Ewan ko ba kung anong meron si Jose. Hindi naman sya gwapo, hindi matipuno, ni hindi ko sya type o gusto dati. May pagka bastos sya, mayabang, barumbado. Madalas syang magpapansin sakin at feeling gwapo pa - looking gago naman lagi.
Ang type ko talaga eh si sir Tan. May itsura, mabait, gentleman at higit sa lahat, madatung... Sabi nila may asawa na daw si sir. Well, I don't see a wedding ring, so, okay lang, 'di ba? At kahit pa may singsing sya, e bakit ba? Kailan ba naging mali ang pag-ibig? Ilang beses na kaming nag date na nauwi sa... alam nyo na... at madalas pa nya ko bilan ng gifts, kaya nga hinihintay ko na syang mag propose sa akin.
Pero ever since yesterday...
I don't know why, pero gusto ko lagi kong nakikita si Jose. Parang ang gwapo nya ngayon. Tuwing nakikita ko sya, parang gusto ko syang lapitan at i-hug ng mahigpit!
Be still my heart!
Dapat maging hard to get para mas hard to forget, as I always say.
Pero iba talaga si Jose ngayon, kaya nga pag dating ng uwian, 'di ko na mapigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya.
"Hoy, Jose." Tawag ko kay Jose, "Pauwi ka na ba?"
Napatingin sya sakin at ngumisi. Ang didilaw ng kulang-kulang nyang ngipin na dating pinandidirihan ko. Pero ngayon, sa pagkita ng ngiti nya, halos mahulog ang panty ko.
"Oo pauwi na ko." Sagot niya. "Gusto mong sumama?"
Hindi agad ako nakasagot... may laman ang mga salita nya. Sasama ba ako sa kanya? Sa kanyang bahay? Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko...
"O-oo... sasama ako." Nasabi ko rin sa wakas.
Tumawag sya ng tricycle. Pinauna nya akong sumakay sa loob, at sa pag-upo nya sa tabi ko, para bang ako'y hihimatayin sa nerbiyos. Inakbayan nya ko at hinimas ang aking balikat. Dati-rati, hindi ko ma-take ang masangsang nyang amoy, pero ngayon, 'di ko magawang pigilan ang katawan ko na sumandal at kumiskis sa kanya... I want you to touch me more... I want you so badly...
"Hep hep," bulong nya saking taenga, "hintay ka lang, dadating din tayo dyan." tumawa pa sya, "humanda ka sa bahay, ihi lang ang pahinga mo!"
Parang panaginip ang lahat.
Pagbaba ng tricycle ay halos bitbitin ako ni Jose papasok ng kanyang apartment. Pagsara ng pinto, agad n'ya akong sinunggaban. Damang-dama ko yung pagkagigil nya sa akin... at ako naman... my gosh... di ko lubos maisip na magagawa ko yun with him. Like I said, kinadidirihan ko sya noon... pero ngayon...
"B-ba't... bakit ka tumigil?" Tanong ko sa kanya ng bigla nyang tigilan ang paghalik sakin.
"Doon tayo sa kwarto." Sagot n'yang nakangisi.============================
Basahin ang buong kuwento sa Librong Itim Vol. 7
'Librong Itim 7' is now available in Precious Pages stores (physical and online) as well as in Lazada and Shopee and other major bookstores nationwide.
BINABASA MO ANG
Mga Kuwento sa Dilim
Gizem / Gerilimoriginal stories mainly of a dark nature mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim. This is a collection of one shot short stories written in Filipino. Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap ====...