"Walang gagalaw. Hinuhuli namin kayo sa salang pagpatay." sabi nung martial na kaharap nila.
"Ano?" sabi ni Airy pagtayo nila.
Napapalibutan sila ng mga martial.
"Pinatay n'yo ang dalawang martial na kasama namin at may katibayan kami." sabi nung leader ng mga martial.
"Nasaan?" tanong ni Airy habang tinatali ang mga kamay niya sa likod niya.
"Arg. 34 years old. Duplus. Swordsman. Sword and shield. Martial." sabi ni Data
"Heto. Pagmasdan mong mabuti." sabi ni Arg at inilapag niya ang mga nakuha nilang weapon.
"Hindi ko alam na nakuha niya pati ang weapon ko." sabi ni Airy habang pinagmamasdan niya ang fairy ring niya.
"Tahimik." sabi ni Arg. "Isakay na sila." utos niya sa mga kasama niya at itinulak sila papunta sa isang sasakyan na ang pintuan ay may maliit na bintana na may rehas.
Nakaupo silang lahat sa lapag. Kinuha ng mga martial ang mga kagamitan nila. Maraming damo sa paligid nila sa loob ng sasakyan at lahat sila ay tahimik.
"Pasensya na. Pasensya na talaga." sabi ni Risk. "Dapat maaga kong sinabi na may parating."
"H'wag kang humingi ng pasensya. Hindi mo kasalanan 'to." sabi ni Kill sa tabi niya.
"Malapit na tayo sa dulo at malapit na rin ang sinasabi ni Fright na pagsakop niya sa buong Fairy Land kaya tama lang na nandito tayo sa posisyon na 'to." sabi ni Airy pero di siya nakatingin kay Risk. Pinapahupa niya pa kasi ang inis niya sa napag-usapan nila kanina.
"Tama si Airy, ang dapat nating isipin ngayon ay kung paano tayo makakatakas sa kulungan at kung paano tayo lalaban kay Fright." sabi naman ni Bloom.
"Sinabing tahimik! Walang mag-uusap." sabi ni Arg sa labas habang kinakalabog ang side wall.
"Manahimik ka d'yan. Wala akong pakialam sa-" sabi ni Airy at tinawag siya ni Drown.
"Airy."
Bigla na lang tumigil ang sinasakyan nila at bumukas ang pinto.
"Anong sinabi mo?" sabi ni Arg habang nakaharang si Drown sa harapan ni Airy.
"Wala siyang sinabi." kinakabahang sagot ni Drown.
"Sabi niya, manahimik ka at wala siyang pakialam sa'yo." sabi ni Kill at nagkibit-balikat na lang siya pagkatapos non.
"Palalampasin ko 'to, Fairy Warrior. Mamamatay din naman na kayo pagkarating don." sabi ni Arg at muli niyang isinara ang pinto at nagpatuloy na.
"At least kaya ko kayong kausapin gamit ang isip ko." sabi ni Pipe at napatingin silang lahat sa kanya.
"So anong plano?" tanong ni Airy at nagsimula na silang mag-usap gamit ang mga isip nila.
"Wala pa tayong plano ngayon pero kailangan nating makalabas sa mga kulungan bago sumapit ang huling bilog na buwan."
"Which is?" sabi ni Bloom.
"Eksaktong walong araw mula ngayon." sabi ni Data.
"Sa palagay ko aabutin tayo dito bago tayo makarating sa mismomg palasyo." sabi ni Risk.
"Magaling! Sadyang magaling!" sagot ni Airy.
"Hey. Natandaan n'yo ba yung sinabi ni East? Kailangan nating maging buo kapag pupuntahan natin si Fright. Pero di na yon mangyayari dahil hindi na tayo buo." sabi ni Data at bigla na lang napayuko siya sa lungkot.
Napatingin naman si Risk kay Drown at nagflash sa isip niya ang mukha ni Fade na natutulog sa bahay nila.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan nung namatay?" tanong niya.
"Fade. Fade ang pangalan niya." sagot ni Pipe.
Isa beses ulit nagflash sa isip ni Risk ang mukha ni Fade.
"Sa palagay ko buhay pa siya ngayon." excited niyang sinabi at lahat sa kanya nakatingin. "May isang babaeng matagal ng natutulog sa kwarto namin. Palagay ko siya yon."
"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Drown.
Pinahiga naman ni Risk si Drown sa lapag at pinapikit. Sigurado na nga siyang si Fade ang babaeng yon. Bakit nga ba ngayon niya lang naisip na si Fade pala ang matagal na niyang binabantayan.
"Sabihin mo sa'king buhay pa siya." sabi ni Data.
"Sigurado ako."
"Isa lang ang nakikita kong paraan para malaman natin na buhay pa si Fade." sabi ni Airy sa gilid.
"Naalala n'yo nung pumunta kayo kina Salt? Pwede nating subukan yon." sabi ni Bloom.
Bigla na lang napatingin si Data sa kamay niya at naalala ang sinabi ni Salt.
"...Kung saan mapuputol lang ang taling itinago mo kapag namatay ang isa sa mga ito." naalala ni Data na sinabi ni Salt sa kanya yon.
"Tama. Sabi ko sa inyo alam niya yon. So kahit umalis si Fade o tumakas man siya. Mahahanap at mahahanap n'yo pa rin siya kasi kapag gusto n'yong mahanap ang isa't isa magliliwanag yang bahaging tinali." naalalang sinabi ni Salt sa kanya at napangiti si Data sa posibilidad na sinasabi nila.
Panandaliang pumikit si Data at hiniling na lumiwanag ang tali sa kamay niya. Tumingin siya agad kina Pipe pero wala silang reaksyon. Tanging siya lang ang nakakakita nito. Mahaba ang liwanag na sa palagay ni Data ay abot hanggang sa pinagtataguan ni Fade.
"Pipe. Kaya mo bang kausapin si Fade?" sabi niya at unti-unti nang nawawala ulit yung liwanag.
"Susubukan ko." sagot ni Pipe.
Nanahimik ang lahat at hinintay ang sagot ni Fade sa tawag ni Pipe nang biglang may nagbukas ng pintuan.
"Bumaba kayo." sabi ni Arg.
"Nandito na ba tayo?" tanong ni Airy.
"Bumaba na lang kayo! Bilis!" utos ni Arg.
Tahimik na bumaba ang lahat at may inilagay silang malaking bestia sa loob.
"Pasok." utos ulit ni Arg pagkatapos nilang ilagay ang bestia sa loob.
"Teka. Kriminal din ba yang bestia?" tanong ni Airy habang umaatras ng konti mula sa pinto dahil siya ang unang ipapasok sa loob. "Bakit kailangan naming tabihan yan?"
"Makulit ka talaga ano?" tanong ni Arg at sasampalin na sana niya si Airy nung humarang si Drown sa kanya.
Pak!
Nakatingin lang naman si Drown kay Airy. Magkahalong takot, pag-aalala, at kaba ang nararamdaman ni Drown.
"Eh? Ba-bakit ang hapdi ng pisngi ko? Ma-may nangyari ba? Airy, ayos ka lang ba?" sabi ni Drown habang kinikilatis si Airy at hinahanap kung may galos siya.
"Pumasok na kayo." sabi ni Arg at pinauna niya si Drown.
Natahimik naman si Airy sa nangyari.
"Ehem. Sa tingin ko, kaya pumunta si Drown at humarang sa harap mo kasi akala niya wala ka ng magagawa at tatanggapin mo na lang ang ibabatong atake sa'yo. Humarang siya para maprotektahan ka, para hindi ka masaktan. Prinotektahan ka niya kasi mahal ka niya. Hihihi." naalala niyang sinabi ni Jak sa kanya.
"Mahal huh?" sabi ni Airy bago siya pumasok sa loob at narinig naman siya ni Pipe na noo'y sinusubukan pa rin tawagan si Fade.
"Pipe. Subukan mo ulit." sabi ni Data kay Pipe pagpasok nila sa loob.
Inaalagaan naman ni Risk ang bestia para hindi manggulo sa mga ginagawa nila sa loob. Kayang alagaan ito dahil minsan inuutusan niya rin si Season na magpalit bilang bestia kung gugustuhin niya.
Muling pumikit si Pipe at sumubok.
"Fade. Naririnig mo ba ko?" tanong niya pero walang sumasagot.
"Fade. Si Pipe 'to. Naririnig mo ba ko?" tanong niya ulit.
"Pipe?" isang boses ang nagtanong sa kanya sa kanyang isip. Nagtagumpay nga sila sa pagtawag muli kay Fade. Talaga ngang buhay siya.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...