Three

8.4K 223 5
                                    

Matapos maputol ang tawag ay pumikit si Airy at nag-concentrate siya.
Malakas na hangin, pagaspas ng mga dahon, kalansing ng mga kadena, malayong busina ng mga sasakyan.
*GASP*
"Alam ko na kung nasaan sila."
"Nasaan sila?"
"Nasa park. Malapit sa play ground."
Kinuha ni Airy ang scarf ni Blue at hinablot niya si Pipus at nagmadaling sumakay sa bisikleta niya.
"Teka. Sigurado ka bang nandon sila."
"Oo. Sigurado ako."
* * *
"Josephine! Shaina!" sigaw ni Airy pagkatapos niyang bitawan ang bisikleta niya.
"Airy! H'wag ka nang pumunta dito! Ikaw ang hinahanap niya!" malakas na sigaw ni Shaina.
Biglang napatigil si Airy. "Ako ang hinahanap niya? Bakit pati sila idadamay nila?" sabi niya sa isip niya at bigla na lang may humawak sa kanya.
"Sumama ka sa'kin."
"Pipe? Anong..." tanong niya habang tumatakbo sila papunta sa bestia sa harap ng mga kaibigan niya.
"Shh. Mamaya na ako magpapaliwanag."
"*grunt* Nasaan na yon?" nagtatakang tanong nung bestia.
"Anong ginawa mo?" bulong ni Airy kay Pipe.
"Airy!" sigaw nung mga kaibigan niya nung magkita sila.
"Haha. Alam kong nadito pa kayo. Narinig ko kayo at nandito na rin ang Fairy Warrior na hinahanap ko."
"H'wag kayong mag-iingay dahil invisibility lang ang kaya ko ngayon." sabi ni Pipe.
"Pipe? Paano?" nagtatakang tanong ni Shaina.
"Airy. Wala ng oras. Kailangan na nating gumawa ng kasunduan."
"Anong klaseng kasunduan?"
"Sumama ka sa'kin sa Fairy Land."
"Tapos?"
"Tapos ililigtas ko kayo dito."
"Kaya ko siyang labanan."
"Hindi mo pa kaya. Kung inaakala mong tutulungan ka ng scarf na yan. Nagkakamali ka. Mag-aactivate lang yan kapag hawak ni Blue."
"Kilala mo si Blue?"
"Ano? Papayag ka na?"
"RAWR ! Nasaan na kayo mga hangal?"
"AAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!" sigaw ng mga tao.
"Ano na naman 'to? Ang dami na niyang tinatakot. Sige na papayag na ako." sabi ni Airy sa isip niya.
"Mabuti." sabi ni Pipe.
"Anong 'mabuti'? Narinig mo yung sinabi ko?"
"Kaya kong bumasa ng isip ng tao. Ano? Payag na?"
"Sige na."
Bigla na lang lumapit si Pipe kay Airy at hinalikan siya sa noo.
"H'wag mo na itanong kung para saan yun."
"Ayyiiee." panunukso ng mga kaibigan ni Airy.
"Bahala nga kayo d'yan." sinabi ni Airy.
"Walang malisya." sabi ni Pipe at inilabas niya ang dalawang espada mula sa likod.
"Teka. Anong ginagawa mo?" tanong ni Josephine.
"Runes, kung alam n'yo yon."
"Oo. Yun yung ginamit nung isang character sa isang anime."
"Yeah. Ginagamit din namin 'to."
"Ruins?" tanong ni Airy.
"Runes. Barrier. Sa ganon hindi kayo masasaktan." paliwanag ni Pipe habang tinatapos ang pagsusulat ng runes.
"Kami? o si Airy?" panunukso ni Shaina.
"Kayo." nakangiti niyang sinabi nung matapos niya ang paggawa ng runes. "Mahirap ilabas ang magos ko ng sabay sa mundo n'yo kaya mawawalan na ng bisa ang invisibility at lalakas ang runes na ginawa ko."
"Wow. Magos?" tanong ni Shaina.
"Magic, right?" pagsisisgurado ni Josephine
"Tama."
"Nagpakita na rin kayo sa wakas. Ah. Pipe. Ikinagagalak kong makita kang buhay pri—"
"Labanan mo ako. Patayin mo muna ako bago mo makuha ang gusto mo kay Airy."
"Isang tao? Lalaban sa katulad kong bestia? Nakakatuwa."
"Ano? Bestia?" bulong ni Josephine.
"Alam ko tawag nila yon sa halimaw ng Fairy Land." sagot ni Airy.
"Pano mo nalaman?"
"Kakasabi niya lang. Eh mukha naman siyang halimaw."
"Ah." sabi ni Shaina, tanda na naintindihan niya ang sinabi ni Airy.
"So naniniwala ka na sa kanila?" tanong ni Josephine.
"Sa ngayon oo. Ayokong mapahamak kayo dahil lang sa pagiging Fairy Warrior ko."
Pinapanood nila ang laban ni Pipe nung  makarinig siya ng boses sa isip niya.
"Ang katangian ng isang Fairy Warrior ay locator. Airy, hahanapin mo ang kahinaan nila."
"Locator?" tanong niya sa sarili niya.
Bigla na lang napatigil sa pag-atake ang bestia. Kaya naman nasugatan ito ni Pipe sa kaliwang mata. "Magkikita tayong muli Last Fairy Warrior. Hindi ako papayag na mahuli mo ang kahinaan ko." sabi niya at naglaho na lang ang bestia kasabay ng malakas na hangin.
"Seryoso? Kailangan mong banggitin yon ng malakas?" naiiritang sinabi ni Pipe at itinago ng espada niya sa kanyang likod.
"Sorry. Di ko alam. Narinig ko lang sa isip ko."
"Nakakaalala ka na?"
"Hindi. Narinig ko lang talaga."
"Kailangan na nating puntahan si Stairs."
"Kanina n'yo pa yan pinag-uusapan. Bakit pupunta ng FairyLand si Airy?" tanong ni Josephine
"Josephine, hindi ako pupunta don—"
"Pero pumayag ka na sa kasunduan." sabat ni Pipe.
"Patapusin mo muna ako, pwede?" sabi ni Airy.
"Oh. Pasensya na."
"Linawin ko lang. Hindi ako pupunta don para magpaauthograph sa mga idol n'yo kasi alam kong alam n'yo kung anong meron sa FairyLand. Nandon ako para iligtas kayo."
"Kami?"
"Oo. Kung wala silang happy ending ibig sabihin, kayo rin. Ayoko namang mawala na lang bigla ang mga Fairytales ng ganon-ganon." paliwanag ni Airy at napatingin siya kay Pipe. "Ano?"
"Naniniwala ka na sa'min noh?"
"Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ko kayo paniniwalaan? Oo, naniniwala ako sa inyo pero kailangan kong malaman para sa sarili ko kung may totoo bang Happy Endings "
"Kailangan na nating umalis."
"Ngayon na? Pagkatapos ng nangyari kanina at ngayon? Hindi ko sila iiwan."
"Airy. Tuwing full moon lang nagbubukas ang portal papunta sa Fairy Land."
"Paano sila nakakapunta dito?"
"Madali lang pumunta sa mundo n'yo."
"Sige na. Sumama ka na. Okay lang kami dito. I'm sure magagawa mong mabawi ang happy ending."—Shaina.
"Si-sige."
Bago sila umalis ni Pipe ay kinausap niya sila Josephine. "Pagkatapos ng full moon mamayang hating gabi. Mawawala ang alaala n'yo tungkol sa amin. Salamat sa paniniwala n'yo na nag-eexist kami."
"Hindi namin kayo kakalimutan."—Josephine
"Sana."
"Teka. Pwede ba kaming sumama inyo?"—Shaina.
Nagtinginan muna si Airy at Pipe. "Sige. Maaari kayong sumama pero bago yon, kailangan muna nating bumalik sa bahay nila Airy at kunin ang gamit ng mama niya."
* * *
Bumalik sila sa bahay ni Airy at naabutan nilang magulo ang bahay. Parang may hinanap. Pumunta agad sila sa kwarto ng mama ni Airy at halos lahat ng kagamitan ay wala na.
"Anong nangyari?" gulat na tanong ni Airy.
"Si Song. May tinago ba siya dito?"
"Hindi ko alam. Kanina lang ako nakapasok dito."
"Tama. Three days ago. Nandito ang Fairy Ring. Nakita kong hawak niya yon." sabi ni Pipe habang hinahalugubog ang kwarto ni Song.
"Fairy Ring? Ngayon ko lang narinig yon."—Josephine
"Fairy Ring. Isang kagamitan yon ng kaharian namin. Isang legendary weapon na ginawa ng mga Fairies."
"Anong ibig mong sabihin?"—Shaina.
"Yun lang ang tanging alas ng Fairy Land sa mga invaders."
"Sa tingin mo nakuha nila yon?"—Airy
"Sa tingin ko hindi nila nakuha yon."
"Teka. Bakit naman may ganon ang mama ko?"—Airy
"Sa palagay ko ibinigay yon ng reyna sa kanya at itinago niya yon. Kung saan walang makakaalam. No clues, no quest."
"So... para saan yung pinag-uusapan n'yo?" tanong ni Shaina.
"Wala. Pinaliwanag ko lang."
Nag-isip na naman si Airy. "Locator." bulong niya.
"Search for weapons." sabi ni Pipe sa kanilang lahat.
Nag-concentrate si Airy, pumikit at binlangko ang isipan. Naghanap siya ng kahit ano sa loob ng kwarto. Wala siyang mahanap. Hanggang sa tumigil ang paghahanap niya sa isang pader na may mga pictures ng fairies.
*GASP*
"Bakit anong nangyari?" tanong ni Pipe.
"H-ha? Dito. May kung ano dito." sabi ni Airy at lumapit siya sa pader na yon.
"Tumabi ka d'yan. Ako na ang bahala." sabi ni Pipe at kinapa ang pader.
Kinapa niya ito hanggang sa may nahawakan siyang lever at bumukas na ito. Kinuha niya ang isang bagay na nakabalot sa isang itim na kapa.
"Ano yan?" tanong ni Josephine.
"Sa tingin ko tinago yan ng mama mo." sabi ni Pipe sabay abot ng bagay na nakabalot sa tela.
Binuksan ito ni Airy at napaiyak na lang bigla. "Mama. Mama. Ma! Bakit?! Hindi n'yo ko sinabihan agad na ganito kayo. Mama." humahagulgol niyang sinasabi habang kaharap niya ang itim na tela at ang wooden bow-and-arrow.
"Airy. Tahan na." sabi ni Shaina habang yakap-yakap si Airy.
Patuloy pa rin ang pag-iyak niya.
"Airy. H'wag mong hayaang yan ang gamitin ni Fright sa'yo. Yan ang magiging kahinaan mo at magiging kalakasan niya. Isipin mo na lang ang papa mo, na buhay pa at matagal ka ng gustong makita." paliwanag niya.
"Tama ka. Sasama na ko. Kailangan kong maniwalang buhay pa si papa." sabi niya at tumigil na siya sa pag-iyak.
* * *
Pumunta sila sa entrance ng gubat kung saan tatapat ang liwanag ng buwan dito.
"Airy. Mag-iingat kayo ha." paalala ni Josephine bago sila pumasok sa barrier.
"Sige. Paalam." at pumasok na sila.
Ano nga ba ang kapalaran na naghihintay sa kanila sa Fairy Land?
RUNES - isang mahikang ginagamitan ng secret discussion.
FAIRY RING - isang weapon na ginawa ng fairies to defeat the enemies.
           - isang klase ng mushroom na sinasayawan ng mga fairies for magic

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon