Seventeen

2.6K 89 0
                                    

"Maraming salamat sa tulong n'yo." paalam ni Prinesepe Fare kina Airy pagkababa nila sa Cursed City.
"Tandaan n'yo. Mawawala lang yang pagiging invisible n'yo kapag nakalayo na kayo dito." sigaw naman ni Pipe habang lumalayo sa kanila ang barko ng mga seafarers.
Nang makalayo na ang barko nila ay sabay-sabay silang lumingon sa itsura ng Cursed City.
"Ganito ba talaga 'to?" tanong ni Airy dahil hindi pa siya kailanman nakapunta doon.
"Oo. Since nandito si Drown." sagot ni Data.
Binaybay na nila ang daanang hindi naman nila alam kung saan pupunta. Ilang araw na silang naglalakbay sa loob ng Cursed City at laking pasasalamat nila na walang kahit ano doon. Wala pang nagpapakita sa kanilang mga bestia. Nagpapalipas sila ng gabi sa isang malaking puno sa tabi ng ilog.
Magkatabing pinagmamasdan nila Airy at Pipe ang apoy sa kanilang bonfire habang ang lahat ay tulog na.
"Yung swordsmanship mo. Hindi mo pa natututunan yon ah." sabi ni Pipe kay Airy.
"Ha? Oo nga eh. Sabi nga sa'kin ni Data na kailangan ko raw hasain yon bago ko mapagtanto na wala akong weapon para pansalo kapag wala na akong pampana."
"Gusto mo bang turuan ka namin?"
"Pwede. Pero hindi ngayon. Pagkatapos na nating hanapin si Drown." sabi ni Airy at nagkatinginan silang dalawa.
Naisip ni Pipe na itanong kay Airy ang isang bagay na gusto niyang itanong pagkatapos niyang maalala lahat.
"Airy. Hindi mo ba maalala si Drown?"
"Si Drown? Anong meron sa kanya? Hindi eh."
"Sa tingin ko nga. Airy... may gusto sana akong sabihin sa'yo." nakayuko nyang sinabi.
Lumapit naman ng konti si Airy sa kanya at humikab. "*yawn* Tungkol saan?"
"Tingin mo, magiging maayos ang lahat?"
"Ma...magiging maa...yos din ang lahat." sabi ni Airy at nakatulog na siya.
FLASHBACK
"Pipe. Taya ka na naman." sabi ni Airy.
"Ah. Ayoko na ng larong yan. Basahan na lang tayo ng isip." pag-aaya naman ni Pipe.
"Huh? Lugi ako. Magaling ka don eh."
"Sige na. Subukan mo lang."
Tumingin saglit sa halamanan si Airy at saka tumingin ulit kay Pipe. "Hm. Sige na nga."
"Sige. Ako mauunang magbasa. Magsabi ka ng kahit ano sa isip mo tapos sasabihin ko."
"Sige." sagot ni Airy at nagsimula na sila. "Napakaganda ko." sabi ni Airy habang nakangiti.
"Sabi mo napakaganda mo."
"Aba. Aba. Ikaw naman." sabi ni Airy.
"Baliw ka."
"Ayos ha. Hindi ako baliw noh."
"Paano mo nabasa yon?"
"Isang sikreto yun."
"Sige. Isa pa. Airy. Ang ganda mo."
"Syempre, maganda talaga ako. Ako naman ang basahan mo."
"May sikreto ako pero h'wag mong sasabihin kahit kanino." sabi ni Airy sa isip niya at tumango naman si Pipe. "May kaibigan ako at napakagwapo niya. Sa katunayan, gusto ko nga siya eh." natutuwang sabi niya.
"Sino? Ako?" tanong ni Pipe.
"Shh. Baka may makarinig." sabi ni Airy habang nakapatong ang kanang kamay niya sa bibig ni Pipe. "Syempre hindi ikaw. Si Drown. Yung bagong dating sa palasyo n'yo na peasant? Ang gwapo niya diba?"
"Talaga lang ha."
"Oo nga. Ang kaso hindi kami nag-uusap masyado. Parang masungit. Isang beses ko lang siya nakausap."
"Anong kulay ng buhok niya?"
"Malamang kahel. Yun ang palatandaan ng lahi nila, hindi ba?"
"Airy. Nababasa mo ba ang isip ko? tanong ni Pipe. Akala niya sa sarili niya ay sa isip niya lang sinasabi yon pero yung totoo ay sinabi niya yon out loud.
"Oo naman."
"Teka? Narinig mo talaga yung sinabi ko?"
"Natural. Ano ako bingi?"
"Teka. H'wag mong sabihing sinasabi ko lahat ng yon ng malakas?"
"Oo. Kanina pa."
"Yung mga nasa isip ko kanina. Nababasa mo ba talaga yon?"
"Syempre hindi. Hindi naman ako kasama sa royal family eh."
"Huh? Paano mo nalalaman?"
"Sa tulong ng mahal na prinsesa. Yung ate mo." sabi ni Airy at bigla na lang lumabas ang si Prinsesa Voice sa gilid niya.
"Hi. Kamusta?"
END OF FLASHBACK
"Haha. Siguro maaalala mong gusto mo si Drown pag nagkita kayo ulit." sabi niya at hinawa niya ang buhok ni Aory na nasa mukha niya.
"Hm." sabi ni Airy at mahibing na siyang natutulog sa braso ni Pipe.
Tumingin si Pipe sa kanya at napangiti na lang. "Salamat at napiling mong sumamanpabalik ng FairyLand."
"Pipe." tawag ni Bloom sa kanya at tumabi siya sa tabi ni Airy.
"Bloom, di ka pa pala tulog." sabi naman ni Pipe.
"Kamusta ka?"
"Mabuti naman."
"Eh ang nararamdaman mo kay Airy?"
"Nararamdaman ko kay Airy?"
Tumingin si Bloom kay Pipe.
"Wala… hindi mo pa ba dadalhin si Airy sa loob para maihiga? Baka magdream travel na naman yan." sabi ni Bloom
"Ahh. Oo nga. Mabuti pa nga. Ikaw? Di ka pa matutulog?" tanong ni Pipe at binuhat niya na si Airy.
"Hindi pa. Ako na ang magbabantay dito."
"Babalik ako." sabi ni Pipe at tumalikod na siya.
"Sa ilang taon na nanalagi siya sa ibang mundo. Wala ka ng inisip kundi ang nararamdaman niya."
"Dahil nag-aalala ako sa kanya." sagot ni Pipe.
"Teka. Akala ko dinala mo si Airy sa loob?" nagulat si Bloom sa pagbalik ni Pipe.
"Iniabot ko siya kay Data." sagot ni Pipe at umupo siya sa tabi ni Bloom.
"Nag-aalala ka sa kanya… sa akin, hindi?" ayaw sabihin ni Bloom ang mga gusto niyang sabihin.
"Bloom. Kung may magugustuhan kang lalake. Sino yon?" sabi ni Pipe para maiba ang pinagkukwentuhan nila habang nagbabantay.
"Ha? Wala." natataranta niyang sagot. Tumingin si Pipe sa kanya at wala siyang mabasa sa isip ni Bloom kundi ang saber niya.
"Katulad ng dati. Kapag ayaw mong mabasa ang iniisip mo, iniisip mo lang ang saber mo. Sino kaya yan."
"Matulog ka na nga." sabi ni Bloom.
"Mabuti pa nga." sabi niya at dumantay siya sa braso ni Bloom.
"Kailanman. Hindi ko inisip na magustuhan mo ako. Ang gusto ko lang ay pahalagahan mo ako gaya ng pagpapahalaga mo kay Airy." sabi ni Bloom sa isip niya na narinig ni Pipe sa pero nagkunwari siyang hindi niya narinig iyon.
* * *
"Airy. Pagmasdan mo ang nakaraan." sabi ng isang boses. Boses ng isang babae na nakasuot ng puti at mahabang damit.
"Huh? Sino ka?" tanong ni Airy.
"Pagmasdan mo ang nangyari sa amin bago pa man dumating ang kasalukuyang panahon ngayon."
Sino nga kaya iyon at ano ang tinutukoy niya? Makakatulong ba ito o palalalain lang nito ang sitwasyon ng isa sa mga kasama niya.

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon