Thirty Six

1.9K 70 0
                                    

"Hindi kita iiwan. Nasa tabi mo lang ako lagi." sabi ni Fade at unti-unti na siyang nawawala. Simula sa paa pataas. Naglalaho siya na parang usok. "Pa…alam Da…ta." sabi ni Fade at tuluyan na siyang naglaho kasabay ng malamig na hangin ng gabi.
"FAAAAAAAAAAAADE!" sigaw ni Data at yun ang huling narinig ni Fade bago siya tuluyang magising.
*GASP*
"Buti naman at nagising ka na." sabi ng mama ni Risk.
"Sino kayo? Anong ginagawa ko dito?" tanong ni Fade habang hinahabol niya pa ang kanyang paghinga.
"Nandito ka sa bahay namin at ako si Ice. Mama ni Risk."
"Kailangan kong bumalik doon. Kailangan nila ng tulong ko." pagpupumilit niya.
"Alam mo na pa lang totoo ang panaginip mo?" sabi ni Ice habang nagtatahi ng damit.
"Babalikan ko sila." sabi niya.
"Hindi pwede." sabi ni Ice at pinipigilan na niya si Fade na tumayo.
"Bakit? Kailangan nga nila ako. Kailangan ako ni Da-"
"Hindi nga pwede dahil napapaligiran tayo ng mga tauhan ni Queen Fright. Mahuhuli ka nila." sabi ni Ice at hawak na niya ang balikat ni Fade.
"Gusto mo ba talagang tumulong sa kanila?" tanong ni Ice.
At tumango naman si Fade.
"Magsanay ka. Malapit na sila rito at kakailanganin nila ang tulong mo." sabi ni Ice.
Nabuhayan naman ng loob si Fade at pumayag sa kasunduan ni Ice.
"Hm. Ano bang pangalan mo?" tanong ni Ice pagkatapos kumalma ni Fade.
"Fade. Ako si Fade Eave." sagot niya.
* * *
Madalas siyang nagsasanay kapag gabi na, kapag dumating na si Ice mula sa pagsisilbi kay Queen Fright. Ilang linggo na siyang nagsasanay at sa tingin niya sapat na yon para tumbasan ang lakas nila Airy.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Fade kay Ice habang nagbebenda ng sugat mula sa pagsasanay niya kanina.
"Ayos lang ako. Kailangan nating humanap ng ibang paraan para matulungan sila Airy. Wala na tayong oras."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nalalapit na ang pangatlong bilog na buwan."
"Alam nating lahat yun."
"Fade, pag nagkataon. Madali na lang sa kanya ang talunin kayo."
"Naiintindihan ko. Kinakailangan nating bawasan ang mga tao sa kulungan ni Queen Fright." sagot ni Fade.
"Pero paano? Hindi mo pa kabisado ang mga galaw mo. Baka makontrol ka lang ulit ni Queen Fright."
"Ako ng bahala. Dito ko na lang sila dadalhin. Kaya mo pa naman diba?"
"Kaya ko pa pero mag-ingat ka. Paglabas mo dito may malaking puno sa di kalayuan. May sikretong lagusan doon patungo sa kulungan. Dadaan ka sa isang subterranean pero magmatyag ka dahil nagpapatrol ang mga martial sa parteng yon. Sa kulungan ni Ellie, may nilagay akong simbolo doon. Simbolo ng fairy ring. Isang kabute na may dalawang espada sa gilid. Pihitin mo yon at may makikita kang lagusan na maglalayo at maglalabas sa inyo sa loob na yon." sabi ni Ice.
"Saan ba ang labas non."
"Malayo sa palasyo at nakaharap yon sa likod ng bahay na 'to." sabi ni Ice.
"Naiintindihan ko." sabi niya at tumayo na siya. "Simulan na natin 'to." sabi ni Fade.
* * *
Agad ngang kumilos si Fade. Gabi na non. Pumunta na siya sa sinabing puno ni Ice. Pumasok siya doon at nakita niya ang isang subterranean na nagkokonekta sa mismong kulungan ng palasyo. Madali lang siyang nakapasok doon.
"Hoy. Ikaw." sabi ng isang martial na nakasalubong niya. Buti na lang ay nasa dilim siya kaya may panahon pa siya para makagawa ng illusion.
"Lumingon ka dito." sabi nung martial at humarap na si Fade. Si Helium pala yon. Ang matalik niyang kaibigan nung bata pa sila ni Drown. Hinulma niya ang sarili niya ayon sa pinakamalapit na kasamahan niya bukod sa kanya.
"Kamusta?"
"Ikaw pala Just. Teka. Akala ko ba di ka nakaligtas mula doon sa atake ng fairy warrior." sabi nung martial.
Lumapit naman si Fade sa kanya.
"Ganon ba?" tanong niya at binatukan niya si Helium.
Pok!
"Aray. Bakit mo ginawa—sir." sabi ni Helium at nagulat siya sa nakita niya.
"Sir pala ha." natutuwang sabi ni Fade sa kanyang isip. "Hanggang ngayon takot ka pa rin kay Arg." dagdag niya pa.
"Anong ginagawa mo dito?" medyo galit na sinabi ni Fade sa boses ng lalake.
"Sir. Nagpapatrolya po. Sir."
"Bumalik ka na sa pagpapatrolya mo. Ngayon din." sabi ni Fade.
"Sir. Maraming salamat po." sabi ni Helium atsaka siya kumaripas ng takbo.
"Ayos 'to ah. Paniguradong matatakot ang lahat sa'kin." sabi ni Fade at kumilos na siya.
Marami siyang nakita sa kulungan, mga bata, mga matanda. Walang kapangyarihan at mga taong nawawalan na ng buhay.
Nakarinig siya ng mga nagtatakbuhan sa magkakaibang direksyon. Pumasok si Fade sa isang selda na nakabukas at nagtago sa dilim. Nagtago lang siya doon ng marinig niyang nag-uusap ang mga martial.
"Sir. Nakita na ang sinasakyan ng fairy warrior." martial #1.
"Sir. Kailangan nating maunahan sila na makapunta dito." martial #2.
"Naintindihan ko. Ihanda ang bestia na gagamitin natin para maaubutan sila." sabi ni Arg.
"May oras pa ako para hanapin ang selda ni Ellie." sabi ni Fade at hinintay niya munang mawala ang martial bago siya kumilos.
Hinanap niya sa buong paligid si Ellie pero di niya pa rin makita si Ellie. Nakarating siya sa may dulong kanluran ng makita na niya sa wakas ang seldang may simbolong kabute na may dalawang espada pero wala doon si Ellie.
Agad namang pinihit ni Fade ang simbolo at ito ay bumukas. At least may sigurado na siyang plano. Sunod namang hinanap ni Fade ang mga taong isusunod ni Queen Fright at pinaghinatay sila sa seldang yon. Gumawa siya ng mga kamukha ng mga kinukuha niya para hindi mahalatang itinakas sila.
"Paglabas n'yo d'yan, pumasok kayo sa loob ng bahay. Ligtas kayo doon." sabi ni Fade.
"Teka. Paano ka?" sabi naman ng isang babae.
"Kaya ko na ang sarili ko. Basta, kailangan n'yong maging ligtas." sabi ni Fade at pinapasok na niya ang mga tao roon.
Sinigurado ni Fade na walang makakakita sa lagusan na yon. Pumasok siya sa selda na pinasukan niya kanina nung makita niyang dadaan si Helium.
"Helium." tawag niya dito.
Lumingon naman sa kanya si Helium at itinutok sa kanya ang hawak na torch.
"Sino ka? Sa pagkakaalam ko, walang nakakulong d'yan."
"Tulungan mo ko. Please."
"At bakit ko gagawin yon?" tanong ni Helium at lumapit pa siya sa rehas nung selda.
"Ayos lang. Ako na ang gagawa ng paraan para tulungan mo ko." sabi ni Fade at itinulak niya ng malakas ang pinto at bumanda ito sa mukha ni Helium.
Boogsh.
"Pasensya na. Kailangan ko lang ng gagayahan para matakpan ang sarili ko." sabi ni Fade at nagpalit na siya bilang si Helium.
Oras na magising si Helium sa seldang yon ay katapusan na niya. Agad siyang lumabas sa lugar na yon at pumasok sa mismong palasyo. Naalala niya ang masaklap na dinanas nila ni Drown sa lugar na iyon.
Naglakad-lakad siya at nakita niya ang kwarto ni Queen Fright sa dulo ng hallway. Pupunta na sana siya nung may narinig siyang tumawag sa kanya.
"Fade. Naririnig mo ba ko?" tanong sa kanya pero di siya sumasagot.
"Fade. Si Pipe 'to. Naririnig mo ba ko?" tanong nya ulit.
"Pipe?" tanong ni Fade na palinga-linga.
"Fade. Buti at sumagot ka. Nasaan ka ngayon?"
"Pero paano mo ko kinakausap? Nasaan ka?" tanong niya ulit at palinga-linga siya.
"Hindi na mahalaga kung paano. Sagutin mo ko. Ligtas ka ba?" tanong ni Pipe.
"Sa ngayon hindi." sabi niya at naglakad na siya tungo sa kwarto ni Queen Fright.
"Huh? Bakit?"
"Sinusubukan kong hanapin si Queen Fright."
"Ano? Delikado yan. Kailangan ka namin kapag nand'yan na kami. Umalis ka na d'yan." sabi ni Pipe.
Tumayo ng maayos si Fade habang nakatitig sa door knob ng kwarto ni Queen Fright.
"Sabihin mo sa'kin ang plano."

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon