Sobrang manhid ang best friend ko, pero, okay lang 'yun.
At least, hindi n'ya napapansin na may gusto ako sa kaniya.
P'wede ko s'ya'ng yayain kahit kailan ko maisipan, tulad ngayon. Espesyal ang araw na ito, kaya nag-aya ako'ng makipagkita, pero s'yempre, hindi n'ya alam na date ito.
"Pete!"
Ginulat ko ang best friend ko at patalon na kumapit sa kaniyang likuran.
Ang bango n'ya, bagong ligo!
"Kanina ka pa ba? Sorry, kadarating ko lang."
Actually, kanina ko pa s'ya sinisilayan sa may kanto.
"Okay lang, kadarating ko rin lang." Inabot n'ya sa akin ang dala niyang paperbag. "Oh, 'eto 'yung gusto mo'ng libro, 'di ba?"
"Yey! Salamat, ha?" Niyakap ko s'ya nang mahigpit. "Matagal ko na nga gustong mabasa 'to, buti na lang may kopya ka pala! Tamang-tama, mababasa ko na rin s'ya sa wakas!"Inilabas ko ang libro para usisain.
"Aba, mukhang bago pa 'to, ha? Ang ingat mo talaga sa gamit!"
"Um," simple niyang sagot, nang may mahulog na resibo mula rito. "Ah... a-ang bookmark ko..." Agad n'ya ito'ng pinulot at ibinulsa.
"Thank you talaga, best! Dahil dito, ililibre kita ng fishball!"Kinapitan ko ang kaniyang kamay at hinila s'ya papunta sa may kanto kung saan nakapwesto ang paborito naming tindero.
"Sige, tuhog ka lang! Ako bahala sa 'yo, basta 'wag ka lang lalampas nang bente ha, baka kulangin ang dala ko!" tumatawa ko'ng sinabi.
"Sige, salamat," sabi n'ya habang ginugulo ang buhok ko. "Panulak, wala?"
"Gusto mo ng gulaman?"
"Doon tayo sa 'Bubblepop Cafe', ako na sagot."
"Yey! Ang bait-bait talaga ng best friend ko!" Pasimple akong yumakap sa braso n'ya at 'di na bumitaw pa hanggang sa makaabot kami sa cafe.Puno ito ng mga magkasintahan, buti na lang at may nakita ako'ng lamesa na kababakante lang.
"Eto, hati na rin tayo sa cake." Naglagay s'ya ng slice ng strawberry cheesecake sa harap ko.
"Wow, may pa-cake ka pa, ha?" tuwang-tuwa ko'ng sinabi. "Ang cute naman ng design, puro puso!"
"Nabitin ako sa pa-fishball mo, eh, " sabi n'ya habang pumuputol ng piraso. "Tikman mo nga kung masarap?" inilapit n'ya sa akin ang kutsaritang punung-puno ng cake.
"'Kala mo 'di 'yan kakasya sa bibig ko, ha?!" Binuksan ko nang malaki ang aking bibig at sinubo ang lahat.Natawa naman ang crush ko.
Sobra, napaka cute talaga n'ya!
"Ayan, ang dungis mo tuloy." Pinunasan n'ya ng daliri ang cream sa aking pisngi at isinubo iyon habang nakatingin sa akin.
"May dumi pa ba?" Kumuha ako ng tissue at nagpunas ng mukha.Hindi kasi maalis ang titig n'ya sa akin, eh.
Naku, baka ang dungis-dungis ko na!
"Wala na..."
Napahinga ako nang malalim nang maalis sa akin ang tingin ni Pete.
Pababa na ang araw paglabas namin.
Sayang, uwian na naman, kailangan na naman naming maghiwalay nang 'di n'ya nalalaman na may crush ako sa kaniya.
"'Wag kang maglakad sa tabi ng daan." Marahan n'ya'ng hinatak ang aking braso. "Baka mahagip ka ng sasakyan."Talagang tinatrato pa rin n'ya ako na parang bata hanggang ngayon!
Pero okay lang 'yun, at least, p'wede ko s'yang makasama kahit kailan ko gusto, kahit pa parang kapatid lang ang tingin n'ya sa akin.
"May pamasahe ka pa ba?" tanong n'ya habang dumudukot sa bulsa.
"Meron pa naman."
Paglabas ng kaniyang kamay ay may kapit s'yang candy.
"Ah! 'Fruity-drop'! Favorite ko!"
Aabutin ko na sana ito, nang itaas ni Pete ang kamay n'ya.
"Sorry ka, iisa na lang, akin na 'to!"
Napatingin ako sa kaniya nang masama.
"Ah, ganoon, ha?"Tinalon ko ang kaniyang braso, ngunit dahil hanggang balikat lang n'ya ako ay tila imposible na maabot ko ito.
Pero okay lang.
Nayakap ko naman s'ya habang nakikipag-agawan sa candy!Ang bango talaga n'ya!
"Ano, suko ka na?" tumatawa n'yang sinabi habang nakaikot ang isang braso sa bewang ko.
"Hindi!"Pinagkikiliti ko naman s'ya sa tagiliran!
Nabitawan ni Pete ang candy na agad ko'ng sinalo. Agad ko rin ito'ng binalatan at isinubo!
"HA-HA!" pang-asar ko. "Talo kita–"
Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari.
Bigla kasing yumuko si Pete sa aking harapan.
Lumapat ang bibig n'ya sa nakabuka ko'ng bibig.
Naramdaman ko na lang ang dila n'ya na dumampi sa labi ko!
Tulala pa rin ako nang muli s'yang tumayo nang diretso, ang piraso ng candy, kagat-kagat na n'ya habang nakangisi nang pang-asar sa akin.
"Akin 'to!" sabi ni Pete.Ginulo n'ya ang buhok ko at naglabas ng paborito niyang Lemon Sourball. Ang pinaka-hate ko'ng candy na napaka asim!
"Eto ang bagay sa mga katulad mo!" sabi n'ya, sabay patong nito sa aking ulo. "Happy Valentine's day, Manhed!"
- wakas -
Dugtungan pa natin... :D
Bigla akong naluha.
"O-o, bakit? Nasaktan ka ba? G-galit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Pete sa akin.
"Akin 'yan!" hinalikan ko rin s'ya pabalik. "Akin!" ulit ko, habang yakap s'ya nang mahigpit. "Akin lang ito..."
"At sa akin naman ito..." sabi n'ya habang yakap din ako.
'Di na ko nakapagsalita pa dahil sa tindi ng paghikbi ko.
"Wala sina mama sa bahay, nag-date, bukas pa ang uwi..." bulong n'ya sa akin.
"Ha? 'Eh, 'di mag-isa ka lang sa bahay? Gusto mo makikain sa amin?" tanong ko kay Pete. "Beafsteak daw ang ulam namin ngayon, tapos laro tayo games kasama si kuya."
Matagal akong tinitigan ni Pete, tapos ay nagbuntong hininga s'ya at binawi ang maasim na candy sa aking ulo.
"Haay. Halika na nga. Partner tayo sa laro ha. Tatalunin natin si kuya buong gabi."
- Fin -
BINABASA MO ANG
Mga Kuwento sa Dilim
Misterio / Suspensooriginal stories mainly of a dark nature mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim. This is a collection of one shot short stories written in Filipino. Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap ====...