Fourteen

3.1K 106 2
                                    

"Handa ka na ba?" tanong ni Stairs sa kanya pagkaupo nila sa kama niya.
"Opo." sagot ni Airy. Iniabot naman ni Stairs ang kanyang kamay kay Airy.
"H'wag kang matakot na malaman ang nangyari twelve years/days ago." sabi niya at hinawakan ni Airy ang dulo ng buhok nito at nakita ang isang malaking ribbon. "Pumikit ka. Pagmulat mo, makikita mo ang lahat."
* * *
Naalala niyang lagi siyang nakikipaglaro kina Pipe, Bloom at isang lalakeng peasant.
Naalala niya din ang mga lugar na lagi niyang pinupuntahan.
"Hi Airy. Nandito ka na naman?" tanong ni Stairs kay Airy.
"Tita. May ibibigay lang po ako sa inyo." sabi ng batang Airy at iniabot niya kay Stairs ang isang malaking ribbon.
"Para saan naman 'to?"
"Ipit po sa buhok n'yo. Paglaki ko po, gusto ko kayong talian."
"Bakit hindi mo gawin ngayon?"
"Masyado pong mabigat. Hindi ko po kaya."
"Ah. Sige. Paglaki mo. Isang pangako yan ha."
"Airy! Hali ka na! Umuwi na tayo!" sigaw ng isang lalake sa baba ng tore.
"Tita. Aalis na po ako. Paalam."
"Hanggang sa muli Airy." sabi ni Stairs at ibinaba niya na ito sa bintana gamit ang kanyang mahaba at matibay niyang buhok.
Paalis na si Airy ay kumaway siya kay Stairs at tumakbo na sila sa pabalik ng palasyo.
Umaga pa lang non at kung saan saan sila pumupunta. Sunod nilang pupuntahan ang bahay ng mga Elf.
"Pipe. Alam mo ba. Nakakatakot yung tita mo. Yung susunod daw na Reyna." kwento ni Airy.
"Hm? Oo nga pero ampon lang yong si tita Fright."
"Talaga?" tanong ni Bloom.
"Oo. Inampon lang—"
"Mga bata. Saan kayo pupunta?" tanong ng isang matandang babae. Napaatras naman ang tatlong bata sa takot.
"Sa mga E-elf po. Kay ate White." sabi ni Airy habang nasa likuran niya si Pipe at Bloom.
"Maaari n'yo ba itong ibigay sa kanya? Maaari rin kayong kumain." sabi ng matanda at inabot sa kanila ang isang basket na puno ng masasarap na ubas.
"Sige po. Paalam." sabi ni Airy at tumakbo na sila ng mabilis.
"Hoo. Grabe yon ah. Maraming salamat Airy sa pagprotekta mo sa amin." sabi ni Bloom habang hinihingal.
"Tungkulin ko pong protektahan kayo." sabi ni Airy at naglakad na silang muli nang malayo na sila sa matanda.
"Airy. Bloom. May napansin ba kayo?" tanong ni Pipe bago sila pumasok sa bahay ng mga Elf.
Nung mga panahong iyon. Ang nararamdaman ni Pipe ay ang pagbaliktad ng oras. Hindi nila naisip na binago na ni Queen Fright ang mga kwento na itinakda na.
"Wala naman." sagot ni Airy.
"Oh. Airy. Hindi ko alam na muli n'yo akong dadalawin dito." mahinhing sinabi ni White. Si White ay isang prinsesa ng mga Elf.
"Uhm. May nagpapabigay po sa inyo nito. Isang matandang babae." sabi ni Airy at ibinigay niya na ang isang basket ng masasarap na ubas. "Pwede po bang pahinge?" tanong ni Airy dahil natatakam siya sa kulay ng ubas.
"Oo naman." sagot ni White.
Aksidenteng ibinigay kay Airy ang ubas na may lason. Kinagatan niya ito at nalason siya.
*cough* *cough*
"O hindi. Kasalanan ko 'to. Mahal na prinsepe. Tawagin n'yo ang ina niya. Kailangan niyang magamot." sabi ni White habang buhat-buhat niya si Airy na ubo ng ubo.
"Sige." sagot ni Pipe.
Agad namang ginawa ni Pipe ang inutos sa kanya. Patuloy lang si Airy sa pag-ubo ng dugo. Pero nang sandaling tumigil ang kanyang pag-ubo ay lumabas ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan at ngayo'y hinahatak siya ng magos ni Pipe.
Nakita niya ang nangyayari sa kanyang paligid. Napadaan sila sa Warrior city. Halos lahat ng kanyang lahi ay naubos na. Puno ng dugo ang paligid. Tumatakbo lang si Pipe para mahanap si Song. Ang mama ni Airy.
Napatigil si Pipe sa bahay nila Airy at ganon din si Airy. Nakita nila ang lola ni Airy na nakadapa sa harapan ng bahay nila. Hindi magawang umiyak ni Airy pero tulala siya.
"Song!" sigaw ni Pipe habang umiiyak dahil malapit siya sa pamilya ni Airy. "Song! Si Airy! Kailangan ka niya!" sigaw niya at patuloy ang kanyang pag-iyak.
Lumitaw si Song sa harapan ni Pipe mula sa bubong. "Mahal na prinsepe. Delikado dito." sabi ni Song habang nilalabanan ang mga bestia na lumalapit sa kanila.
"Song. Hindi mo ba ako narinig? Si Airy. Nag-aagaw buhay si Airy ngayon." humahagulgol pa rin si Pipe at nagtataka naman si Airy.
"Ano?! Anong nangyari? Nasaan siya?"
"Nasa bahay ng mga Elf." sabi ni Pipe at nagsimula na siyang tumakbo pabalik. Sinusundan naman siya ni Song at nang iba pang Fairy Warrior.
Nakapunta sila sa bahay ng mga Elf at lima na lang ang natirang Fairy warrior. Si Song, Stairs, Geo at Pen. Kasama pa si Airy as the Last Fairy Warrior. Sila ang mga Fairy Warrior na hindi naniniwala sa kakayahan ni Queen Fright.
"Song. Kailangan n'yo siyang dalhin sa mga mangagamot. Matutulungan niya si Airy." sabi Stairs habang nagmamatyag sa labas kung nasundan ba sila ng mga Bestia.
"Pero baka mahuli lang tayo ni Fright. Inubos niya na ang lahi natin. Hindi ako papayag na pati yung mga taong pinoprotektahan natin madamay."
"Song. Simula ng baliktarin ni Fright ang hour glass na yon nabago na ang kasalukuyan at hinaharap. Sinira niya ang ending ng istorya ng bawat tao dito sa Fairy Land." mahinahong sinabi ni Geo.
"Wala na tayong panahon. Magmadali na kayo at puntahan ang matandang ermitanyo." utos ni White at binuhat na ni Stairs si Airy.
Nang makapunta sila sa matandang ermitanyo ay halos kakaonti na lang silang natira.
"Anong nangyari kay Airy? Kanina lang—"
"Wala nang oras. Hinahanap na kami ni Fright. Kailangan niyang magamot." sabi ni Stairs at agad naman siyang ginamot nung matandang ermitanyo.
Nagliwanag ang buong paligid. Puno ng dilaw at kahel na kulay na magos.
*GASP*
*cough* *cough*
"Ma. Nakita ko si lola. Ma... anong nangyayari?" tanong agad ni Airy na medyo lumuluha-luha na sa sobrang takot.
"Wala na tayong oras. Pumunta na kayo sa mundo ng mga ordinaryo." sabi ni Pen.
"Sandali. Maaaring naaalala pa tayo ni Airy pero pagkatapos ng gabing ito wala na siyang alaala. Mag-ingat kayo." sabi ng matandang ermitanyo na halatang nanghihina siya.
"Salamat." sabi ni Song at tumakbo na sila papuntang lagusan pero may narinig silang malakas na boses mula sa hindi kalayuan.
"Fairy Warriors. Mahahanap ko din kayo." sabi ni Queen Fright sa kanilang mga isip.
Hindi na lumingon pa ang mga Fairy Warrior at agad nagpunta sa lagusan.
* * *
"Song. H'wag mong pababayaan si Airy ha." bilin ni Geo bago sila umalis. Tulog na si Airy kakaiyak pero kagaya ng kanina nakalabas ang kanyang kaluluwa(dream travel)
"Hindi mo na kailangang sabihin yan. Kaya ko siyang alagaan." sabi ni Song.
"Song. Hindi namin maipapangakong mabubuhay pa kami hanggang sa inyong muling pagdating pero masisiguro naming maibibigay sa iyo ng ligtas ang fairy ring at mapoprotektahan ang Fairy Land hanggang sa huli." sabi ni Pen.
"Pasensya sa lahat ng nagawa ko." sabi ni Song at umalis na siya kasama si Airy.
Naiwan ang Airy na nagde-dream travelling kaya pagdating nila sa mundo ng ordinaryo ay nananatiling gumagana ang kanyang magos.
* * *
Ilang araw na ang lumipas at nalaman ni Queen Fright na wala na sa Fairy Land ang Fairy Warrior na hinahanap niya. Agad siyang humanap ng paraan para mahuli ang mga ito at nagpasya siyang puntahan ito sa mundo ng ordinaryo.
* * *
"Manang. Si Airy pakibantayan. Bibili lang ako ng grocery."
"Opo ma'am." sabi nung katulong.
Umakyat naman si Airy sa kwarto ng step dad niya.
"Excuse me. Nasaan ang asawa ko?" mataray na tanong ni Song.
"Ma'am? Hindi po ba bumili kayo ng grocery?" nagtatakang tanong ng katulong dahil kakaalis lamang ng amo niya at ngayon ay nasa harapan niya ulit at nagtatanong kung nasaan ang asawa niya.
"Sasagutin mo ba ako o papatayin kita?" pananakot ni Song. "Nakakairita talaga ang mga ordinaryo." sabi niya sa kanyang isip.
"Na-nasa kwarto po."
"Good. Marunong ka palang sumunod." sabi niya at umakyat na sa taas.
Pagdating sa niya kwarto ay nakita niya si Airy at medyo natakot siya. Akala niya ay namatay na si Airy sa pagkain nito ng ubas na may lason. Tama. Si Queen Fright ay nagpalit bilang si Song.
"Manang. Si Airy?"
"Ma'am? Hindi po ba kakaakyat n'yo lang po sa kwarto ni Sir Roger? Mukhang kakaiba kayo ngayon."
"Sabi ko sa'yo h'wag mong iiwan si Airy."
"Pero umakyat lang naman po siya sa kwarto ng papa niya."
"Oh sige, sige. Ikaw na lang muna ang mamalengke. Take your time." sabi ni Song at pinalabas na niya agad ang katulong nila.
"Ano bang nangyayari?" tanong ng katulong at umalis na siya.
Umakyat na si Song sa kwarto ni Roger. Kutob niyang si Queen Fright ang gumagaya sa kanya. Binuksan niya agad ang pinto at naabutan niya si Queen Fright na hawak sa leeg si Airy pero hindi naman umiiyak si Airy.
"Oh. Ang bilis mo naman Song." sabi ni Queen Fright at lumayo siya kay Airy.
"Honey? Bakit? Uhm... dalawa kayo?" nagtatakang tanong ni Roger na kalalabas lang ng banyo sa may kwarto nila.
"Honey. Siya si Fright. Ako ang totoo." sabi ni Queen Fright at kumapit siya sa braso ni Roger.
"Ano? Fright. H'wag mong linlangin ang asawa ko." sigaw ni Song at kinuha niya si Airy.
"Honey. Nakakatakot talaga si Fright. Please. Patayin mo na siya." sabi ni Queen Fright kay Roger.
"Roger. Lumayo ka sa kanya." sigaw ni Song.
"Fright. Anong kailangan mo sa'min?" tanong ni Roger pero nakayuko siya.
"Ro—"
"Sabihin mo? Bakit mo ginagaya ang asawa ko? Bakit kailangan mong gawin 'to sa'min?" tanong ni Roger at nakaharap siya kay Queen Fright.
"Honey? Anong sinasabi mo? Ako 'to, si Song. Ang asawa mo."
"Si Song. Hindi niya ako tinatawag na Honey." sabi ni Roger at tatakbo na sana siya palayo kay Queen Fright pero mas mabilis si Fright at ni-wrap ni Queen Fright ang kanyang braso sa leeg ni Roger.
"San ka pupunta Honey? Ayaw mo bang makipaglambingan sa'kin?" sabi ni Queen Fright at nagpalit na siya ng anyo. Suot niya ang korona niya at nakasuot siya ng itim na gown.
"Mama. Nakakatakot." sabi ni Airy dahil nakita niya si Queen Fright na itim na ang dating maganda niyang mata.
"Ano na Song? Ibibigay mo sa'kin si Airy o papatayin ko ang asawa mo?"
"Fright. Ako na lang ang kunin mo." sabi Roger.
"Ano? Roger, anong sinasabi mo sa kanya?" tanong ni Song.
"Ipapangako namin sa'yo na pagtungtong ni Airy ng eighteen ay babalik siya sa mundo n'yo." sabi ni Roger dala ang pangamba sa kanyang mga sinasabi.
"Gusto ko yan. Pero baka mainip lang ako." sabi ni Queen Fright.
"Song. Ipangako mong babalik si Airy." sabi ni Roger ng nakangiti.
"Oh. How sweet. Sayang at hindi ko makita. Song. Nakatakda ang anak mo na labanan ako. Matatalo ako. Yun ay kung kaya niya. Pano aalis na kami." sabi niya at kumumpas si Queen Fright at may lumabas na dalawang bestia mula sa bubong. "Oh. Nakalimutan ko. Baka hindi siya tumagal. Mainipin akong tao." sabi ni Queen Fright at naglaho na lang sila ng parang bula.
Magmula non ay hindi na nila nakita si Roger. Hindi na rin maalala ni Airy ang lahat.
* * *
"Naaalala ko na ang lahat." sabi ni Airy habang tumutulo ang luha niya.

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon