"Pipe. Saan ang daan papunta sa dais?" tanong ni Airy. Nakapasok na sila ngayon sa loob ng palasyo.
"Dito. Sumunod kayo." sabi ni Pipe at sumunod naman sila.
"Fade!" sigaw ni Helium mula sa likod nila.
Lumingon naman silang lahat. Mag-isa lang si Helium pero alerto pa rin ang lahat.
"Ako na ang bahala dito. Magkita na lang tayo kung nasaan si Queen Fright." sabi ni Fade na merong galit sa emosyon niya.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Airy.
"Sasamahan ko siya." sabi ni Data at humarang na sila sa daanan at tumakbo naman sila Airy.
"Fade. Hindi ko gustong gawin 'to. Maniwala ka." sabi ni Helium at bigla na lang lumabas ang mga bestia na kasama na niya pala magdamag.
"Traydor." sabi ni Fade at sumugod na rin siya.
Tuloy ang paglaban nila sa mga bestia ng biglang dumating ang ibang martial.
"Anong nangyayari? Bakit dumadami sila?" tanong ni Fade kay Data.
Bigla na lang nag-process ang utak ni Data sa mga nakukuha niyang impormasyon.
"Ginawa sila ni Queen Fright. Galing sila sa... mga taong nawala na." sabi ni Data habang nakikipaglaban.
"Hindi kita maintindihan?"
"Nagbalik ang mga namatay sa katawan ng bestia. Ginamit ni Queen Fright ang kapangyarihan niya para mangyari yon."
"HAAAAAAAAAA!" sigaw ng isang martial sa likod ni Fade. Masyadong malayo si Data para saluhin ang atake nung martial pero bago pa man matamaan si Fade ay tinulak siya ni Helium.
Chak!
Natamaan si Helium sa mismong puso pero kinaya niya pang protektahan ang dalawa mula sa mga sumugod na bestia.
"Umalis na kayo." sabi ni Helium habang hawak ang espada na nakabaon sa puso niya.
"Helium." mahinang sinabi ni Fade.
"Fade, tara na." pag-aaya naman ni Data.
"Helium. Hindi." sabi ni Fade habang pinipilit niyang puntahan si Helium.
"* cough * * cough * Umalis na kayo!" sigaw niya at kasabay non ay naglaho siya kasabay ng hangin.
"Hindi." sabi ni Fade at nangingilid na ang luha niya.
"Fade. Tara na. Wala na tayong oras." sabi ni Data at binuhat na niya si Fade dahil may mga bestia siyang nararamdaman sa paligid.
* * *
* roar *
"Season." tawag ni Risk sa bestia na kaharap niya.
"Risk. Hindi siya yan." sabi ni Kill at humarang siya sa harapan ni Risk.
"Siya yan. Nasisigurado ko sa'yo yon." pagpupumilit ni Risk.
"Airy. Umalis na kayo. Kami na dito." sabi ni Kill at umalis na sila pagkatapos ng kaonting minutong pagpupumilit.
"Season." sabi niya at in-spread niya ang mga kamay niya para yakapin si Season.
Maya-maya pa ay nag-iba na siya ng anyo. Nagpalit siya bilang si Ice.
"Risk. Kaya mo bang sumama sa'kin?" tanong ni Season.
"Ma?" tanong ni Risk at humarang si Kill sa harapan niya. "Sandali. Mama. Bakit si Season kayo?"
"Risk. Sumama ka na sa'kin, alam mo na ang mangyayari sa inyo kaya umalis ka na dito kasama ko." tanong ulit ni Season.
"Risk. Humawak ka lang sa'kin. Hindi kita hahayaang makuha nito." sabi ni Kill at hinawakan niya si Risk sa kaliwang kamay at hawak niya naman ang espada niya sa kanang kamay niya.
"Kill." tawag ni Risk sa kanya. Napatingin naman si Kill sa kanya dahil hindi naman siya tinatawag ni Risk na walang kuya. "KUYA Kill pala." pahabol niya pa sabay tingin sa ibang direksyon.
"Risk. Patay na si Ice at inutusan niya akong hanapin ka." sabi ni Season at bumalik na siya sa dati niyang anyo.
Nagulat naman si Risk sa sinabi niya.
"Hindi totoo yan. Buhay pa si mama." sabi ni Risk at lumakad siya papunta kay Season. Hinawakan siya ni Kill para hindi pumunta kay Risk pero tumingin sa kanya si Season at sinabing : ayos lang. Magtiwala ka sa'kin. gamit lang ang mga mata niya kaya bumitaw na si Kill at hinayaan siyang pumunta doon.
"Risk. Kailangan mong tanggapin na wala na si Ice dahil yun ang kapalaran niya. Hawak niya at ginusto niya ang kapalaran niya."
Hindi na pumiglas pa si Risk sa sinabi ni Season.
"Sabihin mo sa'kin kung anong kailangan mo." sabi ni Risk.
"Kailangan kita ulit. Dahil habang tumatagal na walang may hawak sa akin, ganon din ang tagal ng magos ko na gusto nang sumira sa kasunduan natin." sabi ni Season at iniabot niya kay Risk ang palad niya. "Hawakan mo lang ako at babalik na ako sa'yo." sabi ni Season.
Hindi man maintindihan ni Risk ang ibig niyang sabihin ay nagawa niya pa rin hawakan si Season at bigla na lang silang nagliwanag.
"Tanggapin mo ang kapalaran mo." sabi ni Season bago siya bumalik kay Risk.
* * *
Matapos umalis ni Airy at Pipe ay naiwan si Drown at Bloom kasama ng mga bestia.
"Ayos lang ba na iniwan natin silang dalawa?" tanong ni Bloom kay Drown habang ginigilitan ang mga bestia.
Nagulat naman si Drown at nawalan ng pokus sa paglaban. Unang pagkakataon niya na maipakitang matapang siya. Agad siyang lumingon kay Bloom at sinaksak ang bestiang aatake sa kanya.
"Bloom. H'wag ka munang mag-isip ng ganyan. Mas mabuti pang talunin muna natin sila at saka natin yan pagtuunan ng pansin." sabi ni Drown habang nakikipaglaban.
"Bakit ang matured mo pagdating kay Airy?"
"Dahil alam ko namang hindi niya ako gusto at naiintindihan ko yon. Dapat ganon ka rin pagdating sa nararamdaman mo kay Pipe."
"Tama ka." sabi ni Bloom. "Kailangan nating matapos 'to bago pa mahuli ang lahat." sabi ni Bloom at nagngitian ang dalawa.
* * *
"Airy, dito." sabi ni Pipe.
Nagtago sila sa likod ng isang malaking pader. Itinago nila ang magos nila para hindi mapansin ng mga bestia pero napansin pa din sila ng isang bestia at lalo pa nilang isiniksik ang mga sarili nila sa sulok ng malaking pader.
"Airy. Naririnig mo ba ako?" tanong ng isang boses na napakalapit sa puso niya.
"Mama?" tanong niya. Lalabas na sana siya sa pinagtataguan nila nung pigilan siya ni Pipe.
"Airy. Anong sinasabi mo?" bulong ni Pipe sa kanya.
"Si mama. Narinig ko si mama."
"Imposible yon. Patay na si Song."
"Pero narinig ko siya."
"Anak. Ako 'to ang mama mo." sabi pa nung boses.
Sumilip naman si Airy sa direksyon ng bestia at nalinawan siya sa kanyang nakita.
"Mama."
Dais - lugar kung saan makikita ang trono ng mga hari't reyna.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...