Sawang-sawa na ko sa makakating dila ng mga walang-kwenta kong kapit-bahay.
Wala na silang ginawa kung 'di mag tsismisan araw-araw!
Ang iingay nila!
Mga pakeelamero!
Mapaggawa ng mga kuwentong hindi naman totoo!
"Ang tanda na, wala pang trabaho!"
"Pabigat lang sa kanyang pamilya!"
"Kawawa naman ang nanay niyang matanda na!"
Ano naman ang pakielam ninyo sa pamilya ng ibang tao?!
"Lasenggero!"
"Adik!"
"Walang silbi!"
Wala ba kayong magawa kung 'di mang-intriga ng buhay ng iba?!
"Wala sa sarili!"
"Baliw!"
"Walang silbi!"
"Manahimik kayo!" sigaw ko.
"Baliw ka talaga!" sagot ng makakating dila.
"Sira-ulo mo!" para silang mga lintang inasinan na 'di matigil ang galaw.
"Loko-loko ka!" walang humpay ang kanilang pag-iingay.
"Sinabi nang manahimik kayo!" sigaw ko'ng muli.
Tinakpan ko ang tupperware at ibinalik ito sa loob ng freezer.
Ayan, natahimik din sila sa wakas.
- wakas -
BINABASA MO ANG
Mga Kuwento sa Dilim
Tajemnica / Thrilleroriginal stories mainly of a dark nature mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim. This is a collection of one shot short stories written in Filipino. Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap ====...