Fifteen

2.9K 96 1
                                    

"Saan ba tayo susunod na pupunta?" tanong ni Fade.
"Pupuntahan na natin si Drown." sabi ni Airy paglabas nila ng kwarto makalipas ng ilang oras.
"Sa Cursed City? Pero delikado don." sagot ni Salt.
"Habang nandito ako kaya ko silang protektahan. Isa pa, hindi ako kasing delicate at light kagaya ng pangalan ko." matapang na sinabi ni Airy.
"Airy. Ayos ka lang ba?" tanong ni Pipe at lumapit siya kay Airy.
"Ahahaha. Oo naman. Sa tingin ko, naibalik na sa akin ang tatak ko bilang isang Fairy Warrior. Ano? Tara na? Mahaba pa ang lalakbayin natin para talunin si Fright."
"Oo nga." sagot ni Bloom.
"Ah. Bloom, Pipe..." sabi niya at lumuhod siya sa harap nila habang nakayuko, tanda ng paggalang. "...maraming salamat sa lahat ng tulong na binigay n'yo sa'kin twelve years/days ago. Utang ko sa inyo ang buhay ko." sabi ni Airy habang pinipigilan niya ang luha niya.
"Airy. Hindi mo na kailangang gawin yan. Kaibigan ka namin kaya namin ginawa yon." sabi ni Bloom at inangat na niya si Airy. Nakangiti naman si Pipe dahil sa wakas naaalala na siya ni Airy.
"Simula ngayon. Ako ang poprotekta sa inyong lahat." sabi ni Airy.
"Ako rin." sabi ni Data. "Sasali ako. Tutal ako naman ang in charge sa simula pa lang." sabi niya habang bahagyang nakangiti.
"Alam ko."
"So... hahanapin ba natin ang kapatid ko o hindi?" tanong ni Fade.
"Sasamahan mo ba kami?" tanong ni Pipe. Gusto niya kasing ilabas na ni Fade ang mga nararamdaman niya.
Nakatitig ang lahat sa kanya. Hinihintay nilang sumagot si Fade. "Oo na. Tutulong na." masungit na sinabi ni Fade.
"Talaga?"
"Oo na. Para sa kapatid ko 'to ha. Sa kanya lang."
"Tara na." pag-aaya ni Airy.
"Teka. Hindi ba kayo kakain?" tanong ni Stairs.
"Ah. Bukas na lang tayo magsimula. Kain muna tayo." sabi ni Airy.
"Airy. Kahit kailan talaga." bulong ni Bloom.
Kinabukasan ay agad silang nagpaalam kay Salt at Stairs.
Binigyan sila ng konting magos ni Salt kung saan nakatago sila sa katauhan ng ibang tao na hindi mahahalata ni Queen Fright.
Sumakay na sila sa barko kasama ng mga seafarer at hindi nga sila nahalata ng mga 'to. Isinama nila ang prairie wagon nila na nakalagay sa ilalim ng barko.
Nasa isang kwarto sila at tulog na ang lahat maliban kay Airy na iniisip ang mga nakita niya. Tatlong araw ang kanilang biyahe bago sila makababa sa Cursed city.
"Gising pa ako. Pwede mo akong kausapin." sabi ni Pipe habang nakatingala sa kisame.
Si Data ang nasa pagitan nilang dalawa.
"Nababasa mo siguro ang iniisip ko ngayon noh?" tanong naman ni Airy na nakatitig din sa kisame.
"Hindi. Alam ko lang."
"Pipe. Nung nakita mo ang city namin na ganon ang nangyari... nandon din ako."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nung kinain ko yung ubas na may lason. Lumabas ako sa katawan ko at sumama sa'yo."
"Airy. Hindi ko alam na ganon ang mangyayari..." nangangarag ang boses ni Pipe habang sinasabi yon at napaupo siya. "...gusto kong labanan si Fright non. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya kailangang gawin ang mga bagay na 'to. Airy, hindi ko sinasadya na maubos ang lahi n'yo." sabi ni Pipe at umiiyak na siya.
Tumayo naman si Airy at pumunta sa sa tapat ni Pipe. "Pipe. Wala kang kasalanan. Hindi ako nag-iisa pero ako nga ang huli sa lahi namin."
"Anong ibig mong sabihin?"
Niyakap ni Airy si Pipe. "Nandyan pa si Tita Stairs at umaasa akong makikita pa natin sila Geo at Pen."
"Sila ang—"
"Hm." sabi ni Airy at tinignan nya sa mata si Pipe. "Sila ang natitira pang Fairy Warrior na nagdala sa'min ng fairy ring." natutuwang sabi ni Airy.
STOPM! STOMP! STOMP!
Kalabog ng mga paa sa labas. Nagising naman ang lahat. Tumayo na si Pipe at Airy at kinuha ang kanya-kanyang armas.
Lumabas silang lahat at pumunta sa may deck. Naabutan nilang nagkakagulo ang lahat ng seafarers na nasa barko. Tumingin sila sa dagat at bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.
Hinila ni Data ang isang seafarer at tinanong. "Anong nangyayari dito?" tanong niya.
"A-ah. Ina-ina-inaatake na naman tayo ng mga capybara." sabi nung seafarer at tumakbo na papasok sa loob.
"Capybara? Ngayon ko lang narinig yon ah." sabi ni Airy habang malalim ang iniisip ni Data.
"Capybara. Isang uri ng hayop na walang buntot at naninirahan sa tubig." paliwanag ni Data nung nahanap niya ang tamang paliwanag non.
"Sa tingin ko kagagawan 'to ng kapatid ko." sabi ni Fade.
"Hindi natin masisigurado kung hindi tayo kikilos." sagot ni Airy.
"Kung kikilos tayo ngayon. Makakahalata sila at ang mas masaklap pa, baka utusan sila ni Fright." sabi naman ni Bloom.
"Bloom. Tsaka na nating isipin yan. Ang isipin dapat natin ay yung kaligtasan ng bawat isa." sabi ni Airy.
Sa kabilang banda naman ay natataranta na ang mga seafarer. Nananatili namang kagalang-galang ang kapitan nila.
"Kapitan! Kapitan!" sigaw nito sa kanya.
"Ano yon?" tanong nung Kapitan ng barko sa kanyang tauhan habang nagtatali ng lubid.
"Inatake na po ng capybara ang ilalim na bahagi ng barko natin. Gumagawa po sila ng butas para makapasok dito." sabi nito.
Pinakikinggan naman nila Airy yun.
"Kailangan ata natin silang tulungan. Delikado ang prairie wagon natin sa baba." sabi ni Bloom kay Fade.
"Bloom!" "Fade!" sabay na sigaw ni Data at Pipe at idinapa nila sila Airy.
"Kailangan n'yo rin ba ako?" pang-aasar ni Airy.
* * *
"Servant. Servant. Sabihin mo sa akin kung nasaan ang Fairy Warrior." sabi ni Queen Fright sa isang servant niya.
"Papunta po sila kay Drown. Nilalabanan nila ngayon ang mga illusion na ginawa niya."
"Good. Natutuwa akong sila ang humahanap sa'kin. Gusto ka na niyang makita Roger. Excited ka na ba?"
"H'wag mo siyang patayin." parang naghihingalong sagot ni Roger. Lumagpas na siya sa kanyang totoong lifespan.
"At bakit kita susundin? Ako ang reyna kaya ako ang masusunod." naiinis na sabi ni Queen Fright at napatingin siya sa servant niya na nasa harapan niya. "Bakit nandyan ka pa? Umalis ka na."
"Masusunod po." sabi nung babaeng servant.
Dumiretso siya sa bahay niya at tumapat sa isang pader. Hinila niya ang lever sa gilid na hugis lapara at bumukas ang totoong pinto ng bahay niya na nasa isang subterranean.
Nagagawa niyang iwan sa pekeng bahay ang bahagyang magos niya kaya hindi nahahalata ni Queen Fright na may tinatago siya.
"Ma. Hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay."
"Dahil ginagamit niya ang magos niya ng hindi niya alam."
"Ganon po ba?"
"Risk. Kailangan mong tulungan sila Airy. Kailangan mong malaman ang tunay mong magos."
"Paano kung mahuli ako ng kawal ni Queen Fright?"
"Makakalabas ka dito ng hindi alam ni Queen Fright. Umalis ka na ngayon. Anak. Hindi alam ni Queen Fright na may anak ako. Kaya iisipin niyang ako ang huli sa lahi natin. Ligtas ako."
"Ma. Mag-ingat kayo dito. Babalik ako kasama sila Airy. Ibabalik natin ang anong dapat sa'tin."
"Mag-ingat ka rin"
Umalis na si Risk at sinimulan ang paghahanap kina Airy.
Mahanap kaya niya agad si Airy? o siya ang mahanap ni Queen Fright?
SEAFARER - ibang tawag sa sailor sa Greek.
CAPYBARA - isang uri ng hayop na walang buntot at nakatira sa tubig.

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon