"May nakilala akong matanda. Para siyang ermitaryo. Baka pwede siyang tumulong sa'kin." sabi ni Kill.
"Kung ganon. Puntahan natin siya." sabi naman ni Data.
Sa labas naman ay nananahimik lang si Airy.
"Airy. Bakit? Anong nararamdaman mo?" tanong ni Drown.
"Parang may darating. May gusto atang makisalamuha sa'tin ngayon."
"H-ha? Ano yon? B-baka kalaban yan." takot na sinabi ni Drown at kumapit siya sa braso ni Airy.
"Tumigil ka nga. Hindi naman nakakatakot 'to." sabi ni Airy at tinanggal niya ang kamay ni Drown sa braso niya.
"Airy. Mag-ingat ka!" sigaw ni Risk sa loob. Nakita niya kasi sa isip niya na may dadaan na matandang ermitanyo.
"Huh?" sabi ni Airy at pinatigil niya si Season.
Sa harap nila ay may nakatayong ermitanyo na nakahood na kulay moss green. Nakangiti sa kanila ito at mas matangkad ito sa kanilang lahat. May hawak din siyang tungkod para sa pag-alalay sa pagtayo niya. Mahaba na rin ang bigote't balbas na umabot na hanggang sa bewang niya. At parati lang din nakasara ang mga mata niya.
Lumabas naman mula sa loob sina Risk, Pipe, Bloom, Data at Kill. Bumaba naman sila Airy para salubungin ang ermitanyo.
"Geo!" masayang pagbati ni Kill at nauna siyang punta doon.
"Geo?" tanong ng lahat. Hindi nila malaman kung sino si Geo.
"Kill. Hindi ko alam na dadaan kayo dito. Akala ko doon kayo sa kabilang city daraan." sabi ni Geo. Lumapit naman sa kanya ang lahat.
"May kailangan kami sa inyo. Pwede n'yo ba kaming tulungan?" tanong ni Data.
"Sige. Sumama kayo sa'kin." sabi ni Geo. Kinuha naman ni Risk si Season.
"Data. Hindi mo ba sasabihin sa'min kung sino talaga si Geo?" bulong ni Airy. "Palagay ko, narinig ko na yan kung saan." sabi niya pa habang naglalakad at habang nakatago sa likod niya si Drown. Natatakot kasi eh.
"Hindi ko rin maintidihan ang sarili ko. Hindi ko makita ang impormasyon sa mata niya."
Nagulat naman si Airy sa sinabi niya. Maya-maya pa ay pumasok sila sa isang malaking bahay pero lumang-luma na yon.
"Tuloy kayo sa chalet ko. Dito ako nagtatago. Hindi ko na kasi kaya pang lumaban." sabi ni Geo.
"Pwede po bang magtanong?" tanong ni Airy.
"Sige. Ano yon?" sagot ni Geo at umupo ang lahat sa sofa.
"Dati kayong Fairy Warrior hindi ba?" tanong ni Airy.
Tumingin sa kanya si Geo. "Oo, dati. Pero ngayon… isa akong ermitanyo." sagot niya.
"Ano bang klaseng tanong yan? Nakikita na nga natin kung ano siya diba?" sabi naman ni Kill.
"Okay. Kayo na lang po ba ang huling ermitanyo?" tanong pa ni Airy.
"Eto ang city namin kaya siguro ako na lang ang huli." sabi ni Geo.
"Ikaw ang may hawak ng Fairy Ring. Nasaan na yon?" sabi naman ni Data.
"Magic Fairy Book ba ang tinutukoy n'yo?" tanong niya. "Wala na sa'kin yon. Kinuha sa akin yon ng hindi ko alam at itinago nila sa liblib na lugar."
"Sinong sila?"
"Ang mga Elf."
"Pero bakit?"
"Dahil alam nilang hindi sila matutulungan ng mga Fairy Warrior sa paghahanap sa mga nawawalang tao kaya yon ang ginamit nila."
"Ano bang kapangyarihan non?"
"May mapa doon na pwedeng magpakita sa'yo ng mga kailangan mo. Nilalaman din non ang impormasyon tungkol sa mga nawawalang Fairy Ring..."
"Eh bakit po ba yun gustong kolektahin ni Fright kung yun lang ang kaya gawin ng libro?" sabi ni Airy.
"Hindi lang yon. Hinahabol niya ang librong yon dahil sa dulo ng librong ay may mga pahina pang walang sulat. Maaaring sulatan ito ng taong karapat-dapat. Makapangyarihan ang librong yon." sabi ni Geo.
"*yawn* Pwede na bang magpahinga? Mahaba rin ang nilakbay ko para makilala kayo." sabi ni Risk habang yakap-yakap si Season.
"Sige. Pero magsisimula ang pagsasanay n'yo bukas." paalala ni Geo.
"Para saan?" tanong ni Pipe.
"Para sa pagsubok na inihanda ng mga Elf at para sa pagsugod n'yo kay Fright." sabi ni Geo at tumayo na ang lahat. "Sa kanang bahagi na lang kayo ng chalet kasi maraming gamit sa kaliwang parte ng bahay."sabi niya at pumasok na sila sa kani-kanilang kwarto.
* * *
Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat.
"Kung gusto n'yong kumain ng almusal, pumunta kayo sa kabilang bayan. May isang inn doon na maagang nagbubukas." sabi ni Geo habang nakasara ang mata at nakaupo sa sofa.
"Sige po. Babalik po kami agad." paalam ni Airy at isinuot nilang lahat ang mga hood at balabal nila.
"Hindi n'yo kailangan n'yan doon. Walang nagmamasid na alagad ni Fright doon. Lalo lang silang matatakot at magdududa sa inyo." sabi ni Geo pero hindi nakatingin.
"Paanong-" sabi ni Airy at sumunod na lang sila.
Punta ang grupo nila Airy sa sinabing inn ni Geo at doon kumain. Nag-stay muna sila doon at nag-usap.
"Paano natin makukuha yung librong yon sa kanila?" tanong ni Risk.
"Kailangan muna nating magtraining para makuha yon." sabi naman ni Kill.
"Wala na tayong oras para doon." sagot naman ni Pipe.
"Pipe, sa tingin ko tama si Kill. Baka hindi na sila katulad ng dati. Kaya ayaw nilang ibigay yon kahit kanino dahil nagbabakasakali silang mahahanap nila si ate White doon." sagot ni Airy.
"Pero matanong ko lang. Di ba nasa kanila na ang libro? Kung ganon dapat alam na nila kung nasaan ang lahat." sabi naman ni Bloom.
"Hindi ko alam. Siguro. Pwede."
"Kailangan natin yung librong yon dahil doon natin makikita si Fright." sabi ni Pipe.
"Tama si Pipe. Tara bumalik na tayo doon." pag-aaya ni Kill at tumayo na ang lahat.
Palabas na sila Airy nung may narinig siyang mga nag-uusap. Napatingin siya doon.
"Uy. Fynn. Wanted ka na naman ah. Ano na naman bang ginawa mo?" tanong nung isang lalake.
"Ha? Ah wala. Kung gusto n'yo hulihin n'yo na ako." pagbibiro ni Fynn sa kausap niya.
"Airy. Tara na." sabi ni Data.
"Sige. Nandyan na." sabi ni Airy at sumunod na.
Sa loob naman ay napatingin naman sa kanila sila Fynn.
"Airy? Parang pamilyar yon ah." sabi nung kausap ni Fynn.
"Mauna na ko ha."
"Sige. Pero saan ka pupunta?"
"Oras na para kumilos ulit." sabi ni Fynn, sumaludo siya at tumakbo na siya palabas.
Hindi alam nila Airy na may gustong mang-agaw ng Magic Fairy Book sa kanila.
* * *
"Kailangan n'yong magsanay sa loob lang ng isang linggo. Palapit na kayo kay Fright."
"ANO?" sabay na sabay na sigaw nila Airy.
Ano nga kaya ng kailangan ni Fynn sa librong hinahanap din nila Airy? May kinalaman kaya ito kay Queen Fright?"
CHALET - a Swiss dwelling with unconcealed structural members and a wide overhang at the front and side.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy Warrior
FantasiSi Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin niyang landas dahil una sa lahat, may bahagi sa kanya na hindi niya gusto ang mga masasayang wakas. K...