Thirty Seven

1.8K 63 0
                                    

"Sabihin mo sa'kin ang plano."
"Hanapin mo ang susi ng bawat kulungan. Pakawalan mo ang mga tao. Pakiusap. Kailangan namin ng tulong mo." sabi ni Pipe habang naglalakad na ulit si Fade papunta sa ibaba ng palasyo kung nasaan ang kulungan.
"Heh. Sinisimulan ko na yan. Wala na kayong dapat alalahanin."
"Fade." tawag sa kanya ni Data.
Bigla na lang siyang napahinto sa paglalakad nang marinig niya ang boses ni Data.
"Data." tawag niya rin dito at medyo naluluha siya. Masyado matagal na kasing hindi sila nag-uusap.
"Fade. Malapit na kami. Hintayin mo kami. Fade. Gusto na kitang makita." sabi ni Data.
"Hm. Hihintayin ko kayo." sabi niya at tumuloy na sa paglalakad.
"Fade. Saan ka nakatira ngayon?" tanong ni Airy.
"Ice. Sa mama ni Risk." sabi ni Fade at nagtago siya sandali sa isang pader ng may nakita siyang dumadaan na martial. Pagkatapos non ay naglakad na siyang muli.
"Huh? Si mama, ayos lang ba siya?" tanong ni Risk sa pagkakaalam ni Fade.
Muling tumigil si Fade.
"Tama na ang tanong okay? Ayos lang ang mama mo Risk. Hihintayin ko kayo dito." sabi niya at pumasok na siya sa selda kung saan niya iniwan si Helium at buti na lang ay tulog pa rin yon.
"Fade. Mag-iingat ka." paalala ni Drown sa kanya.
"Hm. Kailangan ko ng kumilos." sabi niya na medyo naiiyak dahil gusto na talaga niyang makita si Drown. Naaalimpungatan naman na si Helium. Lumuhod siya para makita si Helium kung ayos lang siya.
"Mabuti pa nga. Paalam na muna." sabi ni Pipe at nawala na sila.
"Ma-"
"Shh. Hindi maganda sa lalake ang sumisigaw. Bakit hindi na lang tayo mag-usap ng mahinahon?" mahinang sabi ni Fade at kumalma naman si Helium.
"Sino ka?"
"Sa tingin mo? Sino ako?" tanong niya rin.
Lumapit sa kanya si Helium. Pinagmasdan ng mabuti ang mukha niya.
"Fade?"
* * *
"Fade! Fade!" sigaw ni Drown. Nananakbo kasi siya galing sa baba ng nipa house.
"Bakit ka ba sumisigaw?"
"Nabalitaan ko kasing nandito ang namamahala sa hilaga. Gustong-gusto ko talagang makita yon." sagot niya.
"Huh? Bakit pa? Hindi naman tayo ang kinakausap nila." sagot naman ni Fade.
"Isa pa. Kumukuha sila ng bagong pwedeng makatulong doon." sagot naman ni Helium.
"Pero gusto ko lang naman." sabi ni Drown.
"Alam mo, may ipapakita na lang ako sa inyo." sabi ni Helium at hinatak niya ang dalawa palabas ng kubo.
Dinala niya sila sa dulo ng bangin.
"Wow. Ang ganda naman dito." sabi ni Drown.
"Tama. Ang ganda nga pagmasdan. Kasing tingkad ng buhok n'yo.
"Sana dalasan natin pumunta dito." sabi naman ni Fade.
Nakatitig kasi sila sa lumulubog na araw.
"Drown. Fade." tawag sa kanila ng isang boses mula sa likod nila.
Lumingon sila at nakita nila ang isang martial na katulad ni Helium. Siya ay si Arg.
"Pwede ba kayong sumama sa'kin?" tanong niya at tumango lang naman ang dalawang bata.
- - -
"Saan po ba tayo pupunta?" paulit-ulit na tanong ng mga bata.
"Sa palasyo ng hilaga. Ano? Titigil na ba kayo?" sabi ni Arg.
"Ano pong gagawin natin doon?" tanong ni Fade.
"Ahhhhhhh. Tumigil na kayo. Pag di kayo tumigil, papatayin ko na kayo isa-isa." sabi ni Arg at tumigil na sila.
"Fade. Natatakot ako. Di ko kayang mag-isa." sabi naman ni Drown habang nakatago sa likod ni Fade.
"Di ka naman nag-iisa. Nandito ako. Poprotektahan kita." sabi ni Fade at tinitignan lang naman sila ni Helium.
Lumipas ang mga araw at ginawa silang utusan ng mga prinsesa at prinsepe doon. Lagi lang magkasama si Fade at Drown. Sumapit na ang araw na si Queen Fright na ang naging reyna ng Fairy Land. Madaming namatay at madaming sugatan. Nakatago sila Fade, Drown at Helium sa ilalim ng lupa malapit sa taramgkahan ng palasyo na parang lagusan sa ibang lugar ng Fairy Land.
"Fade. Dito lang kayo. Hihingi ako ng tulong." sabi ni Helium.
"Teka. Delikado sa labas." sabi naman ni Fade.
"Kaya ko ang sarili ko." sabi ni Helium at lumabas na siya.
"Drown. Dumiretso ka na sa loob nito. Magtago ka sa abot ng makakaya mo." sabi ni Fade.
"Huh? Paano ka? Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin." sabi ni Drown.
"Kailangan isa sa'tin ang makaligtas. Kung mananatili kang buhay, ganon din ako. Sige na at magtiwala ka sa akin."
"Magkikita ba tayo ulit?"
"Oo naman. Bakit hindi?" sabi ni Fade na medyo naluluha.
"Mag-ingat ka." sabi ni Drown sa kanya at umalis na siya.
Iba kasi ang pakiramdam niya kay Helium. Ang paghingi niya ng tulong na yon ay paniguradong delikado.
Sa panahong iyon, hindi pa mailalabas ng isang bata ang kanyang magos pero nakaya ni Fade na gumawa ng illusion ni Drown. Sakto namang may dumating sa loob ng subterranean.
"Sinong nand'yan?" tanong ni Fade.
"Ako 'to, si Helium." sabi nung lalake at lumabas si Fade sa dilim.
"Helium?" pagsakay niya sa sinabi nung lalake.
Handa na siyang mamatay para sa kapatid niya ng kunin siya ni Arg at dinala kay Queen Fright.
"Patawad, Fade." sabi ni Helium sa likod ng gumagaya sa kanya.
* * *
"Hi." sabi ni Fade at tumayo na sila.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi kong h'wag ka ng bumalik dito?" sabi ni Helium.
"Ito ang nakatakda. Dito talaga ako nararapat na mapunta."
"Hinahanap ka ni Queen Fright. Papatayin niya kayong lahat." sabi niya.
"Alam ko. Kaya nga nagtatago akong mabuti eh." sabi ni Fade at nanatili lang sila sa pwesto nila at mahinang nag-uusap. Tumitingin siya sa paligid kung may mga dumadaang martial.
"Saan ka nagtatago?" tanong ni Helium. Napatingin naman si Fade sa kanya.
Mula kasi nung araw na yon. Alam na ni Fade na nawala na ng tuluyan ang kaibigan niyang si Helium at ipinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi na siya muling magtitiwala kay Helium.
"Naalala mo yung pinagtaguan natin dati? Hanggang ngayon, doon pa rin ako nakatago." sabi ni Fade at tumingin ulit sa labas.
"Ganon ba? Sana ligtas ka lagi."
"Sabihin mo nga sa'kin ang plano niya kapag napatay na niya kami nila Drown." sabi ni Fade nang hindi tumitingin kay Helium.
"Ewan ko. Siguro paparangalan ni Queen Fright ang lahat ng martial na sumama sa kanya."
"Gusto mo rin ba akong patayin?"
"Hindi. Hinding-hindi ko makakayang patayin ang kaibigan ko."
"Pero kaya mong gawin kung iuutos sa'yo ni Queen Fright?"
"Huh? Ano bang sinasabi mo? Bakit niya iuutos sa'kin yon? Iba na ang gagawa non para sa kanya." sabi ni Helium.
Itinulak ni Fade si Helium sa may pader at inilagay niya ng braso niya sa leeg nito, dahilan para di siya makahinga.
"Sabihin mo sa'kin kung saan nakatago ang fairy ring ni Queen Fright."
"Hindi…ko…alam." sabi niya habang patuloy ang pagpigil ni Fade sa hininga niya.
"Alam kong alam mo." sabi ni Fade.
"Fade. Maniwala ka." sabi ni Helium at sinusubukan niyang tanggalin ang kamay ni Fade sa leeg niya.
"Nasaan?"
"Fade. Kung alam ko sasabihin ko kaagad sa'yo." sabi ni Helium habang nakatitig sa mata ni Fade.
Agad namang bumitaw si Fade.
Grrr.
Lumingon si Fade sa likod niya at nakita niyang may malaking bestia na halos gusto na siyang lapain.
"Oh no."

The Last Fairy WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon