"Mga asong naloloko! Nagpapanggap na tao!" pasigaw na kanta si Boni.
"Hoy, 'wag kang magwala d'yan, baka may tumawag nanaman ng tanod!" saway ni Dustin.
"'Sus, bang lalaki naman ng tiyan ng mga tanod dito, eh, walang makakahabol sa 'tin!" sabi ni Amorsolo na nagsisindi ng tsongki. Umumpok ang pisngi niya sa paghithit nito. "Dapat lang na magsaya tayo, magugunaw na'ng mundo pagdating ng bagong milenyo!"
"Gagu, may isang taon pa!" sabi ni Dustin na may kasama'ng batok.
"Kaya nga magpakasaya na tayo ngayon!" muling kumanta si Boni na naki-hithit sa stick ni Amorsolo.
"Ipasa mo nga 'yan dito!" inabot ni Marcelo ang stick. "P'we! Sa'n mo nai-score 'to? Pucha, ang tabang! May halo 'atong kangkong 'yan, eh!"
"Kung maka-reklamo ka parang ang laki nang iniambag mo ha?" kantyaw ni Amorsolo.
"Kesa magreklamo, maglabas ka ng pera!" gatong ni Boni. "Ni yosi nga, wala kang ambag!"
"Sige, gawa tayo ng paraan." ngumisi si Marcelo at dinukot ang walet niyang nakakadena sa suot niyang maluwag na pantalon.
Nagpunta ang tropa sa kanto ng kanilang village. Babaan ito ng jeep, marami kasing subdivision ang lugar na iyon, at karamihan pa, mayayaman ang nakatira.
Nagtago sila sa dilim, umiiwas sa mata ng mga tanod na di-batuta, at ng mga balak nilang tambangan.
"Ayan, may bumaba." bulong ni Boni na lookout ng grupo.
Sinugod agad ni Boni ang binatang may bitbit na backpack, kasunod si Dunstin.
"Putang ina n'yo!" sigaw ng lalaki, sabay takbo!
"Habulin n'yo dali!" utos ni Marcelo, pero mabilis tumakbo ang lalaki na sumabit sa isang padaan na jeep.
"Pucha! Ang babagal ninyo!" reklamo ni Amorsolo na tawa ng tawa.
"Mabagal, eh, ikaw nga ni hindi makatakbo!" sagot ni Dustin.
"Magtago na lang uli kayo!" sabi ni Boni.
"Ang tatanga n'yo kasing dumiskarte, eh!" ani Marcelo, "Dapat, pag daan sa tapat saka kayo lalabas!
Muling bumalik sa dilim ang apat. Maya-maya naman ay nagbunga ang kanilang tiyaga nang may dalawang lalaking dumaan sa kanilang harapan.
"Pucha! Hiphop, tamanga-tama!" sigaw ni Amorsolo.
Natigilan ang dalawang nagdadaan na nakasuot ng maluluwag na shorts at polo.
"Ayos 'yang cap mo, ha?" sabi ni Dustin na katabi na ang isang lalaki. "Pero mas bagay 'yan sa 'kin!"
Tahimik lang ang dalawa, halatang nakikiramdam sa kanilang mga kilos.
"Kuya, lika na..." bulong ng isa.
Tutuloy na sana sila sa paglakad nang humarang si Marcelo sa daan.
"Pare, nagmamadali kayo? Pahingi naman ng pang-yosi d'yan!"
"Wala. Patawad." sabi ng mas malaki sa dalawa. "Paraanin n'yo nga kami!" tinulak pa nito ang kaliwang balikat ni Marcelo.
Walang pasabi-sabi, biglang sinapak ni Marcelo ang lalaki sa panga. Tumatak sa mukha nito ang kadenang nakabalot sa kanyang kamao.
"Kuya!" napasigaw ang kasamahan nito.
"Ano, astig ka?" singhal ni Marcelo sa lalaking bumagsak sa karsada. "Papalag ka pa?"
"Ang angas ng hiphop na 'yan, ha?" kantyaw ng mga kabarkada niya. "Wala naman pala'ng ibubuga!"
![](https://img.wattpad.com/cover/173670245-288-k573541.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Kuwento sa Dilim
Misterio / Suspensooriginal stories mainly of a dark nature mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim. This is a collection of one shot short stories written in Filipino. Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap ====...