Twenty One

2.3K 86 2
                                    

"Pipe. May problema tayo." sabi ni Data nung madetect niyang illusion na si Drown.
Narinig naman sila nila Airy kaya pumasok sila sa loob. Bumangon na rin si Bloom mula sa pagkakahiga.
"Anong problema?" tanong ni Pipe.
Napansin naman agad yon ni Fade. "Hindi na yan si Drown. Gising na siya." sabi niya at lumabas silang lahat mula sa prairie wagon.
"Nasaan na siya?" tanong ni Airy habang nagmamatyag sa paligid.
"Baka nasa malapit lang siya." sabi naman ni Bloom.
"Nasa malapit lang talaga siya. Sabi nga ni Eeast diba? Hindi siya titigil hangga't wala siyang napapatay." sabi naman ni Fade.
*Clatter*
*Rustle*
*Rustle*
Naging alerto ang lahat nung makarinig ng hinulog na armas at kaluskos ng mga damo. Maya-maya pa sa liwanag ng buwan ay lumabas si Drown na may hila-hilang itak.
"Teka. Saan galing yung ax niya?" tanong ni Bloom.
"Baka may sorcerer sa paligid at kinuha niya yan." sagot ni Airy.
"Drown. 18 years old. Magos niya ang illusion at ang paggawa ng sarili niyang armas. Skills, hindi pa masyadong bihasa. Weapon, itak at Position niya ay illusionist at peasant. Bukod sa narinig ko kay Fade wala na siyang ibang impormasyon na dapat kong sabihin." sabi ni Data.
"Okay. Anong sinabi ni Fade?" tanong ni Airy.
"May oras pa ba tayo sa tanungan?" tanong naman ni Pipe.
"Oh hindi. Malaking problema 'to. Kontrolado siya ni Queen Fright." sabi ni Fade at tumakbo na si Drown papunta sa kanila.
"Tumabi na kayo." sabi ni Pipe at inilabas na niya ang dalawang espada niya at humanda na.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Fade.
"Subukan nating tanggalin ang hypnosis sa kanya."
"Paano?" tanong ni Airy.
"Sumubok kayo ng mga paraan na alam n'yo." sabi ni Pipe at sinugod siya ni Drown mula sa taas.
Naglaban sila. Lakas sa lakas pero hindi makahanap si Pipe ng butas. May nakita siyang kakaiba sa mata ni Drown. Patuloy lang sila hanggang sa si Pipe ang nahanapan ng butas ni Drown. Sinipa siya ni Drown sa tiyan at tumalsik siya sa may puno.
"Pipe!" sigaw ng lahat.
Sunod namang nakipaglaban si Bloom. Halos lahat ng bagay na malapit sa kanya ay pinapalipad niya at pinapatama kay Drown. Nung hinangin ang buhok ni Drown na mahaba ay nakita niya rin ang nakita ni Pipe at hinampas lang siya ni Drown gamit ang pisngi ng ax niya. Tumalsik siya sa kabilang bahagi sa tapat kung nasaan si Pipe.
Agad siyang nilapitan ni Fade. "Bloom."
"Ayos lang ako. Labanan mo na siya." sabi ni Fade pero bago siya tumayo sa pwesto niya ay umatake si Drown sa kanila. Buti na lang ay naiwasan nila ang tira niya. Itinabi nila si Bloom kay Pipe.
Sunod namang umatake si Data. So far siya pa lang ang nakakatagal sa laban kay Drown pero napapansin niya ang pagbabago ng sistema ng katawan niya. Katulad na lang ng pagdurugo niya kapag natatamaan sa ibang parte ng katawan. Napansin niya ang mata ni Drown at ito ang dahilan kung bakit siya nawalan ng pokus at tumalsik.
Lumaban si Fade sa kanya pero dahil laging nanghihina ang katawan ni Fade ay madali siyang napatumba ni Drown. Napansin niya rin yung mata ni Drown. Hindi 'to katulad ng dati.
Sa malayo, nakapwesto na si Airy. Aatakihin na ni Drown si Fade. Nakataas na ang ax nito at handa ng tumama kay Fade.
Foooook!
Mabilis ang pagbaybay ng palaso na pinakawalan ni Airy at tumama yon sa hawakan ng itak ni Drown.
"Kainis. Dapat mismong kamay niya ang tamaan ko. Pero ayos na rin yon at least nakuha ko ang atensyon niya." sabi ni Airy at hinanda niya na ang susunod niyang ititira.
Tumingin sa kanya si Drown at nakita niya ang mata nito. Hindi siya normal. Itim lang ang buong mata niya na kagaya nung makita niya yung mata ni Queen Fright dati.
Kahit ganon ay hindi siya nasindak at tumira ulit dahil bumabalik ulit yung mga ax na pinuputol niya. Maya-maya pa ay naubos na rin ni Airy ang palaso.
"Hoy. Drown. Maglaban tayo. Kamao sa kamao." sabi niya at ibinaba naman ni Drown yung hawak niyang itak. "Shoot. Kumagat siya."
Patuloy lang sa pagsugod si Drown. Yung ibang suntok, tumatama kay Airy. Yung iba naman sa mga dinadapuan niyang bagay o puno ay bigla na lang nagiging pulbo.
"Uhm... Fade. Ganito ba lagi ang kapatid mo? Parang hindi ko naman siya nakilala na ganito." tanong ni Airy. Halos bugbog na ang katawan niya.
"Hindi ko rin alam yan Airy. Bantayan mo siyang mabuti Airy." sabi ni Fade.
"Bakit ngayon mo pa sinabi yan? Kung kailang inaatake niya ko?"
"Ibig sabihin ko, bantayan mo ang mga kilos niya."
Bigla na lang naglabas ng ax si Drown at bumwelo.
"Oookaaay. Paborito niya talaga ang mga ax." sabi ni Airy.
"Shoot. Aabot pa ba ko? Kailangan ko." sabi ni Fade sa isip niya at tumayo na siya.
"Fade. H'wag mong gawin yan." pagpigil naman ni Pipe pero hindi nakinig si Fade at tumakbo pa rin siya kay Airy.
"Aabot pa ako." sabi niya.
"FADE!!!!" sigaw ng lahat.
*K-chack!*
Tinamaan si Fade sa mismong dibdib. Tumakbo naman ang lahat papunta kay Fade at sinalo ni Data si Fade. Bigla namang napaatras si Drown at binitawan ang ax na hawak niya at bumalik na rin ang tunay na kulay ng mata niya.
"Fade?" tanong niya.
Tumayo naman si Airy sa harap niya. "Drown? Ikaw na ba yan?" tanong niya pero bago pa man makasagot si Drown ay natumba siya papunta sa balikat ni Airy at bumagsak din sila.
"Fade. Kumapit ka. Gagamutin kita. Please, h'wag muna ngayon." sabi ni Data at sinusubukan niyang paganahin ang magos niya pero kumikislap siya.
"Shh. Data. Hindi mo na kailangang gawin yan." sabi ni Fade at hinawakan niya ang kamay ni Data.
"Ano bang sinasabi mo? Gagamutin kita."
"H'wag. Kailangan mo yan para labanan si Queen Fright. Besides, nasa Fairy Land tayo. Lahat pwedeng mangyari." sabi niya habang dumadanak ang dugo sa paligid nila ni Data.
"Fade, nagmamakaawa ako. H'wag mo muna akong iwan." sabi ni Data pero walang lumalabas na luha sa mga mata niya.
"Hindi kita iiwan. Nasa tabi mo lang ako lagi." sabi ni Fade at unti-unti na siyang nawawala. Simula sa paa pataas. Naglalaho siya na parang usok. "Pa…a…lam Dat…a." sabi ni Fade at tuluyan na siyang naglaho kasabay ng malamig na hangin ng gabi.
"FAAAAAAAAAAAADE!" sigaw ni Data at bigla na lang siyang napalibutan ng asul na magos at unti-unti rin nagliliwanag ang buong katawan niya.
Umiiyak na rin si Bloom at Airy. Hindi rin nila matanggap na nawala si Fade ng ganon lang. Gusto nilang sisisihin si Drown pero hindi nila kaya dahil kinontrol lang naman siya.
Napansin naman ni Pipe ang buwan na bilog na at nakatapat na ito sa dead end. "Kailangan na nating umalis." sabi ni Pipe at pinasakay na niya sila Airy sa prairie wagon.
"FAAAAAAAAAAADE!" sigaw pa rin ni Data. Huminto na ang pagliwanag niya.
"Data. Kailangan na nating umalis." sabi ni Pipe at nung hawakan niya si Data ay hindi na malamig ang kanyang balat.
"Pipe. Kaya ko pa bang lumaban?" tanong ni Data.
"Mamaya na natin yan sagutin. Wala na tayong oras." sabi ni Pipe at hinatak na niya patayo si Data at sumakay na rin sa prairie wagon.
Nakatawid na sila sa susunod na city. At hindi rin inaasahan ang nangyayari kay Data ngayon. Lahat nga talaga ay posibleng mangyari pero posible kayang matalo nila si Queen Fright? Lalo na't nabawasan sila ng isa?

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon