Forty Two

2K 61 0
                                    

"Mama." tawag ni Airy sa bestiang kaharap niya.
"Airy." bulong pa rin ni Pipe sa kanya.
Napaluha si Airy sa kanyang nakita. Tandang-tanda niya ang kulay ng mga mata ng kanyang ina.
"Ma. Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Airy at lalapit na sana siya nung biglang umungol ang bestia.
"Parang awa mo na. Tapusin mo na ang paghihirap ko." pagmamakaawa ng bestia.
"Ma. Ikaw ba talaga yan?"
"Airy. Lumayo ka sa kanya. Hindi siya ang mama mo." sabi ni Pipe at humarang na siya sa harap ni Airy.
"Tama si Pipe. Lumayo ka sa akin dahil hindi ako ito. Hindi ko na makontrol ang magos ko. Once na maramdaman nila ang magos n'yo, mapipilitan akong patayin kayo at ayokong mangyari yon. Pakiusap anak. Ikaw na ang tumapos sa'kin."
"Ma. H'wag n'yong sabihin sa'kin yan. Tatanggapin ko kayo kahit na ganyan kayo. Pakiusap Ma. Pwede naman tayong magsimula ulit."
"Airy. Sundin mo na ako. Pakawalan mo na ang kaluluwa ko at tapusin n'yo na ang kaguluhang ito."
"Pero ma..." pakikiusap ni Airy pero umungol ang bestiang kaharap niya.
"Airy. Makinig ka sa kanya. Hayaan mong ikaw na mismo ang tumapos at magpalaya sa kaluluwa ng mama mo." sabi naman ng isang boses na lagi niyang naririnig.
Maya-maya pa ay kusang inangat ni Airy ang kanyang wooden bow and arrow at itinutok ito sa bestia habang nanginginig.
"Ma. Ayokong gawin 'to sa inyo." sabi ni Airy habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Airy. Gawin mo na. Para sa ikabubuti ko." sabi ng bestia.
"Airy. Ano bang ginagawa mo?"
"Pipe. Tulungan mo ko. Ayokong patayin ang mama ko. Pakiusap."
"Airy. Kung ano ang nararamdaman mo, gawin mo na. Wala na tayong oras." sabi ni Pipe habang pinagmamasdan ang nalalabing panahon ng buwan.
"Ma. Patawad." sabi niya at agad niyang natukoy ang weak point ng bestia.
Nakita ni Airy ang mukha ng mama niya. Nakangiti at malayang-malaya na mula sa pagkakagapos sa bestiang katawan niya. Pinakawalan na ni Airy ang palaso niya at tumama ito sa mismong puso ng bestia.
Lumabas na ang kaluluwa ni Song at hinalikan si Airy sa noo habang humahagulgol na siya sa pag-iyak. Nakangiti siya(Song) at itinuro niya ang daan patungo kay Queen Fright.
Naramdaman naman yon ng lahat kaya agad silang kumilos papunta sa lugar kung nasaan si Queen Fright.
"Airy. Tama ka. At kung anuman ang sinabi sa'yo ni Song, tingin ko disedido na siyang talunin si Fright. Airy halika na. Nauubusan na tayo ng oras." sabi ni Pipe.
"Tama ka. Isa akong Fairy Warrior at tungkulin kong ipagtanggol ang buong Fairy Land." sabi ni Airy pagkatapos niyang punasan ang mga luha niya.
Tumakbo sila patungo sa kwarto ni Queen Fright.
"Airy!" sabay-sabay na tawag ng lahat sa kanya.
Sabay-sabay nilang binuksan ang pintuan ng kwarto ni Queen Fright na may kasamang pwersa at nakita ang liwanag ng buwan na pababa na sa trono niya. Agad nagpakawala si Airy ng palaso at nawala ang postura ni Queen Fright kaya naman hindi natuloy ang pagsalin ng magos.
"Ugh. Hindi ko inaasahan na aabot kayo." sabi ni Queen Fright.
"Papa!" sigaw ni Airy ng makita niya ang papa niya na nakahandusay sa gilid ng hourglass na kasing laki ng tao.
"Ai-" sabi ni Roger at nalagutan na siya ng hininga dahil sa patuloy na paghigop ng hourglass sa kanyang life-force.
"Heh. Bibigay ka rin naman pala. Pinahirapan mo pa ang sarili mo." natatawang sinabi ni Queen Fright.
Lalong nagalit si Airy at ikinatuwa iyon ni Queen Fright.
"Airy." tawag sa kanya ni Pipe.
Hindi siya pinansin ni Airy at tinutukan ni Airy si Queen Fright ng palaso niya. Pinaulanan niya si Queen Fright ng palaso niya at lahat yon ay tumama sa lahat ng bahagi ng katawan niya.
"Yes!" pagbubunyi ng lahat.
Pero hindi pala ganon kadali iyon. Inaakala nila na patay na si Queen Fright pero nagsisimula palang ang gabi nila.
"Hihihi. Akala n'yo ba ganon na lang yon kadali?" tanong ni Queen Fright. "Pwes. Tanggapin n'yo ito. Esrever."
*Esrever - means Reverse
Matapos sabihin ni Queen Fright ang salitang yon ay bumalik kay Airy ang mga palaso na ibinato niya kay Queen Fright. Nadaplisan sila sa mga bahagi na ikinamatay nila sa vision ni Risk.
"Paanong nakakagamit ka ng spell?" tanong ni Risk.
"Heh."
"Airy. Ako 'to. Si Wood. Ang Fairy Ring mo. Kailangan mo na akong palabasin." sabi ni Wood sa isip ni Airy.
Bago pa man siya magdesisyon ay nagpakawala ng madaming bestia si Queen Fright mula sa hourglass.
"Pipe sa likod mo!" sigaw ni Airy. Agad namang sinaksak ni Pipe ang bestia.
"Airy!" sigaw naman ni Drown at humarang siya sa harap ni Airy at tinanggap ang kalmot ng bestia.
"Drown. Bakit mo ginawa yon?" sabi ni Airy habang pinagmamasdan ang nakalmot na braso ni Drown.
"Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari ang nakatakda." sabi ni Risk sa kanyang isip. Pero kahit ganon. Hindi niya alam kung paano mapipigilan ang hinaharap nila.
"Wala na kayong magagawa pa. Nandito ako para maghari. Konting panahon na lang at mapapasa'kin na rin ang buong Fairy Land." sabi ni Queen Fright habang nakatayo pa rin siya sa harapan ng trono.
"Risk. Mag-concentrate ka." sabi ni Kill sa kanya at nakipaglaban nga siya gamit si Season.
"Wala na ba tayong ibang paraan?" tanong naman ni Fade sa gilid ni Drown.
"Isa lang ang nakikita kong solusyon." sabi naman ni Data at pinoprotektahan niya si Fade sa mga gustong manakit sa kanya.
"Ano yun?" tanong ng lahat maliban kay Risk na noo'y nakikinig lang sa kanila.
"Kailangan nang tawagin ni Airy ang mismong nagbabantay sa fairy ring na hawak niya."
"Yun na lang ba ang paraan?" tanong ni Airy.
"Yun na lang."
"Hindi pwede." pagsingit ni Risk. "Hindi n'yo pwedeng gawin ang nakatakda. Mamamatay tayong lahat."
"Risk. Wala ka bang tiwala sa'kin?" tanong ni Airy habang pinoprotektahan sila nila Pipe mula sa mga bestiang umaatake.
"Pero Airy. Delikado ang buhay natin sa gagawin mo."
"Magtiwala ka na kakayanin kong makontrol ang weapon ko." sabi ni Airy.
Walang pagdadalawang-isip na ginawa ni Airy ang biglaang pagtawag sa fairy ring.
"Fairy ring, Wood. Tinatawag kita ngayon sa aking harapan. Lumabas ka!" sigaw ni Airy at bigla na lang siyang nagliwanag at matapos ay nawalan ng malay.
"Airy!" sigaw ni Drown at sinalo niya si Airy mula sa pagkakabagsak.
Isang babae ang lumabas sa kanya weapon. Maikli ang buhok niya at may pakpak ito na katulad sa mga fairies.
Makakatulong nga ba siya o siya ang sisira ng lahat ng pinaghirapang abutin nila Airy? Magigising pa ba si Airy o tuluyan na rin siyang higupin ni Wood?

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon