*GASP*
Nagising na sa wakas si Airy mula sa kanyang mahimbing na pagtulog.
"Buti naman at nagising ka na." sabi sa kanya ni Bloom.
"Uhm. Sino ka?" tanong ni Airy at umupo siya sa gilid ng kama sa prairie wagon.
"Ako si Bloom. Hindi mo ba ako natatandaan?"
"Dapat ba kitang maalala?"
"Airy. Hindi mo pa rin ba makontrol ang pagdream-travel mo?" tanong naman ni Fade sa kanya.
"Obvious ba? Teka. Naguguluhan na ako. Nasaan ba tayo?"
"Papunta tayo sa susunod na city. Kailangan na nating magmadali."
"Bakit?"
"Dahil dalawang bilog na buwan na lang at maghahari na si Fright." sabi pa ni Pipe.
"Ano? Hindi pwede yon. Hindi ko pa kontrolado ang magos ko. Paano kung makatulog ako sa araw na yon?"
"Hahanap tayo ng paraan."
"Saan? Paano?"
"Basta. Saan ka ba galing?"
"Sa kabataan ko."
"Anong nakita mo?"
"Hinahanap niya ang isa sa Fairy Ring." sabi ni Airy habang tinititigan yung bow-and-arrow niya. "Hinahanap niya 'to at ito ang tatalo sa kanya."
"Nakita mo kung paano ka niya pinili?" tanong ni Bloom.
"Oo. Nasa kwarto 'to ng mama ko. Pinakialaman ko at naging ganito siya."
"Hindi sapat na tayo lang ang lalaban. Kailangan natin ng marami pa." sabi ni Bloom.
"Sapat na tayo. Hahanapin lang natin si Drown at makakatulong siya sa'tin."
"Paano mo naman nas—"
"Si Drown? Paano mo nakilala ang kapatid ko?" sabat ni Fade ng muli niyang marinig ang pangalan ng kapatid niya.
"Kapatid mo si Drown? Ibig sabihin katulad mo rin siya? Kakampi rin siya ni Fright?" tanong ni Airy.
"Hindi. Iniwan siya ni Aria sa islang yon. Balita ko maraming bestia sa lugar na yon at mga sea serpents. Lahat yon ay gawa niya. Dahil sa'kin."
"Dahil sa'yo?"
"Paulit-ulit? Oo nga."
"Pero bakit?" tanong naman ni Data habang nagmamaneho.
"Gusto niya akong matalo. Gusto niyang maubos ang kakampi ni Queen Fright. At hangga't wala siyang natatalo, wala ring magbabago sa islang yon. Wala nang tao don kundi siya lang."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pinaalis lahat ng tao don. Ayaw nila Aria na may madamay na iba. Hindi niya makontrol ang magos niya kagaya mo Airy."
"Pupunta tayo don." matapang na sinabi ni Airy.
"Airy. Tulungan mo siya. Gagawin ko ang lahat para bumalik lang siya sa dati." sabi ni Fade sa kanyang isip na hindi sinasadyang marinig ni Pipe.
"Fade. Kung bibigyan kita ng pagkakataon. Kanino mo gustong lumaban? Sa side namin? o sa side ni Fright?" tanong ni Pipe.
Hindi nagsalita si Fade pero sinagot niya ito sa kanyang isip. "Alam kong masama si Queen Fright at gusto ko sanang makipaglaban sa side n'yo. Gusto ko pang makita ang kapatid ko." sabi niya at labis itong ikinatuwa ni Pipe.
"Sabihin mo nga Data. Anong alam mo tungkol sa Fairy Ring?" tanong niya kay Data.
"Fairy ring. Nagmula ito sa mga fairies para magamit ng bawat kaharian ng FairyLand. Apat na siglo na ang nakalipas. Kompleto at buo ang 12 FairyRings. Isang digmaan ang naganap sa pagitan ng FairyRings at ang mga namumuno sa kanila. Sila ay nag-aklas dahilan para mawasak ang buong FairyLand. Matapos ang tigmaang naghatid ng gulo sa FairyLand. Sila ay isinilid sa isang mahiwagang kulungan at ikinalat sila sa buong FairyLand. Nagdaan pa ang mga daang taon ay unti-unti ng lumilitaw muli ang mga FairyLand at kusang pinipili ang kanilang bagong magmamay-ari sa kanila."
"Kung ganon hanapin din natin yung ibang fairy rings para hindi mapasakamay ni Fright yon." sabi ni Airy.
"Wala na tayong oras para hanapin lahat yun. Kailangan na nating mapigilan si Fright sa balak niya."
"Tama si Pipe, Airy. Unahin muna natin ang dapat unahin." sagot naman ni Bloom.
"Fade. Sasama ka sa'min. Pupuntahan natin saglit si Salt para sa mga spell na kakailanganin mo." sabi ni Pipe na ikinatuwa naman ni Fade sa loob niya.
*Neigh* *Neigh*
Tumigil ang prairie wagon nila sa harapan ng isang city.
"Sino kayo at anong kailangan n'yo?" sabi ng isang kawal.
Lumabas si Pipe at isinuot niya ang kanyang hood. "Ako si Pipe. Prinsepe ng Hilaga. Maaari n'yo ba kaming paraanin?" tanong niya sa mga ito at saka niya tinanggal ang hood niya.
"Mahal na prinsepe. Hindi po namin akalaing mapapadpad kayong muli sa aming syudad. Maaari po kayong dumaan." sabi ng kawal at nagbigay-daan siya para kina Pipe.
"Gusto ko rin sanang sumali kayo sa aking laban kay Fright." sabi niya sa kawal at nagulat naman ito.
"Nababaliw ka ba? Ayoko pang mamatay noh. Isa pa. Baka mapahamak ang pamilya ko." sabi ng kawal.
"Naintindihan ko." sabi ni Pipe at bumalik na sya sa loob. "Tara na. Kailangan na nating magmadali." sabi ni Pipe at kumilos naman agad si Data.
Nakapasok na sila sa maliit na syudad na iyon na tinatawag na Glass city. Hindi magagamit dito ang invisibility ni Pipe dahil kusang magrereflect ang sarili nila sa mga salamin rito.
"Kamusta Data?" tanong ng isang babaeng nakahood.
Napatingin ang lahat sa kanya. Bigla na lang niyang tinanggal ang hood niya at nakita nila ang isang babaeng dilaw ang buhok, blue ang mata at blue ang damit. Si Salt, isa rin siya sa angkan ni Data… mga imigrante.
"Miss Salt. Anong ginagawa n'yo sa labas?"
"Inaabangan ko kayo, baka kasi maunahan ako ng kalaban. Sumunod kayo." sabi niya at naglakad siya patungo sa isang liblib na lugar na nakatago sa likod ng isang halamang mala kurtina ang dating.
Bumaba na ang lahat sa kanilang prairie wagon. Nakita nila ang isang toreng nagiba na.
"Eto ang—" sabi ni Pipe.
"Ang tore kung saan n'yo makikita si Stairs." tuloy naman ni Salt.
"Stairs?" tanong ni Airy.
"Airy. Nabalitaan kong hindi mo makontrol ang magos mo kaya tutulungan ka namin." sagot ni Salt.
Pumasok na sila sa loob ng tore.
"Salt? Kasama mo na ba si Airy?" tanong ng isang babae sa dilim.
"Huh? Nagtatago ka na naman? Hindi na tayo mahahanap ni Queen Fright dito."
"Ahaha. Hindi na ako sanay makakita ng mga tao." sabi niya at lumabas na siya mula sa dilim. "Ah. Masyado pa lang madaming tao. Kamusta kayo? Ako si Stairs." sabi nito. Nakasuot siya ng damit na kayumanggi ang kulay. Hanggang bewang ang buhok niya na katulad ng kay Airy. Ang kanyang mata ay bulag na.
"Ikinagagalak ka naming makilala." sabi ni Pipe.
"Airy. Pwede ka bang sumama sa'kin?" tanong naman ni Stairs kay Airy na noo'y di makapaniwala na nahanap niya si Stairs ng mas maaga kaysa sa kanyang inaasahan.
Tumingin siya sa mga kasama niya na may pangamba pero sumama na siya kay Stairs.
* * *
Sa kabilang banda naman ay napansin ni Salt si Fade.
"Bakit siya nakatali?" tanong niya.
"Para hindi siya tumakas. Kakampi kasi siya ni Fright." sagot ni Pipe.
"Oh. Sa paligid natin maraming nag-uusap tungkol sa mga alagad ni Queen Fright. Sigurado akong kapag lumabas kayo dito hindi yan makakaligtas." sabi ni Salt at inilabas niya ang vondr niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Fade sa kanya.
"Oh well. Babaliin lang naman nila ang mga buto mo sa katawan at gagawin nila yon hanggang sa malagutan ka na ng hininga. Ahahaha. Ang lalakas nila hindi ba? Kaya nga ligtas kami ni Stairs dito eh." sabi niya pa.
"Uhm. Anong gagawin mo?" tanong niya pa kay Salt.
"Itatago ko ang tali mo. Uhm Data, itali mo rin ang isang kamay mo gamit ang tali niya at mamaya na kayo magtanong." sabi niya at ginawa naman ni Data ang pinapagawa nya. Nagconcentrate si Salt at nag-ipon ng lakas para magawa ang spell na kailangan niya. "*inhales* *chants a spell*" binigkas niya ito ng dahan-dahan at tinap ang tali sa pagitan ni Fade at Data.
Para itong nasusunog at nawawala ng paunti-unti.
"A-anong nangyari?" tanong ni Fade habang ine-examine ang kamay niya kung nawala nga talaga ang tali sa kamay niya.
"Salt, anong ginawa mo?" gulat na anong ni Pipe habang pinag-aaralan naman ni Data ang nangyari.
"Sigurado akong alam ni Data ang nangyari." sabi ni Salt at itinago na niya ang vondr niya.
"Hm? Sa tingin ko isa 'tong napakalakas na magos. Kung saan mapuputol lang ang taling itinago mo kapag namatay ang isa sa mga ito."
"Tama. Sabi ko sa inyo alam niya yon. So kahit umalis si Fade o tumakas man siya. Mahahanap at mahahanap n'yo pa rin siya kasi kapag gusto n'yong mahanap ang isa't isa magliliwanag yang bahaging tinali."
"Akala ko pinakawalan mo na ko." malungkot na sinabi ni Fade.
"Pinakawalan kita ng bahagya. Makakagalaw ka pero hindi ka makakapunta kahit saan." paliwanag ni Salt.
"Fade. H'wag ka nang magreklamo. Mas mabuti nang nakakakilos ka kaysa wala kang ginagawa." sabi ni Data.
"Hindi ko kayo tutulungan noh. At hindi rin ako nagrereklamo."
"Bakit hindi?" tanong ni Bloom.
Hindi sumagot si Fade pero narinig ni Pipe ang sagot niya. "Dahil ayokong mamatay. Ayokong suwayin si Queen Fright. Nakasalalay ang buhay ko sa kilos ko."
"Naiintindihan ko." pabulong na sabi ni Pipe.
* * *
Sa wakas malalaman na natin ang lahat ng nangyari twelve years/days ago. Lahat ng alaala ni Airy na hindi niya matandaan.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasySi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...