Nine

4.1K 124 0
                                    

"Blue, nandito ka na pala." sabi nung lalake sa harap nila at napatingin naman sila dito.
"Oh. Nico? Bakit nasa labas ka?" tanong ni Blue habang nagtataka naman si Airy sa kanyang nakikita.
Si Nico ay nasa late-20's na, medyo grey ang buhok na malapit sa itim, nakasumbrero na may feather na pula, medyo malaki ang mata at tinatakpan ang ilong at bibig ng isang panyo, normal ang panananamit niya.
"Hinihintay ko ang pagdating n'yo. Bakit ang tagal n'yo?"
"Uhm... Sir. Paano n'yo po nalaman na darating kami?" tanong ni Airy.
Lumingon-lingon si Nico sa paligid niya. "Hindi magandang dito tayo magkwentuhan. Buti pa, sumama muna kayo sa'kin." sabi ni Nico.
Tsaka lang napansin ni Airy na nasa isang city sila.
"Unang city? Ano bang tawag dito?" tanong ni Airy sa isip niya habang naglalakad.
"Wooden city ang tawag dito. Dito kasi nanggagaling ang supply ng kahoy sa bawat city na sakop ng kaharian." sagot ni Pipe.
"Pipe. Binabasa mo na naman ang isip ko." sabi pa ni Airy.
"Oh. Pasensya na."
Pumasok sila sa isang eskenita at bumaba sila sa isang subterranean at lumabas sa loob ng isang bahay.
"Nico. Nandito ka na pala?"
"Kasama ko na po sila."
Tinitigan lang ng matandang lalake si Fade. "Nagdala kayo ng bihag sa aking tahanan. Anong ibig sabihin nito?"
"Kakailanganin natin siya sa paghahanap kay Fright." sagot ni Pipe.
"Hindi kayo pwede dito. Hindi siya pwede dito. Magdudulot lang kayo ng kapahamakan sa'min."
"Oy. Nico. Anong sinasabi ni tanda? Ikaw ang nagpatuloy sa'min tapos pinapalabas niya kami." sabi ni Blue.
Hindi siya pinansin ni Nico at kinausap ang matanda. "Dadalhin ko na lang po sila sa ibang lugar. Babalik din po ako."
"Mabuti pa nga." sabi nung matanda at umalis na sila Airy.
Naglalakad sila papunta sa kung saan.
"Uhm. Sir—" sabi ni Airy pero pinutol sya ni Nico.
"Nico na lang."
"Nico. Saan ba tayo pupunta?"
"Safe place. Doon muna kayo magpalipas ng oras habang nag-iisip kayo ng mga suusunod n'yong plano."
"Oo nga pala. Tinanong ka ni Airy kanina kung paano mo nalaman na darating kami." tanong ni Blue habang naglalakad sila sa isang subterranean.
"Isang matandang babae ang nagsabi sa'kin."
"Matandang babae?" tanong ni Airy at bigla na lang siyang nahimatay.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Pipe habang nakapalibot sila kay Airy.
"Dream travel. Baka sa past siya pumunta o kaya naman may isang taong kausap." paliwanag ni Nico.
"Paano mo nalaman yan?" tanong ni Data habang binuhat naman ni Pipe si Airy.
"Mga libro."
Habang naglalakad sila ay bumalik naman si Airy sa panahong hindi niya maalala.
Nakita niya ang sarili niya bago pa man ang araw na nawala ang lahat sa kanya.
"Hayia! Hayia! *fwok*(tunog ng arrow na pinapakawalan.) *fwok*. Woohoo. Bullseye." sabi ng batang Airy habang pinaglalaruan ang mga gamit na nakadisplay sa sala ng bahay ng lola nya. "Lola! Ang galing ko na pong mag-espada at saka magpana!" sigaw niya dahil nasa kusina ang lola niya.
"Talaga apo? Patingin nga?" tanong ng lola niya habang nakadungaw sa may kusina.
Muling inulit ni Airy ang pagbabasag at pagsisira ng gamit ng lola niya. Hanggang sa hindi inaasahan ang nangyari. Tumatakbo siya sa sala habang nakabalandra ang mga sirang gamit ng lola niya.
*Eeeeeeeeeeeiiiiiiiiiinnnnnnggggg*
*pok*
"Uwaaaaaaa!" iyak ni Airy. Pa-slow motion kasi siyang nadapa papunta sa mga sinira niyang gamit.
"Little Warrior. Eto na si lola. H'wag ka nang umiyak. Magtanong ka na lang kay lola" sabi nung lola niya habang kandong-kandong niya si Airy. Umupo sila sa tapat ng fireplace dahil taglamig sa kanila ngayon.
"Lola. Paano po ba malalaman na isa kang Fairy Warrior?" tanong ng batang Airy pagkatapos niyang punasan ang luha niya.
"Malalaman ito sa uri ng kapangyarihan nila o mas kilala sa tawag na magos."
"Eh ano pong magos ko?"
"Ang katangian ng isang Fairy Warrior ay locator. Airy, hahanapin mo ang kahinaan nila."
"Ganoon po ba yon? Paano po kung gusto ko kayong hanapin?"
"Hmm? Hindi ko pa nasusubukang humanap ng tao pero sa pagkakaalam ko, isang beses lang maaaring gamitin yon. Kaya kung tao ang hahanapin mo kailangan mong maging matalino sa paggamit ng magos mo."
"Gusto ko madami akong mahahanap."
"Hehehe. Apo. Hindi ko pa alam ang dapat kong gawin sa paghahanap ng mga tao. Pero sigurado akong masasagot mo ang tanong mo sa takdang panahon."
"Eh lola. Pano naman po nila malalaman ang isang Fairy Warrior sa panlabas na anyo?"
"Bata ka ba talaga? Ang dami mong tanong. Syempre kulay itim ang buhok natin at sa dulo nito ay may kulay kayumanggi. Yung parang malapit na sa kulay kahel."
"Talaga lola?"
"Oo naman apo. Kaya magpahaba ka na nang buhok para makita mo na yung sa'yo."
"Ma?" tawag naman ni Song sa may pintuan.
"Nandyan na pala ang mama mo. Mag-ayos ka na." sabi ng lola niya sa kanya at pumasok na si Airy sa kwarto niya.
"Ma. Kinukulit na naman ba kayo ni Airy?"
"Natural. May pinagmanahan kasi." bigla na lang naging seryoso ang mama ni Song. "Kamusta sa mundo ng ordinaryo? Alam na ba ng bago mong asawa?"
"Opo. Pero ma. Hindi ba siya delikado?"
"Matagal na siyang delikado. Lalo na't gustong agawin ni Fright ang trono ngayon." sabi nung mama ni Song at nakikinig na pala non si Airy sa may pintuan.
"Ma. Dadalhin ko na lang sya dito. Itatago ko siya kay Fright."
"Hindi mo pwedeng gawin yan. Alam ni Fright kung kailan siya aatake at kung kailan naman hindi. Alam niya ang magiging kahinaan mo at yun ang gagamitin niya laban sa'yo."
"Wala akong paki sa kanya. Dadalhin ko siya dito."
"H'wag mo akong suwayin. Alam mong hindi pwede ang mga ordinaryo dito dahil magkaiba ang mundo natin sa kanila. Mabilis silang tatanda rito."
Habang nag-aaway ang lola at mama ni Airy ay palihim siyang pumasok sa kwarto ng mama niya at pinakialaman ang kaisa-isang gamit na nakita niya. Ang Fairy Ring. Hinawakan niya ito at bigla itong lumiwanag. Mula sa pagiging ordinaryong mushroom naging bow-and-arrow ito. Lumabas siyang hawak ito at naabutan pa rin niyang nag-aaway ang mag-ina. "Lola? Nag-aaway po ba kayo?" tanong ni Airy.
"Naku, hindi apo. Nagpapaliwanag lang ako sa mama mo dahil may mga bagay siyang hindi maintindihan."
"Eh Ma. Naintindihan n'yo po ba?" tanong ni Airy habang hawak niya pa rin ang Fairy Ring.
"Medyo anak. Halika na. Puntahan na natin ang papa mo." pag-aaya ni Song at bigla niyang napansin na hawak ni Airy ang Fairy Ring. "Anak. Bakit mo kinuha yan? Pagmamay-ari yan ng reyna at..."
"At nagawa niyang baguhin ito. Siya ang napili." sagot ng lola niya.
"No. Ma. Hindi pwede yon. Hindi dapat siya."
"Song, kailangan nating maintindihan ang tadhana niya. Ito ang kinakatakutan at ikatutuwa ng lahat. Ililigtas niya ang Fairy Land."
"Ma. Uuwi na kami." sabi ni Song. Binalik na niya ang Fairy Ring sa mama niya at lumabas na sila pagkatapos nilang magpaalam sa lola ni Airy.
"Mama, gusto ko rin pong pumunta kina ate Salt, ate Ellie, ate Jazz, ate Rora, ate White."
"Sige. Pero ayaw mo bang pumunta kay tita Stairs mo?"
"Ah. Opo. Kay tita long hair."
"Oh sige pero bukas na."
Naglalakad na sila palayo nang may huminto sa harapan nila na isang brougham. Bumaba ang sakay nito.
Nakatayo lang si Song nang makita niyang si Fright ang bumaba.
"Hindi ka ba magpupugay sa Reyna?"
"Reyna? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"
"Oh. May anak ka na pala Song. Akala ko ikaw na ang huling Fairy Warrior."
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" tanong ni Song at pilit niyang itinatago si Airy sa kanyang likod.
"Nandito ako para sabihin sa'yo na ako na ang magiging reyna at pag nangyari yon?" sabi niya at lumapit siya sa tenga ni Song. "Kukunin ko ang lahat ng meron ka at uubusin ko ang lahi n'yo."
"Hindi mangyayari yon."
"Oh. Nabalitaan ko rin na binigay sa'yo ang Fairy Ring. Nasaan na?"
"Tinago ko na. Sa malayong lugar na hindi mo maaabot."
"Isa kang mautak na Fairy Warrior. Ayaw mo bang maging alagad ko? Masaya don."
"Isa lang ang paglilingkuran ko at si Queen Cheer yon. Umalis ka na."
"Hheh. Ikaw ang bahala."
"Mama." mangiyak-ngiyak na tawag ni Airy sa mama niya.
Tumingin sa kanya si Fright bago bumalik sa brougham at tinignan sya ng masaya. "BOO!"
*GASP*
Nagising na nga si Airy sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ano na nga kaya ang sunod na hakbang nila? Malaman pa kaya niya ang buong pagkatao niya?
BROUGHAM - a light closed horse-drawn carriage with the driver outside in front. (Parang coach pero magkaiba sila)

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon