"Hanggang sa muli."
Paalam ko sa babae na duguan sa aking bisig. Marahan ko'ng hinimas ang munting pula'ng balat na hugis puso sa kanan niya'ng pisngi.
Napatingin ako sa punyal na nakasaksak sa kanyang leeg.
Tumutulo mula rito ang pula'ng dugo na bumubulwak sabay sa huling pintig ng pahina na niyang puso.
Parating na ang mga guardia sibil. Naririnig ko sila'ng tumatakbo papanik ng hagdanan, patungo sa aming silid. Hindi magtatagal ay pupuwersahin na nila ang nakakandado'ng seradura ng aming pintuan.
Hinatak ko ang punyal mula sa maputi niyang leeg at pinagmasdan ang dugong sumirit dito.
Tila ito'y sumabog, tulad ng damdamin ko na hindi na kinaya pa'ng pigilan ng naghihinagpis ko'ng puso.
"Napaka ganda mo talaga, mahal ko, ngunit ang iyo'ng kagandahan ay hindi sapat upang pagtakpan ang maitim mo'ng budhi. Kung naging tapat ka lamang sa akin, tulad ng aking katapatan sa iyo, disinsana, narito ka pa rin sa aking mga bisig... masigla... masaya... puno ng buhay..."
Napatingin ako sa pinto. Pilit nila ito'ng pinabubuksan sa akin. Narinig ko ang tinig ng lalaki'ng kalaguyo ng aking sinisinta. Pero hindi ako makapapayag na paghiwalayin nila kami.
"Huwag ka'ng mag-alala, aki'ng mahal, hindi kita iiwan."
Hinalikan ko sa huling pagkakataon ang aking irog.
Nawala na ang pula sa kanyang mga labi, pati na rin sa mapintog niya'ng mga pisngi. Ang mga mata niya'ng dati ay kay ningning, wala nang nakikita, bagamat nakatitig pa rin ang mga ito sa akin.
Itinaas ko ang aking mga kamay, kapit ang matalim na punyal. Pinuntirya ko ang aking puso na matagal na niyang pinatay.
Masakit, ngunit hindi kasing hapdi ng pagtataksil niya sa akin.
Bumagsak ako sa kanyang ibabaw, kasabay sa bagbukas ng pintuan, at nakita ko ang galit na mukha ng lalaki na nais maghiwalay sa amin.
Ako'y napangiti.
"Hanggang sa muli!"Paalam ko sa maganda'ng babae na pasakay na sa ipina-book niya'ng Grabb taxi. Napatitig ako sa red birthmark na korteng heart sa right cheek n'ya.
Ako'y napangiti.
- wakas? -
BINABASA MO ANG
Mga Kuwento sa Dilim
Mystery / Thrilleroriginal stories mainly of a dark nature mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim. This is a collection of one shot short stories written in Filipino. Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap ====...