original stories mainly of a dark nature
mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim.
This is a collection of one shot short stories written in Filipino.
Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap
====...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bimpo (kung bakit kasi hindi ka gumaganti)
"Kung bakit kasi hindi ka gumaganti!" sermon ka sa 'king kaibigan. "Kaya ka laging inaasar nina Timo, kasi, hinahayaaan mo lang na gagu-gaguhin ka nila!"
As usual, tahimik lang si Miggy.
Ganyan naman s'ya palagi, eh.
Tahimik.
Nakatungo.
Walang imik, kahit pa s'ya ang pinaka malaking bata sa grade 5 class namin.
'Yun na rin malamang ang dahilan kung bakit s'ya lagi ang pinag-iinitan ng mga loko naming kaklase.
"Ayoko lang talaga ng away, Len-Len..."
Muntik ko nang 'di narinig ang sinabi n'ya sa sobrang hina nito.
"Ano kamo? Ayaw mo ng away? Eh, pano 'yan, paborito ka ng mga sira-ulo sa klase natin! So, balak mo na lang silang takbuhan palagi?"
Walang imik si Miggy.
"Haay, pasalamat ka, napadaan ako sa likod ng canteen kanina! Kung 'di ako nagsisigaw, malamang, kung ano nanaman ang ginawa nila sa 'yo!"
Kumuha ako ng yelo mula sa baso ng binili kong sama-lamig at ibinalot iyon sa baon ko'ng bimpo. Napaatras si Migs nang tumingkayad ako para idikit ito sa noo n'yang may bukol.
"Ano, masakit 'di ba? Matuto ka kasing gumanti o umilag man lang! Biro mo, dati, puro kantyaw lang sila, ngayon, nananakit na sila dahil alam nilang hindi ka lalaban!"
Pero tahimik lang si Miggy.
Sa dalawang taon na naging kaklase ko s'ya, ni minsan, 'di ko pa s'ya nakitang magalit. Ni hindi ko pa s'ya narinig na magtaas ng boses.
Noong una, hindi ko s'ya ka-close, isa pa nga 'ko sa mga nang-aasar sa kanya, eh, para kasi s'yang tuta na laging bahag ang buntot at nakatungo, lalo na 'pag nakikita ko ang malulungkot n'yang mga mata.
Ayun din siguro ang dahilan kung ba't 'di ko s'ya malubayan, dahil tulad ng tuta, ay walang kasing cute si Miggy. Kaya nga naisipan ko na lang na alagaan s'ya.
"Len-Len, magka-klase na, balik na tayo sa room." tawag n'ya sa 'kin.
"Ah, oo nga pala," inabot ko sa kanya ang bimpo'ng may yelo. "Idikit mo lang iyan sa bukol mo, ha, para mawala ang pamamaga." "Okay... salamat."
"Walang anuman."
"Pero..."
Napatingin ako kay Migs. Ngayon lang s'ya nagpahabol ng 'pero' sa usapan namin.
"Pero... sa susunod, 'wag ka na masyadong magpapadalus-dalos... baka pati ikaw pag-initan nila," sabi n'ya.