"Sa tulong ng mahal na Prinsesa. Yung ate mo." sabi ni Airy at bigla na lang lumabas ang si Prinsesa Voice sa gilid niya.
"Hi. Kamusta?"
* * *
"Ate? Ang daya naman. Kaya pala alam niya yung sinasabi ko eh." reklamo ni Pipe.
Si Prinsesa Voice ay nasa late-20's na siya, payat, brown ang buhok na abot hanggang sa bewang, hazel brown ang mata, napakaganda ng ngiti, maganda ang kamay, at makinis ang mukha.
"Hihi. Pero hindi ko sinabi yung sinabi mo kanina." sabi ni Princess Voice habang tinatakpan ang bibig niya.
"Pagmasdan mo Airy kung gaano niya sila kasaya." sabi nung boses kay Airy.
Bumalik sila sa panahong buhay pa ang buong pamilya ni Pipe.
"Sino ka ba? Sabihin mo naman sa'kin." sabi ni Airy at itinuro lang nung babae si Pipe.
"Huh? Ate, tigilan mo nga yan."
"Bakit naman? Hindi ba-"
"Uy. Anong pinag-uusapan n'yo? Parinig naman." sabi ni Airy.
"Ahahaha. Wala yon. Nagkatinginan lang kami. Halika. Bakit hindi kayo pumasok sa loob." pag-aaya ni Princess Voice.
Pumasok sila sa loob ng palasyo at dumating na pala si Bloom.
"Pipe! Airy!"
"Bloom. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Airy.
"Pinatawag kasi ng mahal na Reyna Cheer ang lahat ng Reyna't Hari ng Fairy Land pati ang mga matured na Prinsesa at Prinsepe. May pag-uusapan daw kasi sila." sabi ni Bloom.
"Maiwan ko muna kayo ha. Kailangan ko kasing dumalo rin sa pagpupulong na yon."
"Huh? Ate. Hindi ba ako pwedeng sumama?" tanong ni Pipe.
"Hindi pwede. Tsaka masyado ka pang bata para maintindihan lahat ng yon." sabi ni Princess Voice at tumingin siya kay Airy na nagdedream travel.
"Teka. Anong nagyayari? Bakit nakatingin sa'kin si Prinsesa Voice? Tsaka bakit mo pinapakita sa'kin 'to eh naaalala ko naman 'to." pagrereklamo ni Airy.
"Maghintay ka at magmasid sa nangyayari sa iyong paligid." sabi nung babae at napunta sila sa conference room.
"Dapat na tayong kumilos. Marami ng gumagala sa paligid na mga bestia." sabi ni Queen Cheer. Umupo naman si Prinsesa Voice sa tabi niya.
"Maski ang kaharian namin hindi mapigilan ang pagpasok nila." sabi naman ng Reyna ng Kanluran.
"Hindi ko alam ang dahilan nila. Kung bakit sila nanghihimasok pero may kutob ako na may nag-uustos sa kanila nito." sabi naman ni Queen Cheer.
"Queen Cheer." tawag naman nung isang Prinsesa na representative ng Reyna ng Silangan. "May ipaparating po akong balita sa inyo mula sa aking magulang."
"Maaari mo nang sabihin ang ibig mong iparating."
"Ah. Tungkol po ito sa Fairy Ring. Nakakuha po kami non maraming taon na ang lumipas. Naging hour glass po yon at bihira lang po naming gamitin dahil malakas po ito manghatak ng magos. Ngunit bago pa man ang pagpupulong na ito ay tatlong linggo na pong nawawala ang Fairy Ring." malungkot na sinabi ng Prinsesa.
"Kung ganon. Malalaman natin kung sinong kumuha nito kapag na-consumed na siya ng Fairy Ring." sabi ni Queen Cheer at tumingin siya kay Princess Fright. Kutob niya kasi na siya ang kumuha nito.
Wala namang reaksyon si Prinsesa Fright. Napansin ni Airy na maganda ang mata niya. Ordinaryong maharlika.
"Maigi pang humanap pa tayo ng ibang Fairy Ring." sagot ng Hari ng Timog.
Bigla na lang may bumabang liwanag mula sa itaas ng conference room. Bumababa sa kanila at naging maliit na fairy ito. Nagpakita sa kanila ang Reyna ng mga Fairies. Si Queen Titania.
"Pasensya na kayo sa istorbo pero kailangan kong sabihin sa inyo ito." sabi nito. "May nagpumilit na kumuha ng isang Fairy Ring at delikado ngayon kapag nilabanan kayo."
"Ano po ba ang epekto ng hour glass na yon?" mahinhin na tanong ni Prinsesa Fright.
"Maglalaho ang kapayapaan sa lugar na ito. Hindi mapipigilan ang gulong ito kung hindi pipigilan ng mga taong handang kalabanin siya." sabi ni Queen Titania at umalis na.
Tumahimik ang conference room saglit. Nag-iisip ang lahat maliban kay Prinsesa Fright.
"Hanggang dito na lang muna ang pagpupulong na ito. Ipapatawag ko na lang kayo sa susunod." sabi ni Queen Cheer at naunang lumabas si Princess Fright. Sinundan naman siya ng iba pa.
Malaki ang kutob ni Queen Cheer na si Prinsesa Fright ang nagsimula ng lahat at hindi siya nagkamali sa kanyang kutob.
"So sa hour glass pala na yon nagsimula ang lahat?"
"Airy. Hindi mo ba napapansin ang kilos ni Fright?" tanong nung babae sa kanya habang sinusundan nila ito.
"Bakit? Anong mali sa kanya?"
"Lahat Airy. Pagmasdan mo siyang mabuti. Hindi na siya ang dati naming nakilala." sabi nung babae at sinundan nila si Prinsesa Fright sa isang malaking kwarto.
"Dati n'yong nakilala? Teka. Sino ka ba talaga?"
"Maghintay ka at malaaman mo na."
Napadaan si Pipe sa kwartong yon at sumilip sa butas.
"Servant. Servant. Sabihin mo sa akin kung sino ang mga kakalaban sa akin." sabi ni Prinsesa Fright.
"Prinsesa. Dalawang maharlika na galing sa pangunahing kaharian ng Fairy Land. Isang Fairy Warrior. Magkapatid na illusionist. Isang informant na nilikha mula sa bakal. Isang futurist katulad ko. At isa sa angkan mo. Gagamit sila ng Fairy Ring para talunin ka." sabi nung babaeng servant.
"Sinasabi mo bang kakalabanin ako ng anak ko?"
"Hindi ko po sigurado. Maaari pong mga magulang n'yo."
"Tama. Dahil sa traydor na yon kaya nakatakas sila. Well. Uunahin ko nang magbawas ngayon. Sa Coronation day na yung iba. Okay. Makakaalis ka na. Bago yon. Kakalabanin mo rin ba ako?" sabi ni Prinsesa Fright.
"Hindi po mahal na Prinsesa." sagot nung servant.
Sa labas naman ay dumating ang ate ni Pipe.
"Pipe. Anong ginagawa mo dito?" pabulong na tanong niya kay Pipe.
"Ate..." sabi ni Pipe. Hindi niya kasi mahanap ang tamang salita na dapat sabihin.
"Shh. Halika. Sumama ka muna sa akin." sabi ni Prinsesa Voice. Isinama niya si Pipe sa kanyang kwarto at ipinasok sa isang sikretong kwarto pa. "Pipe. Matulog ka muna ha. Babalik si Ate." sabi niya na may pangamba na hindi na siya makakabalik.
"Ate. Hindi na ako sanggol."
"Pero para sa akin, ikaw pa rin ang bunso namin. Sige na. Matulog ka na." sabi niya kay Pipe at ipinikit na ni Pipe ang mata kasabay ng pagbaba ng kamay ng ate niya mula sa kanyang noo hanggang sa ilong.
Tinanggal ni Prinsesa Voice sa isip ni Pipe ang mga nakita at narinig niya kanina. Binago niya rin ang dahilan ng pagkamatay nila sa isip nito. Sigurado kasi siyang si Prinsesa Fright ang papatay sa kanila sa paraang hindi siya masisisi.
Lumabas na siya ng kwarto niya at pumunta sa kwarto ng mama niya. Sinundan naman nila Airy yon.
"Voice. Nasaan si Pipe?" tanong nito.
"Ma. Ligtas na siya pero hindi ko sigurado kung hanggang kailan."
"May paparating ng tulong mula sa mga Fairy Warrior at sa mga peasant."
"Ano namang gagawin ng mga peasants sa mga sitwasyon na ganito?"
"Magtiwala ka."
BAM!!!
May pumasok bestia sa kanilang kwarto kasama si Prinsesa Fright.
"Fright? Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Queen Cheer.
"Matagal na akong nagtitimpi sa inyo ate. Sila mama? Sasabihin ko sa inyo na ako ang pumatay sa kanila."
"Pero bakit?"
"Tch. Ayoko ng masyadong madaldal. May huling habilin ka ba?"
"Meron." matapang na sinabi ni Prinsesa Voice. "Matatalo ka."
"Sige lang~!" sabi ni Prinsesa Fright at umalis na.
Nilapa ng mga bestia ang mag-ina. Nakatingin kay Airy ang pumanaw na si Prinsesa Voice. Hinanap din ni Prinsesa Fright si Pipe pero hindi niya mahanap ito hanggang sa...
"Well, well, well..." sabi ni Prinsesa Fright at natagpuan niya sa kwarto ni King Mirth-tatay ni Pipe-si Pipe na natutulog. "Mga hangal. Patayin!" sigaw ni Prinsesa Fright at nagising si Pipe pero hindi siya sumigaw. Nawalan na lang ito ng buhay at ikinatuwa iyo ni Prinsesa Fright.
"Grabe sya. Bakit niya ginawa yon sa kanila? At bakit namatay dito si Pipe? Buhay pa siya ngayon ah." tanong ni Airy habang hindi niya masikmuraan ang nakikita niya.
"Dahil sa kasakiman. Gustong masolo ni Fright ang kaharian at ang buong Fairy Land."
"May mapapala ba siya kapag kinuha niya ang buong Fairy Land?"
"Meron. Makukuha niya ang pansarili niyang kaligayahan. Airy, kailangan n'yong kumilos. Hanapin mo silang lahat. Lahat ng kakalaban kay Fright. Lalo na ang anak niya. Nakikiusap ako." sabi nung babae.
Bigla na lang pumasok sa isip ni Airy ang iisang pangalan. "Prinsesa Voice?" tanong niya sa babae.
"Ikaw ang tanging pag-asa ko Airy. Tulungan mo kami. Tandaan mo, kayang kontrolin ni Fright ang isang tao kapag nararamdaman niya ang negatibong magos nito. Kailangan mong pigilan yon sa mga kasamahan mo. Lalo na si Pipe kung sasabihin mo ang nakita mo. Paalam." sabi nito at unti-unti ng bumalik si Airy sa kanyang sariling katawan.
*GASP*
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...