original stories mainly of a dark nature
mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim.
This is a collection of one shot short stories written in Filipino.
Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap
====...
"Bata! Bata!" tawag niya. "Anong pangalan mo? Friends tayo ha? Bagong lipat ka ba rito?"
Hindi sumagot ang bata.
"Saan ka nakatira?" muli syang tumawag. "Malapit ka lang ba rito? Lagi kitang nakikita mag-isa dyan sa kabilang ilog, wala ka bang ibang kalaro? Halika, tawid ka dito sa pampang ko, mag-laro tayo!"
Tumawid ang bata sa ilog at lumapit sa kanya. "Ba't 'di ka nagsasalita?" tanong nya sa bata. "Putol ba dila mo? Hahaha biro lang! Pero, ba't nga ba ang tahimik mo?"
Hindi pa rin sumasagot ang batang nakatitig lang sa kanya.
"Ah, alam ko na! Gusto mo laro nalang tayo ng taguan? Sige! Ikaw muna ang magtago!"
Nagtakip siya ng mata at nagsimulang mag-bilang. "Isa... dalawa... O, ba't di ka pa nagtatago?!" Nakatitig pa rin ang bata sa kanya. "Aha-ha-ha! O, sige, di ako sisilip, promise! Bibilang uli ako ha?" muli syang nagtakip ng mata. "Isa... dalawa... tatlo..."
Ikalawang Araw. "Bata! Bata! Buti dumating ka! Kanina pa kita hinihintay!" tawag nya sa bata nang muli itong makita. "Ang galing mo palang mag-tago! Hanap ako ng hanap sayo ng isang araw, 'di kita makita! San ka ba nag-suot? Siguro may sikreto kang lugar na ikaw lang ang may alam, hane? Ano? Maglalaro ba tayo uli?"
Tahimik pa rin ang isang bata. Itinaas nito ang kamay nya na may laman sa loob. "Ano yang dala mo? Wow, candy! Akin ba to? Salamat ha? Alam mo, lagi akong binibigyan ni tatay ng candy dati, lalo na tuwing sahod, kaya lang nadestino sya sa malayo kaya di na siya nakauwi."
Sandaling syang natigilan sa pag-kuwento. "Sabi ni nanay masyado daw maraming ginagawa si tatay. Sabi naman ni Lola, may iba na raw syang inuuwian, pero ng tanungin ko si nanay kung saan na si tatay umuuwi, nagalit sya at pinalo ako." Nilapitan sya ng batang tahimik. "Wag kang mag-alala, mahina lang ang palo ni nanay. Ang masakit eh, yung kurot niya! Pinong-pino, parang sipit ng alimango! Ano? Maglalaro na ba tayo?" Dahan-dahang tumango ang bata. "Sige, ako naman ngayon ang magtatago ha? Bumilang ka hanggang sampu! Walang silipan!"
...
"Hala! Ang galing mo namang mag-hanap! Paano mo ako nakita?"
Nakatago sya sa uka sa katawan ng isang malaking puno ng mangga. Nag-iisang puno ito sa may tabing ilog. "Paborito kong puno ito!" masaya nyang ikinuwento. "Ang laki nya 'di ba? At kasyang-kasya ako rito sa butas! Para syang kuweba, 'di ba? Eto ang aking lungga! Madalas akong maglaro rito, lalo na pag mainit ang ulo ng tyo Densio. Lagi akong pinapalo nun eh, kaya pag nakikita kong umuusok na ilong nya, takbo agad ako!"
Tahimik lang nakikinig ang bata sa kanya. "Ah, nagdidilim na pala. Sige, bukas uli ha? Paalam!" at kumaway siya paalis.
==============================
Basahin ang buong kuwento sa Librong Itim Vol. 8
'Librong Itim 8' is now available in Precious Pages stores (physical and online) as well as in Lazada and Shopee and other major bookstores nationwide.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.