Six

5.3K 157 0
                                    

Whoooosh!!!
Bigla na lang may malakas na hangin ang dumaan sa kanila. Napalingon sila sa likod at nakita ang isang serpent.
"Fairy Warrior. Labanan mo ako." sabi nung serpent.
"Ako ang labanan mo." sagot ni Pipe.
"Ang prinsepe ng mga hangal ang lalaban sa akin? Nakakatuwa."
"Prinsepe? Hindi ko alam yon ah." sabi ni Airy.
"Ipapaliwanag ko sa'yo. Unahin muna natin 'to." sabi niya habang tinatago niya si Airy sa likod niya.
"H'wag kang mangilam dito. Laban namin 'to." sabi ng serpent.
"Ako ang kalabanin mo." pagrerepresenta naman ni Data.
"Tumahimik kayo!" sigaw niya at tumalsik sa magkabilang pader sina Pipe at Data.
"Hoy. Ako ang harapin mo." matapang na sinabi ni Airy at kinuha niya ang wooden bow-and-arrow niya.
"Napakatagal mo namang magpresenta. Pinapainit mo ako lalo." sabi niya at bigla na lang nag-iba ang paligid.
Napunta sila sa isang open-field. Malakas ang hangin pero naririnig niya si Pipe na tinatawag siya pero hindi niya alam kung nasaan ito.
"Ngayon na magsisimula ang totoong laban natin." sabi nung serpent.
"Uhm. Sana patas ka lumaban."
"Patas? Nagloloko ka ba. Walang patas sa mundong ito. Mas lamang ang kasamaan kaysa sa kagaya n'yo." seryoso nitong sinabi.
Inihanda ni Airy ang kanyang wooden bow-and-arrow.
"Handa na ako."
"Kanina pa ako umatake." sabi nito at hindi na gumalaw ang katawan ni Airy.
"Ano 'to? Isang magos?" tanong niya sa sarili niya at sinusubukan niyang kumawala sa invisible thread nito.
*hissed*
SLASH!
"Ah!" sigaw ni Airy at paulit-ulit pa ito.
Tinamaan na siya ng atake ng serpent sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan. Bigla na lang din lumuwag ang enerhiya ng magos ng serpent kaya napaluhod na lang siya.
"Tatapusin na kita ngayon."
"Hindi ka totoo.*cough* *cough*" sabi ni Airy habang sinusubukan niyang tumayo. "Mabuti pang lokohin muna kita." sabi niya sa kanyang isip.
"Anong sinabi mo?"
"Hindi ka totoo."
"Totoo ako!" galit na isinigaw ng serpent. At muli itong nagwala.
"Nakakatuwa." sabi ni Airy at tumayo na siya sa pagkakaluhod. Kinuha niya ang wooden bow-and-arrow at itinutok sa serpent.
"Anong gagawin mo?"
Pumikit si Airy at nagconcentrate. "May matatanaw kang liwanag sa loob ng kadiliman." binanggit niya ang mga katagang yon na nabanggit na ng mga kaibigan niya.
Ilang beses pa siyang sinubukang atakihin ng serpent pero mas makapangyarihan na bumabalot sa kanya.
"Ano ito?" tanong nung serpent habang nakikita niyang binabalot si Airy ng liwanag.
"Ina, tulungan n'yo ako." sabi niya out loud.
Unti-unting lumiliwanag ang nasa lalamunan ng serpent. Pulang liwanag ang lumitaw. Hudyat ng pag-atake ni Airy. Ang weak point ng kalaban.
"Airy. Makapangyarihan ang weapon na yan. Tumigil ka." narinig niyang sinabi ni Pipe pero hindi pa rin tumigil si Airy.
Nagslow-mo lahat ng bagay sa kanyang paligid. Nararamdaman niyang papalapit na ang serpent sa kanya.
HIIIIISSSSS!!!! (Sabi ng serpent at binuksan nito ang kanyang bunganga.)
Binuksan niya na ang mga mata niya."Ngayon na!" sigaw niya.
SWIIIIISHHHHH!!!
CRACK!
"Hindi!" sigaw ng serpent. "Hindi ako papayag na makalabas ka ng buhay dito." sabi nito na paos at tuluyan siyang naglaho.
And for an instant. Bumalik na sa dati ang lahat. Hawak-hawak siya ni Pipe sa balikat.
"Airy. Ayos ka lang?" tanong ni Pipe.
"Oo. Pero di pa tayo tapos. Madami pa sila. Sabi nung serpent, hindi niya ako palalabasin dito ng buhay."
"Magpalakas ka muna. Kami na ni Data ang bahala dito."
"Naku Pipe. Hindi ako marunong lumaban." sabi niya.
"Kung ganon, bakit ka nagpresenta kanina?" tanong ni Pipe.
"Dahil kailangan ko kayong protektahan. Mabuti pang gamutin ko si Airy."
"Tutulong ako habang ginagamot niya ko. Kung serpents din yung darating. Alam ko na ang weak point nila...sa lalamunan." sabi ni Airy.
"Sige. Data, gamutin mo na siya." sabi ni Pipe.
"Masusunod." sabi nito at yumuko saglit. "HEAL!" sigaw niya at may asul na magos ang pumalibot kay Airy.
"Nandito na sila." seryosong sabi ni Pipe at hinanda na ang espada niya. Kinuha na rin nila ang mga gamit nila at isinuot sa likod ni Data.
"Humanda na." sabi ni Airy at napatingin sa kanya si Pipe. "Bakit?"
Ngumiti naman si Pipe. "Para ka nang isang Fairy Warrior. Pinapangunahan kami sa digmaan."
"Hindi ah."
*HISS*
Madaming serpent ang sumugod sa kanila. Tinira nila ang mga ito habang naglalakad sila pasulong.
"Anong nangyayari?" tanong ni Pipe dahil sa bawat tira nila, naglalaho ang mga serpent na parang usok.
"Ang uri ng magos ay illusion pero di ko makita ang sorcerer na gumagamit nito." sabi ni Data.
Sinubukan ni Airy na magconcentrate at hanapin ang sorcerer na sinasabi ni Data pero hindi niya ito magawa dahil nadidistract pa rin siya ng mga serpent.
"Pipe. Data. May tiwala ba kayo sa'kin?" tanong niya at patuloy pa rin siya sa pagpana.
"Oo naman." halos sabay nilang sagot.
"Hahanapin ko lang yung sorcerer. Data, lumaban ka rin."
"Hindi ko kaya."
"Kakayanin mo. Please. Kailangan konh malaman kung nasaan ang sorcerer na yon."
Patuloy ang kanilang pakikipaglaban nang biglang kumislap saglit ang buong katawan ni Data.
"Additional skill : basic but strong fighting." sabi ni Data at sinasangga na niya ang mga serpent na umaatake sa kanya.
"Wow. Ang galing non ah." sabi ni Airy at pumwesto na siya sa likod nila Pipe.
Pumikit siya at nagconcentrate na. Dumiretso ang kanyang paningin sa dulo ng subterranean. May nakita siyang kahel na magos na binabalot ang weak point nito. Bigla niyang nakita ang isang babae na nakatayo at hinihintay ang paglabas nila.
Binuksan na niya ang kanyang mga mata at nagsalita. "Nasa dulo siya nitong subterranean." sabi niya.
"Ano pang ginagawa natin?" tanong ni Pipe.
"Tara" sabi ni Data.
Inaatake pa rin sila ng mga serpent at naubusan na ng arrow si Airy at saktong tinamaan siya ng isa sa mga serpent sa may braso at nagkaroon siya saglit ng sugat pero nawala rin agad dahil napapalibutan pa rin siya ng asul na magos.
"Ano yun? Akala ko ba illusion lang 'to? Bakit solid yung atake nila?" tanong ni Airy habang nagtatago sa likod nila Data at Pipe.
"Siguro bihasa na siya at nakakaya na niyang maging solid ang lahat ng illusions niya." paliwanag ni Data.
"Teka. Bakit nagtatago ka d'yan, Airy?" tanong naman ni Pipe.
"Wala na akong arrow."
"Sige. Magtago ka lang sa likod ko. Ako na ang bahala sa'yo." sabi ni Pipe.
"Malapit na tayo." sabi ni Data.
Natatanaw na nila ang liwanag nang mawala ang mga serpent na umaatake sa kanila.
"Anong nangyari?" tanong ni Airy sa kanyang isip.
"Di ko din alam." sagot ni Pipe pagkalabas nila sa subterranean.
"Pipe. Kinakausap ko ang sarili ko." sabi ni Airy.
"Oh. Sorry. Di ko napansin."
"Ikaw pala ang Last Fairy Warrior ng FairyLand." sabi nung babaeng nasa harap nila.
"Data. Sino yan?" tanong ni Airy.
"How would he know? Di vnaman kami magkakilala." sabi nung babae.
"Siya si Fade Eave. Eighteen years old. Ang gumagamit ng illusion na nakikita natin. Wala na siyang kayang gawin at wala rin siyang weapon. Isa siyang peasant. Tama ba?" sabi ni Data.
Si Fade ay may mahabang buhok, mala-kahel ang kulay ng buhok at mata, nakasuot ng damit na bistidang sinusuot ng isang katulong sa kusina at nakasuot din ng kapang itim may hood.
"Pa-pano mo nalaman yan?" kinakabahang tanong ni Fade.
"Hindi mo na kailangan alamin." masungit na sinabi ni Airy.
Bigla na lang dumilim ang paligid nila at lumabas ang serpent na nakalaban ni Airy sa likod ni Fade.
"Paano?" tanong ni Airy.
"Hehe. Anong akala mo? Natalo mo na siya kanina?"
"Pero sigurado ako."
"Talaga?"
Tinitigan ni Airy ang serpent sa likod ni Fade at isa lang ang alam niya, hindi yan ang kinalaban niya kanina.
"Hindi totoo yan." seryoso niyang sinabi kay Fade.
"H-ha?"
"Masyado kang halata." sabi ni Airy at unti-unting nawala ang serpent sa likod ni Fade.
"Meow." sabi ni Pipe sa tabi ni Fade at nagtransform siya ulit bilang tao.
"Paanong...?"
"Matulog ka muna." sabi ni Pipe. Pinalo niya ang batok nito at sinalo.
Ano nga ba ang sunod na mangyayari sa kanilang paglalakbay? Tama nga ba ang ginawa ni Pipe na isama si Fade sa kanilang paglalakbay?
SERPENT - pinagandang term ng ahas.
- ginagamit ding term as devil.
SORCERER - another term for Magician.

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon