"Matulog ka muna." sabi ni Pipe. Pinalo niya ang batok nito at sinalo.
"Bakit mo ginawa yon?" gulat na tanong ni Airy.
"Baka kailanganin natin siya." sagot pa ni Pipe at ibinigay niya si Fade kay Data.
"A-anong gagawin ko sa kanya?" tanong ni Data habang hawak niya si Fade.
"Itali mo sa kamay, pagkatapos sa braso."
"Bakit hindi pa natin siya tapusin?" tanong ni Data habang ginagawa ang sinabi ni Pipe.
"Nakikinig ka ba sa'kin kanina?"
"Ah. Oo. Sabi mo baka kailanganin natin siya."
"At isa pa. Hindi natin gawain na pumatay ng kapwa natin."
"Good point." sabi naman ni Airy.
Umupo sila sa ilalim ng isang malaking puno at doon muna magpapalipas ng gabi.
"Airy. Bakit wala ka nang pana?" tanong ni Pipe habang nakikinig lang si Data.
"Huh? Natural naubos."
"Kung maubos man ang kanyang pana. Pwede siya ulit gumawa at ito'y magiging makapangyarihang muli." sabat naman ni Data.
"Paano naman?" tanong ni Airy na halatang nakikinig sa payo ni Data.
"Simple lang. Ilagay mo lang ang mga gawang pana sa lalagyan nito. Magkakaroon ito ng magos pag tinira."
"Kung ganon. Hahanap na ako ng mga magandang kahoy." sabi ni Airy at tumayo na siya.
"Teka. Sasama ako." sabi ni Pipe at tumayo din siya. "Data. Bantayan mong maigi yan ha. H'wag mong pababayaan. Babalik kami agad."
"Masusunod."
Pag-alis nila ay nagising naman si Fade.
"A-anong ginagawa ko dito?" tanong ni Fade.
"Kinuha ka namin para sa isang dahilan." sabi ni Data habang nakaupo sa harap ni Fade.
"Bakit? Sana pinatay mo na lang ako."
"Yan din ang sinabi ko kanina pero hindi nakinig si Pipe."
"Ang sama." kinagat ni Fade ang ibabang bahagi ng labi niya.
"Kaaway ka. Hindi ka mapagkakatiwalaan."
"Kaya kong gumawa ng illusion."
"Ngayon? Hindi tatalab sa'kin yan."
"Ah talaga? Bakit?"
"Bakit kailangan kong sagutin yan? Kaaway ka nga di ba?"
"Ang sungit. Dalhin mo nga ako sa may tabing-ilog."
"Bakit ko gagawin yon?"
"Kasi naiihi na ako."
"Umihi ka d'yan."
"Dali na!" sigaw ni Fade habang sumisipa-sipa.
"Oo na." sabi niya at tinanggal niya ang pagkatali sa braso nito at iniwan lang ang tali sa kamay. "Para makagalaw ka."
"Hmp. Hindi naman ako tatakas. Kung gagamitin n'yo ko laban kay Queen Fright, edi sige. Kung umabot kayo ng buhay. Madaming nagbabantay sa inyo." sabi ni Fade habang naglalakad sila papunta sa tabing-ilog.
"Bilisan mo d'yan. Baka bumalik na sila Pipe."
"Oo na. Sungit."
Maya-maya pa ay lumuwag yung tali na hawak ni Data kaya nataranta siya. "Fade nandyan ka ba?" tanong niya pero walang sagot.
Lumapit siya sa may tabing-ilog. "Fade?" tawag niya dito.
"Boo! Akala mo nakawala ako noh?" sabi ni Fade paglabas niya sa gilid ng puno.
"Nakakatawa. Halika na." sabi niya at binuhat nya si Fade na parang sako ng bigas.
"Oy. Ibaba mo ko. Maglalakad nanlang ako."
"Hindi. Baka gumamit ka ng illusion at makatakas ka pa."
"H-hindi ah. Maglalakad na lang ako."
"H'wag na."
Sa kabila namang banda, naghahanap naman sila Airy ng kahoy na pwede niyang gamitin para sa pana niya.
"So. Prinsepe? Ang galing ah. May kaibigan akong prinsepe."
"Ayoko kasing igalang n'yo ako na parang hindi ko kayang makisabay sa inyo."
"Wow. Ang lalim mo ha."
"Hindi ba't tama ako? Sabi nila. Hindi dapat tratuhin ang prisepe at prinsesa na akala mo kalebel mo sila."
"May point ka d'yan. Kahit sa mundo namin hindi pantay ang mayaman at mahirap."
"Nakakaalala ka na ba?" tanong ni Pipe habang patuloy sila sa pagpulot ng magagandang kahoy.
"Nakakaalala? Wala pa. Siguro ang kailangan ko lang malaman ngayon ay kung paano napunta si Papa dito."
"Hahanapin natin ang mga dating tumulong sa'yo. Sila ang nakakaalam."
"Siguro nga. Tara. Bumalik na tayo." at naglakad na sila pabalik.
"Airy. Tanggap mo na ba kung sino ka? Kung ano ka?"
"Ha? Syempre naman. Bakit?"
"Wala lang."
Agad silang naglakad pabalik sa pwesto nila dala ang mga nakuha nilang magagandang kahoy.
"Oh. Bakit wala sila Data dito?" sabi ni Airy pagdating nila.
"Baka naman nandyan lang yon."
"Oo nga. Di naman siguro makakatakas yon."
Nakabalik naman na agad sila Data.
"Pasensya na. Kailangan niya kasing umihi." sabi ni Data at dahan-dahan niyang inilapag si Fade sa gilid.
"Bakit di ka na lang umihi d'yan?" tanong naman ni Pipe.
"Hmp. Magsama kayo ni Sungit." sabi ni Fade at humarap siya sa kabilang direksyon.
"Huminahon nga kayo sa pang-aasar kay Fade. Data. May pagkain pa ba? Yung mus?"
"Bakit? Anong gagawin mo?" tanong ni Data.
"Ha? Kakainin." sagot ni Airy.
"Kung ipapakain mo sa kanya. Hindi namin ibibigay." sabat naman ni Pipe.
"Huh? Bakit naman? Ang sama n'yo naman. Para sa isang prinsepe, hindi magandang di ka mamigay ng pagkain."
"Airy, kaaway siya. Hindi natin siya kailangang tratuhin na parang isa siya sa'tin." sabi ni Data.
"Uhm. Data. Isa pa rin siya sa'tin." sabi ni Airy habang nasa harapan ni Fade. "Tsaka kamukha niya si Shaina."
"Airy. Tama na yan." sabat naman ni Pipe.
"Fine. Pakainin n'yo rin si Fade. May karapatan ang bawat tao na kumain."
"Salamat." sabi ni Fade kay Airy.
"H'wag ka munang magpasalamat. Di ka pa nila binibigyan." sabi ni Airy at umayos na siya ng higa.
Tinitigan lang sila ni Fade habang natutulog. Gusto niya rin sanang mawala na lang bigla pero alam niyang magkikita pa rin sila.
* * *
Kinabukasan ay muli na naman silang naglakbay.
"Saan ba kayo pupunta?" tanong ni Fade habang buhat siya ni Data na parang sako.
"Hanapin muna natin ang daan palabas bago tayo magsimula." sabi ni Pipe.
"Oo nga pala. Sabi ni Blue, puntahan daw natin si Salt."
"Malayo pa ang city ni Miss Salt. Pangalawa pa mula sa kinatatayuan natin papuntang Hilaga." sabi ni Data.
"Ano nga bang magos ni Salt?"
"Skills lang ang meron sa ibang mga taong nakatira dito sa FairyLand at isa rin siyang imigrante katulad ko" sabi ni Pipe habang patuloy pa rin silang naglalakad.
"Data. Anong skills ni Salt?"
"May hawak siya ngayon ang vondr ng parang katulad ng mga Fairy Sorcerer. Other information about Salt is forbidden. Pwera na lang kung pumayag siyang ibigay ko sa inyo yon."
"Ah. H'wag na."
Maya-maya ay may kumaluskos sa may kanan nila kaya naman humanda sila sa pagsugod.
"Ahhhh!" sigaw nung lumabas sa halamanan at natumba sa harap nila. Marami siyang galos at madumi ang damit niya.
"Blue?" tanong ni Pipe at ibinaba na nila ang mga weapon nila.
Humarap naman sa kanila si Blue. "Oh. Mahal na prinsepe. Wrong timing ang pagkikita natin ngayon."
"Blue. Marami nga palang salamat sa pagliligtas mo kay Airy." sabi pa ni Pipe.
"Oh no. Kaya pala minamalas ako. Nandito ka pala." sabi niya kay Airy.
"Hmp. Ako naman ang tumalo sa bestia na yon eh."
"Oo. At saktong hinahabol ako ulit ng isa."
"Oo nga pala Blue." sabi ni Airy at inilabas ang scarf ni Blue. "Alam kong kailangan mo 'to." at ibinigay na niya ang scarf nito.
"Buti na lang naisipan mong ibigay sa'kin yan dahil ilang araw na akong pinagtitripan ng mga bestia dito." sabi niya at ginawa na niyang espada ang scarf niya. "Si Fa—"
*RARW*
Bigla na lang lumitaw sa ibabaw nila ang isang dambuhalang bestia.
Matalo kaya nila ang bestia na yon? O sila ang matalo nito?
VONDR - origin of the word Wand
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasiaSi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...