original stories mainly of a dark nature
mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim.
This is a collection of one shot short stories written in Filipino.
Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap
====...
NOTE: this is the original manuscript for an erotic novel I wrote. Although the finished manuscript is about a straight (though twisted) relationship, this short fiction is about a BL story - boy's love (LGBT, storya tungkol sa mga bakla) with a bit of SnM or bondage.
If you are uncomfortable with these genre, please hit the back or forward button.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
a complete eBook of this story in novel version is available in my ko-fi shop:https://ko-fi.com/s/029ff20350
Word count: 30,336 Pages: 105 (cover to cover) File format: PDF
.
.
.
甘語古
Amai Goku (Amai Memory) = Sweet Story from old
May tatlong bagay akong kinalolokohan. Ang una, ay, masasarap at matatamis na pagkain, ang pangalawa naman, eh, ang bansang Japan.
Matagal ko nang pinapangarap makapunta sa Japan, mula pa nang una akong makapanood ng Japanese documentary show tungkol doon noong bata pa ako. Napaka ganda ng mga tanawin, ang linis ng paligid, at mukhang ang babait pa ng mga tao rito, lahat naka ngiti, lahat masiyahin. Kaya nga sinabi ko sa sarili ko, balang araw, makakapunta rin ako dito.
At ngayon, naganap na nga ang pinapangarap ko! Sa wakas, nakapag-ipon din ako ng sapat na halaga para makapag bakasyon sa Japan!
Tatlong araw lang naman. Kailangan kong makabalik agad sa trabaho, pero at least di ba, may 3 days ako? Sapat na yun para mamasyal, mamili, at umatend sa convention na talagang pinlano kong puntahan!
Ito ang unang araw ko rito sa 'Land of the Rising Sun' – or rather, gabi since mag-aalas-dies na. Kahit kagagaling pa lang sa trabaho, dumiretso na 'ko sa airport dala ang isang backpack na may sapat na gamit para sa 3 araw na bakasyon – 3 pares ng brip, 3 maninipis na t-shirt (summer naman, eh), at isang walking shorts.
Itong maong na pantalon kong suot, pang 3 days na, pati na rin itong suot kong jacket – kung sakaling ginawin ako, isang pares ng medyas (wala naman akong alipunga) at ang sapatos sa aking paa.
Sabi nila, mas mainit pa raw ang summer sa Japan kumpara sa 'Pinas, kaya, okay na 'tong mga dala ko, ayos nga at magaan lang, besides, 'di naman maselan sa gamit kaming mga lalaki. Maliban sa isang manipis na tuwalya, sipilyo, suklay at deodorant, wala na akong ibang kailangan dalhin, p'wede na lang akong bumili sa Hakuen shops kung may kailanganin pa ako.
I checked my smart phone as soon as I arrived in the airport. Dumiretso ako sa pinaka malapit na manga cafe – isang internet shop kung saan ka pwede mag-stay overnight! And since it's a week day at off peak season pa, marami silang rooms na available – at less than one thousand pesos for an overnight stay! Not to mention free wifi, manga, and unli coffee and soft drinks.