Mayroon akong hinihintay na tao.
Actually, matagal ko na siya'ng hinahanap.
Hindi ko alam kung nasaan siya, o kung kailan siya darating. Sa katunayan nga, hindi ko alam kung darating pa siya.
Ang totoo?
Ni hindi ko na maalala kung ano ang kan'yang itsura.
Ang naaalala ko ay ang Pasko, nang ako'y anim na taong gulang pa lamang, nang lumuwas kami sa Maynila ng aking ina para mamili ng pamasko.
Naaalala ko, ang saya-saya ko noon, dahil noon lang ako nakapasyal sa malayo!
Ang pagkakasabi pa niya, suwerte raw magsuot ng bagong mga damit sa kaarawan ni Kristo, at sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakapagsuot ng bagong damit.
"Totoo po ba, Nay? Ibibili n'yo 'ko ng bagong damit?" ilang beses ko'ng tanong sa kan'ya noon.
"Oo, anak, masaya ka ba?" nakangiti niya'ng sagot habang marahan na hinihimas ang aking buhok. "Ibibili kita ng kahit ano'ng gusto mo dahil napaka bait mo'ng bata. Masaya ka ba ngayon?"
Hindi ko malilimutan ang mga salitang iyon.
Ang huling mga katagang lumabas sa bibig ng nanay ko.
Siya ang pinakamamahal ko, ang tanging nag-aalaga sa akin, kaya ang laki nang tiwala ko na hindi n'ya ako pababayaan.
Sa pagkasabik, agad ako'ng napatunganga sa mga paninda sa paligid – mga magagandang sapatos, magagarang damit, at nakakaaliw na mga laruan.
Natuwa ako sa kanila nang lubusan, kaya hindi ko napansin na wala na pala si nanay sa aking likuran.
"Nay?" tawag ko sa masikip na pasilyo. "Nay, nasaan na po kayo?"
Adag ako'ng nakadama ng pamimilipit ng sikmura.
"Nay!"
Naisipan ko'ng hanapin siya.
Tumakbo ako sa kaliwa, nakataas ang tingin sa mukha ng mga naglalakihang mga tao sa masikip na lugar. Ngunit sa dami ng mga naroroon, ay naipagtulakan nila ako, at sa pag-ikot ay di ko na maalala kung saan ako nanggaling!
Nasaan na nga ba si Inay?
Hindi ba't dapat, sinusunddan niya lang ako?
Noon ko naalala ang payo n'ya sa akin dati...
'Kapag nagpunta tayo'ng bayan at nawala ako sa paningin mo, pumunta ka lang sa paborito nating kainan. Hanapin mo lang ang nakangiting mukha ng paborito mo'ng paru-paro, at doon, makikita mo rin ako.'
Agad ko'ng hinanap ang daan palabas ng gusali at tumingin-tingin sa paligid sa aking paglabas. Alam ko, nakita ko ang tindahan na iyon nang bumaba kami ng tren kanina...
"Ayun!" napalakas ang aking boses nang makita ang nakangising mukha ni 'Cheery Butterfly' sa 'di kalayuan! Patakbo ako'ng lumapit dito at agad yumapos sa imahe ng higanteng paru-paro na nakataas ang mga kamay para sumalubong sa akin. Hindi ko na napigilang ngumawa nang kayakap ko na siya.
Ganoon ako nakita ng mga tao sa loob ng kainan.
Inamo nila ako at pinatahan, pinapasok sa loob, at binigyan ng paborito ko'ng Cheery Butter Chicken.
Ang babait nilang lahat sa akin, kaya agad nawala ang pangamba ko.
"'Wag kang mag-alala, parating na ang Inay mo." sabi nila.
"Sigurado'ng hinahanap ka na noon."
"Susunduin ka niya rito!"
Pero mali silang lahat, dahil hindi dumating si Inay.
BINABASA MO ANG
Mga Kuwento sa Dilim
Mystery / Thrilleroriginal stories mainly of a dark nature mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim. This is a collection of one shot short stories written in Filipino. Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap ====...
