"ANO?"
"Hindi namin kaya yon." sabi ni Airy.
"Masyadong maikli ang panahon." sabi naman ni Kill habang nakacross-arms.
"Hindi namin kakayanin yon." sabi naman ni Data.
"Oo nga po. Tsaka marami pa kaming dapat matutunan." sabi naman ni Risk.
"Pero hindi sa loob lang ng isang linggo." sagot naman ni Bloom.
"Hindi rin po ako sang-ayon." sabi naman ni Drown.
"Wala kaming oras na magsanay ngayon." sabi ni Pipe at nagdaldalan naman silang pito.
Sa unang pagkakataon ay minulat ni Geo ang kanyang mga mata at bulag siya.
Tumahimik naman ang lahat.
"Kung hindi kayo magsasanay, masasayang lang ang lahat ng paghihirapan n'yo..." sabi niya at wala sa kanila ang nagbalak na magsalita. "... Airy. Kailangan mong maimprove ang paggamit mo ng Dream travelling. Kailangan mong makita ang nilalaman ng puso ni Fright. Kailangan mo rin palakasin pa ang paggamit mo ng pana. Naiintindihan?"
"Opo." kinakabahan na sagot ni Airy.
"Bloom. Kailangan mong matutunan ang tamang pagkontrol sa mga bagay at pati na rin ang tamang paggamit sa saber mo. Kailangan mo rin mahinang ang skills mo sa pagiging flexible. Naintindihan?"
"Opo." sagot niya na may halong takot.
"Data. Kailangan mo pang sanayin ang pagkuha mo ng impormasyon sa kalaban. Nakuha mo?"
"Opo." sagot niya.
"Drown, kailangan mo pang bilisan ang pagkuha ng armas mo. Kailangan mo rin ilapit sa pagiging totoo ang illusion mo, pati na rin ikaw Fade... huh? Nasaan si Fade?" tanong niya.
"Wala na po siya." sagot ni Drown at nalungkot ang lahat pwera kay Geo.
"Pabayaan n'yo na si Fade. Kaya na niya ang sarili niya." sabi ni Geo.
"Anong ibig n'yong sabihin?" tanong ni Drown.
"Kill. Kailangan mo pang iimprove ang panggagaya mo ng boses. Pati ang archery mo. Kailangan mong hasain. Naiintindihan?" sabi ni Geo na parang iniwasan ang tanong ni Drown.
"Sige sige." sagot ni Kill.
"Pipe. Patitibayin mo pa ang paggawa ng runes. Palalakasin din natin ang pagbabasa mo ng isip. Naiintindihan?"
"Naiintindihan ko." seryosong sinabi ni Pipe kahit na nag-aalangan siya sa oras.
"At Risk. Kailangan mong mahasa ang magos mo sa pagpredict ng hinaharap. Sasanayin din natin ang alaga mong coati. Nakuha mo?"
"Opo."
"Higit sa lahat. Kailangan, marunong at bihasa kayo sa espada. Handa na ba kayo?!" sigaw ni Geo.
"OPO!" sagot nila.
* * *
Sa unang araw. Unang inensayo si Kill at Airy sa kanilang archery.
"Idiretso n'yo pa ang kamay n'yo." sabi ni Geo at hinampas niya pataas ang siko nila Airy.
"Ang hirap naman nito. Akala ko okay na yung moves ko." sabi ni Airy sa isip niya.
"Go." sabi ni Geo at pinakawalan na nila ang palaso. Nakatusok ang palaso ni Kill sa pangatlong bilog bago ang bulls-eye. Nasa huling bilog naman ang kay Airy.
"Huh?! Pero sigurado akong sa gitna ko talaga yon pinatama." reklamo ni Airy.
"Hindi ka nagconcentrate. Ulitin n'yo yan hanggang sa makuha n'yo." sabi ni Geo at iniwan niya ang dalawa. Pumunta siya kay Bloom at pinaharap sa opposite direction nila Airy. "Kailangan mo rin patamaan ang gitnang bahagi ng punong yan. Gamit lamang ang magos mong telekanesis."
"Sige po." sagot ni Bloom at nagsimula siya.
"Data. Kailangan mong patumbahin ang punong yan ng isang beses." sabi ni Geo pagpunta niya kay Data.
"Hm." sagot ni Data kasabay ang tango.
"Drown. Buhatin mo ang dalawang batong yan ng sabay." sabi niya at ginawa naman agad yon ni Drown.
Pumunta naman siya kay Pipe. "Subukan mong tawagin ang mga kasama mo gamit ang isip mo."
"At Risk. Subukan mong basahin ang galaw ko." sabi ni Geo at agad namang ginawa ni Risk ang sinabi niya.
"Sa'yo dapat ituon ang lahat. Kakailanganin nila 'to sa mga sususnod na araw." sabi ni Geo pero hindi siya narinig ni Pipe.
Nakita ni Risk na susugod si Geo mula sa kaliwa kaya naman agad siyang pumunta sa kanan. "Madali lang pala 'to." sabi ni Risk pero mali ang prediction niya dahil mabilis na kumilos si Geo at sa kanan siya umatake. Tinamaan si Risk ng kamao ni Geo at tumalsik. Buti na lang ay mabilis na nakita yon ni Kill at sinalo siya kaagad.
Napatingin naman ang lahat kay Risk. "Anong ginagawa n'yo? Balik sa pagsasanay." sabi ni Geo at bumalik na silang lahat. Pero nag-aalala sila para kay Risk.
* * *
Kinabukasan ay sunod naman nagturo si Geo ng tamang paggamit ng espada. Pagkatapos non ay hinayaan niya ng magsanay ang mga ito at bago matapos ang araw ay tinitignan ni Geo ang lahat kung may pinagbago ba sila. Pero kada paglipas ng araw ay konti lang ang naiimprove sa magos nila.
* * *
Dumating na ang huling pagsasanay at ang lahat ay nakaupo sa tapat ng bonfire at nasa harap nila si Geo.
"Oh mga espada n'yo." sabi ni Geo at ibinigay niya isa-isa ang mga espada na saber at cutlass sa mga wala pang espada. Bukod kay Pipe at Bloom.
"Huh? Bakit may ganito kayo?" tanong ni Airy habang kinikilatis ang hawak niyang saber.
"Nagmula yan sa mga Fairy Warrior na natalo labing dalawang araw o taon na ang nakakalipas. Airy, ang hawak mong saber ay galing pa sa mama mo."
Tumahimik naman si Airy, hindi para umiyak. Natutuwa kasi siya na bahagi ng kasaysayan ng Fairy Land at kilala ng lahat pati ng ermitanyong ito ang mama niya.
"Gusto kong sabihin sa inyo na ang huli na matututunan n'yo ay meditation. Kailangan n'yo yon para makontrol ang mga magos n'yo pati na ang emosyon n'yo. Ngayon, para kanino ba ang laban na 'to para sa inyo?" tanong ni Geo at pumikit ang lahat.
"Ma, Pa, at sa buong angkan ng Fairy Warrior. Sisiguraduhin kong maibabalik ko ang Fairy Land sa dati niyang kalagayan." sabi ni Airy sa kanyang sarili.
"Papa. Pipe. Airy. Lalaban ako para sa inyo." sabi naman ni Bloom.
"Para sa'yo 'to Fade at master Wolf. Lalaban ako hanggang wakas para sa inyo." sabi naman ni Data.
"Fade. Airy. Para sa inyo ito." sabi naman ni Drown.
"Mama, ate Voice. Bloom. Para sa inyo ang laban na 'to." sabi naman ni Pipe.
"Mama. Kill. Para sa inyo 'to." sabi naman ni Risk.
"Risk. Poprotektahan kita. Mama, para sa'yo 'to. Kailangan kong gawin 'to para talunin ka at ibalik sa lahat kung ano ang sa kanila." sabi ni Kill.
Habang nagco-concentrate sila ay nagkalat naman ang mga magos nila. Parang nakawala sa kanilang kulungan pero maya-maya pa ay unti-unti silang binabalot ng kanilang mga magos.
"May tiwala ako sa inyo. Sana mapagtagumpayan n'yo ang misyong ito." sabi ni Geo.
Maya-maya pa ay isa-isa na silang nagmulat ng mata.
"Kung handa na kayo. Isa-isa kayong lumapit sa'kin." sabi ni Geo.
Unang lumapit si Pipe pero humarap siya kina Airy. "Naririnig n'yo ba ko?" sabi ni Pipe at biglang nagkagulo ang lahat.
"Huh? Pipe. Ikaw ba yon?" tanong ni Airy.
"Ako nga. Ano Geo? Pwede na?" sabi ni Pipe at umupo na siya. Sumunod naman si Drown.
Mabilis siyang nagpapalit ng armas at dahil sa pagbuhat niya ng malalaking bato ay lumakas pagkontrol niya sa illusions niya. Nagpalabas siya ng dalawang malalaking bestia at bato ang armas ng mga ito.
"Pasensya na. Yan kasi ang bagay sa kanila." sabi ni Drown at nagkakamot pa siya ng batok.
Sumunod naman si Bloom at Kill at tinarget nila ang tungkod ni Geo. Hindi gumalaw si Geo pero sakto naman ang natamaan nila Bloom.
Sumunod naman si Data. Tinitigan niya lang si Geo at nagulat siya sa nalaman niya.
"Sabihin mo sa akin ang nalaman mo pero h'wag mo munang sabihin sa kanila." nakangiting sabi ni Geo.
Tumango lang si Data. "Geo. 39 years old. Locator at Magos concealer. Swordsman. Cutlass. Fairy Warrior. Other info, Airy's-"
"Data. Ang tagal mo naman." sabi ni Airy mula sa likod. Lumingon naman si Data sa kanila.
"Bumalik ka na don at sabihin mo munang hindi mo pa nalalaman kung sino ako." bulong ni Geo.
"Data. Ano bang nangyari? Bakit ang tagal mo?" sabi ni Risk.
"Sinusubukan ko pang alamin kung sino siya. Ang hirap eh."
"Risk. Ikaw na ang susunod." utos ni Geo.
"Opo." sagot ni Risk at pumunta siya sa gitna ng lahat. Maya-maya pa ay nakita na niya ang gagawin ng mga kasama pero mabilis niya itong nailagan.
Sinubukan na nila ang bago nilang natutunan. Ang paggamit ng espada. Masaya sila habang ginagawa ito at ganon din si Geo habang pinapanood sila. Sa huling tira ay hinawakan niya sa braso si Airy at nakita ang hinaharap nito. Nagulat na lang siya sa nakita niya. Natuwa siya pero bahagyang nalungkot.
"Ano yon?" tanong ni Airy sa kanya.
"Huh? Wala. Hiningal lang ako." sabi ni Risk at itinigil na nila yung laban.
"Airy. Bakit hindi mo tignan yung past ko?" pag-aaya ni Geo kay Airy.
Agad namang pumunta si Airy sa kanya at hinawakan ang kamay ni Geo.
Nagsimula si Airy na baybayin ang nakaraan ni Geo kung saan kasama siya sa alaalang yon. Ano nga kaya yon?
CUTLASS - a kind of sword
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...