP *
"Risk. Ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni Airy sa kanya pagkagising niya.
Tinignan ni Risk ang paligid niya at lumuwag ang loob niya na isa lang palang bangungot ang nangyari.
Agad niyang niyakap si Airy. "Airy. Akala ko nawala na kayong lahat. Akala ko natalo na tayo."
"Ano bang nakita mo sa panaginip mo?" tanong pa ni Airy.
"Airy, ipangako mo sa 'kin na hinding-hindi mo tatawagin si Wood, ang Fairy Ring mo."
Nagkatinginan ang lahat sa sinabi ni Risk.
"Bakit hindi? Kung makakatulong siya sa'tin?"
"Hindi pwede dahil siya ang dahilan kung bakit tayo matatalo."
"Risk, makinig ka sa 'kin. Hindi hawak ng magos mo ang kapalaran ko." sabi ni Airy at tumayo siya sa kinauupuan niya. "Ako ang gagawa ng sarili kong hinaharap, hindi ikaw. Hindi ang magos mo."
Tumayo na rin si Risk sa kinauupuan niya. "Makinig ka sa 'kin. Mamamatay tayo kung hindi mo pipigilan ang hinaharap mo."
"Risk. H'wag mo nang ipilit ang opinyon mo dahil hindi ako makikinig." sabi ni Airy. Napansin naman niyang nawawala si Season at ganon din ang ibang weapon nila.
"Walang magagawa ang paghahanap n'yo kay Season. Marahil kinuha na siya ni Queen Fright. Tama yan para hindi na matuloy ang hinaharap."
"Talagang mas mahalaga pa sa'yo ang hinaharap kaysa ang mahanap si Season. Anong klase kang kaibigan?"
"Gusto ko lang kayong protektahan."
"Hindi ko kailangan ng proteksyon mo. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya na namin ang sarili namin. At kung may kailangang iligtas, ikaw yon. Kinakain ka na ng kahibangan mo."
"Airy, nagmamakaawa ako sa'yo. Makinig ka sa 'kin."
"Tama na yang pagtatalo n'yo. Hindi makakatulong yan sa 'tin. H'wag na lang kayong mag-usap at hanapin na lang natin si Season." sabi ni Pipe pero bago pa masabi ni Risk ang kanyang sasabihin ay dumating na ang mga kalaban.
"Walang kikilos. Hinuhuli namin kayo sa salang pagpatay."

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon