"Mahahanap kaya nila yon?" tanong ni Risk habang nakatingala sa sobrang taas ng puno.
"Mahahanap nila yon. Tiwala lang." sabi naman ni Kill at hinawakan ang ulo ni Risk na parang bata.
"Ah. Hindi ako bata! H'wag mong hawakan ang ulo ko." naiinis na sinabi ni Risk.
"Tch. Hindi ka talaga nagbago." sabi ni Kill.
Meanwhile, sa gilid. Tinatakpan ni Bloom ang bibig niya sa sobrang kilig. Sa tagal na kasi ng panahon na gusto niya si Pipe ay ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na napansin siya nito.
"Bloom. Ayos ka lang ba?" tanong ni Kill.
Natauhan naman kaagad si Bloom at tumingin kay Kill. "Oo. Ayos lang. Bakit?"
"Namumula ka kasi. May sakit ka ba?" tanong ni Kill at hahawakan na sana niya sa noo si Bloom nung sumingit si Risk.
"Wala. Wala siyang lagnat. Baka kinikilig lang siya." sabi ni Risk pagkatapos niyang pakiramdaman si Bloom.
"Kinikilig?" curious na tanong ni Kill.
"Aheheh. Wala yon. So, saan na ba tayo pupunta? Nasa kabilang lagusan ng subterranean ang prairie wagon natin.
"Edi balikan natin." suggestion ni Risk.
"Hindi na kailangan. Dinala na namin 'to para sa inyo. Aalis na kami at mag-ingat kayo. Babalik kami pagkalipas ng tatlong araw." sabi ni Joy.
"Teka. Tatlong araw? Tatlong araw silang nasa taas?" tanong ni Kill sabay turo sa taas.
"Maximum stay yon. Bakit? Hindi n'yo ba kayang maghintay?"
"Hindi. Aakyat na lang kami." naiiritang sinabi ni Kill at lumakad na siya.
"Kaya mo ba?" sabi naman ni Angry.
Napatigil na lang si Kill sa paglalakad dahil naisip niyang anak siya ni Queen Fright at hindi siya makakaakyat sa taas. "Tch. Nakakainis." sabi ni Kill at umupo siya sa paanan ng malaking halaman.
"Paano? Aalis na kami." masayang sinabi ni Joy at tuluyan ng umalis ang mga elf.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Risk.
"Ano pa nga ba? Edi maghihintay tayo." sabi ni Kill.
Pangalawang araw na nilang hinihintay sila Airy pero wala pa rin sila. Hanggang sa...
"Alam n'yo. Masarap pala ang ihalo ang toyo sa kanin? Subukan n'yo minsan." sabi ni Risk habang tahimik lang si Bloom at Kill.
"Shh. Hindi mo ba narinig yon, Risk?" tanong ni Bloom at lumabas sila sa prairie wagon.
"Ang alin? Wala naman." sagot ni Risk.
"Dito lang kayo sa likod ko." sabi naman ni Kill at pinagtago niya sa likod niya yung dalawang babaeng kasama niya.
*Wooshook*
Bigla na lang nakulong sila Kill sa loob ng isang parisukat na kulungan na nakasabit sa matibay na puno. Maliliit ang mga butas nito kaya hindi makalusot si Bloom. Hindi rin nila mahati ito dahil sa sobrang tibay ng pagkakagawa.
"Kainis." sabi ni Kill.
"Hindi ko inaasahan 'to." sabi ni Bloom.
Sa gilid naman ng prairie wagon ay pinagtatago ni Risk si Season para hindi siya mahuli ng patibong.
"Hoy! Magpakita ka nga sa'min ngayon!" sigaw ni Kill.
Lumabas naman sa gilid ng isang puno ang isang lalakeng may hawak na kutsilyo.
"Bakit? Natatakot ka na? Kaya ka sumisigaw?" tanong nung lalake habang iniikot niya ang kutsilyo sa sarili niyang palad.
"Tch. Baka ikaw yon? Kung matapang ka, lalaban ka." sabi naman ni Bloom pero kinakabahan siya sa loob niya.
"Pinaghandaan ko talaga ang trap na yan. Akala ko nga sila pa ang maiiwan dito eh." sabi nung lalake.
"Anong pangalan mo?" tanong ni Kill.
"Fynn." pakilala niya.
"Anong kailangan mo sa'min?" tanong ni Risk.
"Sa inyo wala pero sa librong hinahanap n'yo, meron." sabi ni Fynn.
"Huh? Bakit?" tanong niya pa at may pinalipad lang si Fynn na maliit na kutsilyo. Tumagos ito sa kulungan, dumaan sa gilid ni Risk at lumabas muli ng kulungan.
"Ayoko ng masyadong matanong. Maghintay na lang tayo." sabi ni Fynn at umupo siya sa ilalim ng isang puno.
Naghihintay lang siya ng oras. Kumuha siya ng mga malalapad at makakapal na kahoy at ginawa niyang patusok ang dulo nito at inilalagay niya sa ilalim ng kulungan ang mga yon.
"Bloom?" tawag ng isang boses sa kanyang isip.
"Kill. Bakit mo ko tinatawag?" tanong ni Bloom
"Huh? Nababaliw ka na ba? Hindi pa ako nagsasalita ulit pagkatapos natin makipag-usap kay Finn.
"Huh. Eh sino yung tumawag sa'kin?" tanong pa ni Bloom.
"Bloom, ako 'to. Si Pipe. Kinakausap kita sa isip mo kaya h'wag ka ng magsalita. Pumikit ka na lang at kumalma." sabi ni Pipe sa isip niya.
Marunong na nga si Pipe, kung paano ito gamitin.
"Pipe. Nandito si Fynn."
"Fynn?"
"Hindi ko alam kung anong kailangan niya pero kailangan niya ang librong hinahanap natin."
"Ano?"
"Sana ligtas kayo d'yan. Tsaka n'yo na isipin si Fynn."
"Sana ligtas kayo d'yan habang nakikipaglaban kami dito."
"Hehe. Sa totoo lang, kinulong niya kami."
"Ano?!"
"Pipe. Ayos na kami dito."
"Bababa na ako. Hindi ko yan papayagan." sabi ni Pipe at bigla na lang nawala ang komunikasyon nila ni Bloom.
"May problema tayo." bulong ni Bloom.
"Ano yon?" tanong ni Kill.
"Nakausap ko si Pipe at sabi niya, bababa raw siya mula sa taas."
"Good news yon." sabi naman ni Risk.
"Hindi yon good news kasi nakikipaglaban pa sila para sa librong yon."
"Kaya na yan ni Airy."
"Pero-"
Wooooozuuuuuum!
Bigla na lang nag-landing si Pipe sa dalawang paa niya. Kasama niya rin si Data na lumanding naman sa itaas ng kulungan nila Bloom.
"Fynn ang tawag sa kanya. Late 20's. Walang kapangyarihan. Swordsman at pagnanakaw ang skills niya. Maliit na kutsilyo ang weapon niya at isang cutlass." sabi ni Data kahit hindi nakatingin kay Fynn at pinapagpag ang alikabok sa damit niya.
"Well. Patas na yon." sabi ni Pipe.
"Woah woah. Easy lang. Libro lang ang kailangan ko sa inyo."
"Pero bakit mo sila ikinulong?" tanong namam ni Data pagkatapos niyang pakawalan sila Bloom.
"Nakita ko kasi kung paano kayo nagsanay."
"Sinusundan mo kami?"
"Malamang kasi nandito ako."
"Kung ganon, bakit mo kailangan yung libro?"
"May hahanapin ako."
"Ano yon?"
"May paki ka?" sabi niya kay Pipe.
"Meron." sabi ni Pipe at itinapat niya ang isang cutlass niya kay Fynn.
"Hay. Sige. Kailangan ko yon dahil hinahanap ko si Stairs." sabi ni Fynn.
"Hindi mo na kailangan ang librong yon." sabi ni Data at nagtaka naman si Fynn.
"Bakit?"
"Kasama ni Salt si Stairs. Nandoon pa rin siya sa tore at alam mo kung nasaan yon."
"Talaga?" natutuwang tanong niya.
"Oo."
"Kung ganon, salamat sa tulong n'yo. Aalis na ko." sabi niya at tumakbo na siya paalis.
"Yun na yon?" sabi ni Risk.
"Pipe. Ayos lang ba kayo? Paano n'yo nagawang mag-landing ng dalawang paa? Eh ang taas non."
"Basta." sabi ni Pipe at napahiga na lang siya sa lupa dahil sa sobrang pagod.
* * *
"Hindi ako naniniwala. Sa'kin lang ang lahat ng Fairy Ring." sabi ni Fynn habang nagtatago sa likod ng malaking puno at bigla na lang naglaho na parang usok.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...