Twenty

2.3K 82 2
                                    

Mano-manong binabaybay nila Airy ang Cursed City sa kalaliman ng gabi. Nakatitig lang si Airy kay Drown at nakatitig naman sa kanya si Pipe at nakatitig naman kay Pipe si Bloom habang si Data at Fade ang nagbabantay sa labas.
Naisipan ni Airy na tignan si Pipe at laking gulat niya na nagkatitigan sila. "Pipe. Bakit? May problema ba?" tanong ni Airy.
Umiwas naman ng tingin si Bloom at kunwaring may inaayos sa tabi ni Drown. Pagkatapos non ay lumabas siya at nakipagkwentuhan kina Fade at Data.
"Maglaro tayo ulit." sabi ni Pipe.
"Anong laro?"
"Basahan ng isip."
"Huh? Alam mo namang hindi ako marunong."
"May gusto lang akong malaman."
"Tanungin mo na lang ako."
"Saan ka ba galing nung natulog ka?"
"Saan?"
"Oo. Saan?"
"Sa past ko."
"Past mo?"
"Ahahaha. Hindi ko kayang sabihin." sabi ni Airy sa isip niya.
"Sabihin mo na." sabi ni Pipe at lumapit siya kay Airy.
"Pipe. Naalala mo ba yung time na nag-usap tayo tungkol kay Drown." sabi ni Airy at lumayo na ulit si Pipe sa kanya.
"Oo bakit?"
"Naalala ko na sinabi ko sa'yong may gusto ako sa kanya."
"Bakit mo sinasabi yan?"
"Hindi ko alam. Gusto ko lang sabihin sa'yo kasi parang kuya na ang turing ko sa 'yo." sabi ni Airy.
"Mabuti naman at naisipan mong sabihin sa akin yan kahit alam ko na ang bagay na tungkol d'yan." sabi ni Pipe at inilapat niya ang kamay niya sa ulo ni Airy.
Yumuko naman si Airy at nalulungkot dahil hindi niya kayang sabihin kay Pipe ang mga nakita niya nung natulog siya.
Tinitigan siya ni Pipe pero wala siyang mabasa na kahit ano sa isip nito. "Airy. Anong bang nangyayari? Bakit hindi ko mabasa ang nasa isip mo ngayon?"
"Wala naman akong iniisip eh. Pipe, nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap." sabi ni Airy at hinawakan niya ang kamay ni Pipe.
"Huh? Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Pipe. Si Fright ang pumatay sa buong pamilya mo. Ipinakita sa akin ni Prinsesa Voice ang lahat. Kailangan nating kumilos." sabi ni Airy sa isip niya.
Bigla namang nag-init ang ulo ni Pipe at nagsalita. "Bakit ngayon mo lang yan sinabi? Bakit ngayon kung kailan ayos ako?"
"Wala akong ibang pagpipilian."
"Pagpipilian? Sana nung araw na yon mo na sinabi sa akin. Yun na ang pagpipilian mo. Airy, matagal ko ng iniisip na parang may nawawala sa alaala ko. Ipinagdamot mo ang karapatan ko na malaman ang totoo."
"Sige Pipe. Ipinagdamot ko na. Yun din naman ang ginawa ng ate mo nung una palang. Binago niya ang iniisip mo nung gabing narinig mo ang usapan ng isang servant at Fright. Binago at itinago ka niya para makaligtas."
"Imposible. Namatay sila dahil nahulog ang brougham na sinasakyan nila sa bangin."
"Yun ang ipinalit ng ate mo sa alaala mo. Ayaw niyang masaktan ka."
"Hindi. Sarili mo lang ang iniisip mo."
"...Tandaan mo, kayang kontrolin ni Fright ang isang tao kapag nararamdaman niya ang negatibong magos nito. Kailangan mong pigilan yon sa mga kasamahan mo. Lalo na si Pipe kung sasabihin mo ang nakita mo." bigla na lang sumagi sa isip niya ang mga katagang yon at ang mga pangyayaring nakita niya.
"Pipe. Ano bang sinasabi mo? Ilang gabi ko ng pinag-isipan 'to. Kaya ngayon ko lang sinabi dahil hindi ako sigurado sa mga nakita ko."
"Nakita mo?" tanong ni Pipe at feeling ni Airy ay kumakalma na si Pipe.
"Oo. Doon kasi, pinatay ka na ni Fright pero nung Coronation day niya ay nandoon ka at kasama ko."
"Huh? Dalawa ako?"
"Tama! Ibig sabihin yung pinatay non ni Fright ay illusion lang..."
"...at para talaga sa atin yung ubas."
"Oo, dahil nalaman niyang buhay ka pa at gusto niya rin akong patayin. Kasama pa ng ibang kakalaban sa kanya." sabi ni Airy at nanumbalik na ang positibong magos ni Pipe.
"HO!" sigaw ni Data dahil tumigil na lang bigla ang kabayo nila. Dead end. Ibig sabihin, hihintayin nila ang bilog na buwan ngayong gabi.
"Mukhang dito na muna tayo magpapalipas ng gabi." sabi ni Data at gumawa na sila ng camp.
Nakatulog agad ang lahat maliban kay Airy at Fade. Nakaupo sila sa may driver's seat at di makatulog.
"Airy. May gusto sana akong sabihin sa'yo."
"Ano yun?" tanong ni Airy habang nakatingin sa daan.
"Airy may alam ka ba sa mga kambal?" sabi niya.
Napatingin naman si Airy kay Fade. "Huh?"
"Alam mo ba na nararamdaman ng isa ang nararamdaman nung isa."
"Ah. Oo. Kambal nga diba?"
"Tama. Delikado ngayon si Drown."
"Bakit naman?"
"Baka kasi makontrol siya ni Queen Fright dahil sa'kin. Minsan na akong naging alagad ni Queen Fright."
"Teka. Ibig bang sabihin kapag nasaktan ang isa ay masasaktan din yung isa?"
"Tama."
"So kapag namatay ang isa. Mamamatay din yung isa?"
"Tama."
"Ang hindi ko lang maintindihan ngayon... bakit ka gising samantalang siya natulog ng napakatagal?"
Nagulat si Fade sa sinabi ni Airy pero nagawa niya pa ring sumagot. "Airy hindi naman sa lahat ng oras ay parehas kami. Pero ito ang tandaan mo. As long as ligtas ang isa, magiging ligtas din ang isa."
"Ganon ba?"
"Isa pa pala. Si Drown yung taong hindi kayang suportahan ang sarili niya. Mas madalas na siya ang inililigtas kaysa sa siya ang nagliligtas. Yun ang kaibahan namin."
"Kung ganon. Bakit siya hinahanap ni Fright?"
"Dahil sa magos niya. Gustong patayin ni Queen Fright si Drown dahil ang magos niya ang pinakamakapangyaringang illusionist ay panlima sa limang makapangyarihan na magos dito sa Fairy Land."
"Panlima? Sino yung mas naunang apat?" tanong ni Airy.
"Ah... eh..."
"Ih Oh Uh? Ano nga?"
"Hindi ko na alam. Basta Airy. Protektahan mo si Drown kung sakali mang mawala ako."
"Woah woah woah. Parang sinasabi mong mawawala ka?"
"Hindi naman sa ganon. Sinasabi ko lang. Inihahanda ko lang kayo sa posibleng mangyari." sabi ni Fade at niyakap niya si Airy.
"Teka. Anong ginagawa mo?"
Hindi nagsalita si Fade at nakangiti lang. "Pipe. Alam kong nakikinig ka rin. Nakikiusap rin ako sa'yo na protektahan mo si Drown pati si Data."
Sa loob ng prairie wagon ay gising ang lahat. Si Bloom, nakatalukbong ng kumot habang nakikinig. Si Data, nakaupo sa tabi ni Drown habang nakikinig. At si Pipe, sa mismong likuran nila, nakacross-arms at nakapikit.
"Naiintindihan ko." bulong ni Pipe sa sarili niya.
Lumipas pa ang oras pero hindi napansin ni Data na illusion na pala ang binabantayan niya. Nasaan na ba si Drown? Malagpasan pa kaya nila ang pasubok na ito?

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon