original stories mainly of a dark nature
mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim.
This is a collection of one shot short stories written in Filipino.
Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap
====...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Bata ka pa."
Iyan ang sabi ni lola.
"'Wag kang gagaya sa nanay mo na maagang lumandi, kita mo, ngayon, nasa pangangalaga na kita." Pero ano naman ang kinalaman noon sa nararamdaman ko para sa kan'ya? Gusto ko lang naman siyang pagmasdan tuwing nakikita siyang dumadaan. Na hulihin ang kanyang ngiti at itago ito sa aking alaala para sa mga gabing nalulungkot ako at nag-iisa. Na marinig ang tinig nya, kahit pa hindi sa akin ang tinatawag niyang pangalan. Masama bang mangarap ng pag-ibig na ni minsan ay di ko naramdalan sa mga taong nakalibot sa akin? Kaya nga nang magkaroon ng pagkakataon ay nilapitan ko siya at sinabi ang aking nadarama. "Crush po kita, Sir Boy," sabi ko sa aking guro. Ngumiti siya, at sa pagkakataong ito, ay para sa akin lang iyon. "Nelly," tawag niya sa pangalan ko. "I like you too." At anong saya ang aking nadama. "Nand'yan na ba ang sundo mo?"
"Sir, seryoso po ako, I really do love you!" pilit ko. Napa hinga ng malalim si Sir Boy. "Nelly, masyado ka pang bata, hindi mo naiintindihan ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig," sabi niya. "Hayaan mo, paglipas ng panahon, sampu, dalawampung taon mula ngayon, maaalala mo ang panahon na ito at tatawanan ang mga kalokohang ginawa mo ngayon!" Kalokohan? Porket bata pa ako, kalokohan lang ba ang lahat ng aking nararamdaman? "Talaga po bang hindi n'yo ako kayang mahalin?" maluha-luha kong tanong sa kanya. "Pasensya ka na, iha, pero imposible talaga, isa pa, estudyante ka sa school na ito, at kahit wala ka sa aking klase, ay labag pa rin iyon sa batas. Kahit pa malaking bulas ka at mukha nang dalaga." Tumulo ang luha sa aking mata. "Kung ganoon po..."
Inilahad ko sa kan'ya ang aking mga palad, laman nito ang ilang pirasong yema na ginawa ko para sa kanya.
"Para sa inyo po... kahit sa bagay na ito lamang... sana po ay matanggap n'yo ako." "Ha-ha, bata ka pa nga talaga!" natutuwang sinabi niya. Binuksan niya ang isa at kinain iyon, ang kanyang mukha, hindi nawalan ng ngiti. Nasa ikalawa na siya'ng piraso nang siya'y mapasimangot. Tumayo siya at gumewang-gewang, at tuluyang bumagsak habang nakaturo sa akin. "Akala ko, hindi gagana!" masaya kong sinabi. Inilabas ko ang malaking bayong na may gulong na gamit ni lola tuwing pumupuntang Divisoria at pinagkasya siya sa loob nito. Natawa ako habang hatak-hatak ang bayong pauwi. "Ngayon, p'wede na tayong maglaro palagi!"
Muli akong natawa. Tama nga siguro si lola. Siguro nga, ay bata pa ako masyado.
alt title: psycho stalker 1st love killer
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.