Five

5.9K 168 0
                                    

Mabagal na pagpatak ng ulan ang nakikita niya. Binilang niya ang mga malalaking puno na kanyang nakita at nahanap niya ang isang abandonadong bahay.
Dahil sa paggamit ni Airy ng kanyang magos ay napatulog siya nito. Dream travel naman ang kanyang ginawa habang siya ay tulog.
* * *
"Poor Aria. Nakakamiss ba ang magkaroon ng boses? Sorry pero sa akin lang 'to." sabi ng isang boses. "Hoy, nakikinig ka ba? Oh well, baka nabingi ka na rin."
Nagising si Airy na parang isang kaluluwa. Hindi niya makita ang kanyang sarili.
"Nasaan ako?" tanong niya sa kanyang sarili.
"Nasa katawan ko." sabi ng isang boses.
(A/N : Nag-uusap sila sa isip ni Aria gamit ang isip.)
"Sino ka?" tanong niya pa.
"Aria. Nandito ka ngayon sa isang subterranean sa baba ng palasyo, kung saan kinukulong ang mga taong ayaw sumang-ayos sa bagong reyna."
"Teka, di ba ikaw yung mermaid na may magandang boses?"
"Isa ako sa kanila."
"Si Tako yun kanina diba?"
"Di ko alam na matalino ka pala."
"Napansin ko lang naman."
"Alam ko."
"Sinong gumawa sa inyo nyan?"
"Si Queen Fright ang gumawa nito sa'min. Pagmasdan mo kami. Airy, kailangan ka namin." pagmamakaawa ni Aria.
Tumingin sa paligid si Airy at nakita niya ang sinapit ng ibang mga tao. "Hindi ko alam kung paano ko kayo tutulungan."
"Gamitin mo lang ang magos mo."
"Sumama ka na lang sa'kin."
"Alam mong hindi natin kayang gawin yan. Bibigyan na lamang kita ng tulong. Hanapin mo si Drown, isa sa tumulong sa'kin. Hinahanap na siya ni Fright ngayon."
"Nasaan ba siya?"
"Nasa Cursed City, sa pangatlong syudad mula sa kinatatayuan n'yo. Hindi niya pa makontrol ang magos niya pero makakatulong siya sa'yo. Isa rin siyang peasant."
"Pangatlo pa? Ang layo."
"Tulungan mo kami. Nagmamakaawa ako. Kailangan ka namin."
"Susubukan ko."
"H'wag mong subukan. Gawin mo. Airy, kailangan mo nang umalis. Mag-ingat ka. Nakikita kong malakas ang wooden bow-and-arrow, isa siguro yang Fairy Ring. Maghanda na kasi may naghihintay sa'yong kalaban."
"Teka. Madami ba sila?"
"Paalam."
"TekaaaAAAAAA!" sigaw ni Airy pagkagising niya. Nasa isang subterranean din sila.
"Buti naman at nagising ka-" sabi ni Data kay Airy pero sinigawan lang siya nito.
"AAAAAAAHHHHHHHH! Nasaan si Pipe? Ilabas mo siya." sigaw niya at inihanda niya ang armas niya ng pabaliktad.
Nanakbo naman si Pipe pabalik sa pwesto nila. "Airy, anong nangyari?" tanong ni Pipe at nagtago sa likod niya si Airy.
"Kalaban. Kalaban yan." sabi ni Airy habang tinuturo niya si Data.
Tumawa na lang si Pipe sa sinabi ni Airy. "Kakampi natin yan at tatlong araw na natin siyang kasama."
"Kamusta. Ako nga pala si Data." sabi niya sabay akmang makikipagkamay kay Airy.
"Pero sabi ni Aria-"
"Nakausap mo si Aria? Nasaan daw siya?" tanong ni Pipe at umupo na ng maayos si Airy katapat ni Data.
"Nakakulong siya kasama ng iba. Sa subterranean sa baba ng palasyo."
"Nakita mo ba si Fright?" tanong ni Pipe.
"Paano ko siya makikita kung di ko pa siya nakikita?"
"Ang gulo." sabi naman ni Data.
"Ano pang iba niyang sinabi?"
"Sabi niya may naghihintay daw sa'kin na kalaban."
"Madami daw ba?"
"Hindi niya sinabi. Pero bago natin alalahanin ang kalaban... may pagkain ba kayo d'yan? Nagugutom na ko eh."
"Eto." sabi ni Data at ibinigay niya kay Airy ang isang plato ng pagkain.
"Hmm. Ang sarap ha. Paano kayo nakahanap ng manok sa subterranean na ganito?"
"Hindi manok yan." sabi ni Data.
"Hm? Ano 'to?" tanong niya habang ngumunguya.
"Mus." sabi ni Data habang palihim na tumatawa si Pipe.
"Mus?" tanong niya sabay tumingin sya kay Pipe. "As in daga?" tanong niya sa isip niya at tumango naman si Pipe.
"Kainin mo yan kasi tatlong araw kang tulog. Walang laman yang tiyan mo." paalala ni Data.
"Opo. Anong klaseng tao ka ba?" tanong ni Airy kay Data.
"Isa akong robot na ginawa ni Wolf."
"Robot o cyborg? Wolf? Sino yon?" tanong niya pa pagkatapos niyang kumain.
"Si Wolf ang nag-ayos kay Data at bumuhay sa kanya sa gitna ng nangyayari sa FairyLand.
"Ah." sabi niya at napatingin siya kay Pipe na nakangiti naman sa kanya. "Bakit?"
"Naniniwala ka na kasi sa'min."
"Malamang. Nasa mundo n'yo na ako. Syempre maniniwala na ako. May iba pa ba akong pagpipilian?"
"Meron." sabi ni Pipe at lumapit pa siya lalo kay Airy.
Tinakpan naman ni Airy ang mga mata niya. "Pipe. H'wag mong basahin ang isip ko."
"Don't worry. Di ko nababasa ang nararamdaman mo."
"Talaga?" tanong ni Airy. Lalo namang lumapit si Pipe sa kanya.
"Oo. Kaya kung may iba kang nararamdaman…”
"W-wala ah." sabi ni Airy. “Hindi ko maaaring sabihin sa kanya na kailangan kong magbanyo.”
Natawa naman si Pipe sa narinig niya.
"So. Ano nga ba yung makakalaban mo?" tanong ni Data at umupo na sila Airy ng maayos muli.
"Huh? Wala siyang nabanggit."
"Kung ganon. Umalis na tayo dito bago pa niya tayo maabutan." sabi ni Pipe at binuhat na ang mga gamit nila.
Tumayo na sila.
Whooooooosh
Bigla na lang may malakas na hangin na dumaan sa kanila.
"Saan galing yon?" tanong ni Airy.
"Baka malapit na tayo sa lagusan." sabi naman ni Pipe.
"Hindi." sabi ni Data. "Hindi n'yo ba narinig yung boses?"
"Huh?" sabay na sinabi ni Airy at Pipe.
"Nanggagaling don." sabi niya pa at tinuro niya yung harap nila.
Lumakad sila para lapitan ang pinanggalingan non.
Automatic namang pumikit si Airy pero pinigilan siya ni Pipe. "H'wag mong gawin yan. Manghihina ka lang." paalala niya.
"Kaya ko 'to. Saglit lang naman 'to."
"Airy, pakinggan mo ko." sabi ni Pipe pero ginawa pa rin ito ni Airy.
Pumikit siya, bumagal ang buong paligid niya. Sa harapan niya ay may nakita siyang dalawang nanlilisik at mapupulang mata.
Hissssss.
"Sa wakas. Magtutuos na tayo, Fairy Warrior." sabi ng nilalang na kaharap niya.
*GASP*
Whooooooooosh
Ano nga kaya ang nilalang na nakita niya? Posible kayang matalo ito ni Airy? o siya ang matatalo nito?
SUBTERRANEAN - underground / under the earth passage
PEASANT - ibang tawag sa mga laborers / manggawa
MUS - ibang tawag sa daga

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon